Tuazon’s House
Hours later
"Tiffany nandiyan na si Ramon," kinakabahang sabi ni Patty, ng mamataan si Ramon sa labas ng bahay ni Ella.
Nakatingin lang si Patty kay Tiffany at kay Red, ang doctor na kakilala ni Marie. Kailangan mapaniwala ang mga ito na may temporary amnesia si Tiffany, kung hindi lagot sila. Iba pa naman magalit si Ramon kapag nalaman nitong niloloko nila ito.
"Payakap nga muna kinakabahan ako." sabi ni Patty kay Red. Niyakap ni Patty ang binatang doktor, na ngumiti lang sa kanya.
Napangiti si Tiffany kay Patty malaki talaga ang ipinagbago ng kaibigan, kung dati hindi ito marunong makipag-flirt. Ngayon halos, mas maharot pa ito kay Marie at Ella.
"s**t, kinakabahan ako. Bakit wala pa si Ella?" nagtatakang sabi ni Patty, ng hindi makita si Ella. Si Ella pa naman ang pasimuno ng lahat at may kabisado ng bawat detalye sa ibinigay ni Marie.
"Nasaan si Tiffany?" nagmamadaling sabi ni Ramon. Napatingin si Ramon sa lalaking naroroon at biglang parang kinutuban siya.
Napabaling ang tingin ni Ramon kay Tiffany at akmang lalapitan nito ang nobya ng biglang harangan siya ni Patty.
"Oooppppsss, hindi ka puwede lumapit." sabi ni Patty kay Ramon at iniharang nito ang katawan kay Ramon at dahil hindi naman siya katangkaran kaya halos tumingkayad siya sa binata.
"Aiiissssstttt, umalis ka diyan kutong lupa three." inis na sabi ni Ramon kay Patty, dahil kapag nakikita niya ang mga kaibigan ni Tiffany. Pakiramdam niya may hindi magandang gagawin ang mga ito.
"Bawal ka lumapit." humihingal na sabi ni Ella ng maabutan ang komosyon sa paglapit ni Ramon kay Tiffany.
Nakuha pa ni Ella yakapin ang doctor na si Red bago ito tuluyang hinarap si Ramon.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Ramon kay Ella.
Napakunot ang noo ni Ramon ng yumakap si Ella sa lalaking naroroon na lalong nakadagdag sa hinala niya.
"s**t, payakap muna. Pagod ako." sabi ni Ella kay Red. Nginitian ito ni Ella dahil hindi niya akalain na ang doctor na may gusto kay Marie ay ubod ng guwapo.
“Ano ba? Bakit hindi ako puwedeng lumapit kay Tiffany?”iritableng sabi ni Ramon kay Ella.
"Hindi puwede, kasi may mga bagay na hindi niya alam. I mean hindi niya matandaan." hinihingal na sabi ni Ella.
"Anong pinagsasabi mo?" naguguluhang sabi ni Ramon kay Ella na nakayakap pa rin sa lalaking naroroon.
"Ipaliwanag mo Doc. Pogi." sabi ni Ella kay Red, saka ito humiwalay sa natatawang doctor.
"May partial amnesia si Ms. Tiffany, kaya ka namin pinapunta ay para malaman namin kung ano ang part ng memory niya ang mga nakalimutan niya." pormal na sabi ni doctor kay Ramon.
Nagkatinginan sila Patty at Ella, ng mahinuhang mukhang sanay magsinungaling ang doctor ni Marie. At napangiti sila sa nalaman.
"Niloloko mo ba ako? Doktor ka ba talaga?" naaasar na sabi ni Ramon, dahil may pakiramdam siyang niloloko siya ng mga nasa harapan niya.
Tiningnan ni Ramon si Tiffany may benda ito sa ulo at kumakain ito ng mangga na halos hindi ito tumitingin sa kanya.
Akmang lalapitan ni Ramon si Tiffany ng pagbawalan ito ng doctor.
"Mr. Ramon, umupo muna kayo, para makausap siya." pormal na sabi ni Red.
Umupo si Ramon malapit kay Tiffany, na hindi pa rin tumitingin sa kanya at halos maubos na nito ang mangga na mukhang maasim.
"Tiffany, nakikilala mo ba siya?” pormal na tanong ni Dr. Red kay Tiffany.
Tiningnan ni Tiffany si Ramon, kinakabahan siya kanina pa at baka hindi nila magawa ang plano, na siya pa naman ang pinaka-sentro. Dahil kadalasan kapag may ginagawa silang kalokohan dati si Marie at Ella ang laging nangunguna, pero ngayon siya talaga ang bida.
Pinagmasdan ni Tiffany si Ramon, pero parang nabuweset siya sa mukha nito at ayaw niya itong makita. Kaya natural na nasabi niya ang lahat.
"Hindi, sino ka ba?" inis na sabi ni Tiffany kay Ramon
Nagkatinginan sila Ella at Patty, kanina pa sila kinakabahan at baka hindi magawa ni Tiffany ang plano dahil alam nilang patay na patay ito kay Ramon pero ngayon mukhang patay na ang pakialam ni Tiffany sa nobyo.
"F*ck, hindi mo ako kilala?" naguguluhang sabi ni Ramon.
Hinawakan ni Ramon si Tiffany sa braso dahil hindi ito makapaniwala na nalimutan siya ng nobya at akmang yayakapin niya si Tiffany ng pigilan ito ni Red.
"Mr. Ramon hindi mo siya puwede hawakan, kasi may trauma pa siya. Baka lalo ka niya hindi maalala kapag pinilit mo siya." pormal na sabi ni Red.
Lumapit si Ella kay Patty sa sinabi ni Red at bumulong si Ella kay Patty.
"Pat, mahahalikan ko yata si Red." kinikilig na bulong ni Ella kay Patty.
"Mamaya lagot siya sa atin." nangingiting bulong na sabi ni Patty kay Ella.
“Sandali, hindi puwedeng malimutan niya ako. Kailangan ko siya iuwi. Ipapagamot ko siya sa mas magaling na doctor." inis na sabi ni Ramon.
Kinabahan sila Ella at Patty sa reaksyon ni Ramon pero nagsalita si Red at senegundahan ni Tiffany.
"Mr. Ramon, lalo niyo ipinapahamak si Ms. Tiffany. Alamin niyo muna kung gusto ng pasyente dahil lalo magiging malala ang kalagayan niya kapag pinilit niyo siya." pormal at kapani-paniwalang sabi ni Red na ikinatingin ni Ramon kay Tiffany.
"Babe, iuuwi na kita. Hindi ka puwede dito, magbakasyon ka muna sa Academy akong bahala. Ipapaalam kita pero doon ka sa condo ko magpapahinga." nag-aalalang sabi ni Ramon, hindi siya makakapayag na hindi siya maalala ni Tiffany.
Napangiti si Ella at Patty, ang pangalawang plano ay inilatag ni Ramon. Ang pagbakasyunin si Tiffany para hindi rin mahalata sa Academy na buntis ito. Makakaiwas si Tiffany na makita ng lahat na naglilihi ito, siguradong may sahod pa ang dalaga sa bakasyon nito na lagi nitong inaalala. Maiiwasan din nila na mawalan ng trabaho si Tiffany.
"Ayoko sumama sayo. Hindi nga kita kilala. Saka mas gusto ko dito kay Ella, nakikita ko pa si Patty at parang mas masaya ako dito." natural na lumabas sa bibig ni Tiffany ang mga salitang iyon, na ikinagulat din ni Tiffany dahil ang totoo ayaw niya makita si Ramon at naiirita siya sa pagmumukha nito.
Napangiti uli si Ella, tama ang sinabi ni Marie sa kanya, kapag naglilihi si Tiffany isa sa puwede nitong paglihian ay si Ramon, puwede ito ang magiging ikakabagsak ng plano nila o puwede maipagpatuloy ito ng deretso. At mukhang maipagpapatuloy nila dahil pinaglilihian ni Tiffany si Ramon at ayaw itong makita ni Tiffany.
Napangisi si Ella at pasimple itong pumunta ng kusina at ipinagbalat pa ng mangga si Tiffany, kailangan matuloy ang plano nila kaya kailangan niya magpokos sa mga gagawin pang hakbang.
"Babe, hindi puwedeng nandito ka. Doon tayo sa condo ko dahil mas maaalagaan kita kapag kasama kita." nag-aalalang sabi ni Ramon dahil kapag tumira si Tiffany sa bahay nila Ella baka hindi na siya nito tuluyang makilala.
"Maaalagaan? Wheee! Hindi nga?" naibulalas na sabi ni Patty at kumuha ito ng mangga na hiniwa ni Ella pero iniluwa din sa asim.
"Dito lang ako. Ayoko doon sa condo mo saka sumasakit iyong ulo ko kaya umalis ka na." sabi ni Tiffany, na totoong naiimbyerna siya kay Ramon na hindi niya malaman kung bakit. Saka sumasakit talaga ang ulo niya dahil nahihilo siya sa ipinagbubuntis niya.
Inilapag ni Ella ang mangga sa harap ni Tiffany na agad kinuha ni Tiffany at kinain.
"Kailangan natin pakainin ang baby ni Tiffany para hindi magwala." bulong na tawa na sabi ni Ella kay Patty. Nakita naman nila na kaagad kinuha ni Tiffany ang mangga at isinubo iyon.
"Ang asim." nangangasim na bulong ni Patty kay Ella, ng masubo iyon ni Tiffany at parang wala lang dito ang asim.
"Mr. Ramon kailangan na siguro magpahinga ng pasyente." pormal na sabi ni Red.
"Kailan niya ako makikilala? Kailangan niya ako makilala." sabi ni Ramon dahil hindi siya mapakali lalo na ng tingnan niya si Tiffany na parang wala siya doon at hindi man lang siya magawang sulyapan. Busy ito sa pagkain ng manggang kanina pa siya nangangasim.
"Ella may pulis." sabi ni Patty ng may mamataan na pulis sa gate nila Ella.
Napatingin ang lahat kay Ella na nakangiti lang. Lumabas ang lahat dala ng kuryusidad pero naiwan si Tiffany at Ramon sa sala.
"Babe, alalahanin mo naman ako." nag-aalalang sabi ni Ramon kay Tiffany.
"Ayaw kitang kausapin." sabi ni Tiffany, dahil naiirita siya kapag naaalala na hindi siya pinapatulog ng binata sa loob ng mahigit dalawang buwan.
"Uuwi na tayo." sabi ni Ramon.
"Hindi kita kilala, baka anong gawin mo sa akin." asar na sabi ni Tiffany. At ilang segundo lang ng may naramdaman siyang parang nasusuka siya.
"Babe, please naman, huwag naman ganito. Huwag mo naman hayaan makalimutan mo ako." nagmamakaawang sabi ni Ramon.
"Lumayas ka sa harap ko." sabi ni Tiffany, dahil hindi puwede makita ni Ramon na nagsusuka siya kaya dali-dali siyang umakyat sa kuwarto ni Ella at ini-lock iyon.
Napatingin si Ramon kay Tiffany ng umakyat ito. Bigla siyang napasulyap sa mesa at sa manggang kinakain nito, tinikman niya iyon at naluwa niya iyon sa asim.
"Langya, napaka-asim naman nito," sabi ni Ramon. Napasulyap siya sa labas at ng makita niyang nasa labas na si Rod at mukhang mainit ang ulo nito agad siyang lumabas ng bahay nila Ella.
"Sa kanyang motor iyan." sabi ni Ella sa pulis at itinuro si Rod.
"Miss, ikaw daw ang nakasakay." sabi ng naguguluhang pulis.
Iniwan ni Ella ang motor ng mabangga nito ang street post paliko sa bahay nila. Akala niya kanina katapusan na niya ng makitang babangga siya sa poste. Buti na lang nakatalon siya kung hindi wasak ang mukha niya.
Nakita ni Rod ang buong motor at wasak ang unahang bahagi nito, namataan niya ito ng magtaxi siya papunta sa bahay nila Ella. Ang akala niya naaksidente ang dalaga pero mas maliksi pa ito sa inaasahan niya.
"Ako nga po ang nagmamaneho, kaso madulas iyong kalsada niyo doon, kaya dapat iyong kalsada ang sisihin niyo dahil kung hindi ako nakatalon baka pinaglalamayan na ako ngayon." sabi ni Ella. Napatingin si Ella kay Rod na mukhang kanina pa ito nakatitig sa kanya.
"Ako na bahala, charge niyo na lang sa akin iyong damages." pormal ba sabi ni Rod sa pulis.
"Sir, hindi puwede, kasi siya po iyong sakay." hindi paawat na sabi ng pulis kay Rod.
Binulungan ni Rod ang pulis at ilang sandali lang ng biglang nagbago ang awra ng pulis.
"Ella, devil's whisper." natatawang bulong na sabi ni Patty kay Ella ng mapansin nagbago ang kaninang makulit na pulis na gustong hulihin si Ella ng bulungan ni Rod ang pulis.
"Sir, sige po irereport ko na lang." sabi ni pulis at tuluyan itong nagpaalam sa kanila.
"Ella, Patty aalis na ako. Tawagan niyo na lang ako kapag may kailangan kayo." nakangiting sabi ni Red sa dalawa.
"Bakit ka na aalis?" malambing na sabi ni Patty at yumakap ito sa likod ni Red.
"May pag-uusapan pa tayo." sabi ni Ella at ikinawit nito ang kamay sa batok ng doctor.
"Bumitaw ka nga diyan." sabi ni Rod at hinila nito si Ella palayo sa doctor.
"Aiiisssstttt, doctor siya ni Tiffany," inis na sabi ni Ella kay Rod.
"Wala akong pakialam kahit sino pa siya." inis na sabi ni Rod at hinila papasok ang dalaga sa loob ng bahay nito.
"Salamat ha." sabi ni Patty kay Red ng sila na lang ang natira sa labas.
"Walang anuman. Basta tawagan niyo lang ako.”sabi ni Red
“Sure.”sabi ni Patty
“Oo nga pala. Si Marie pala kamusta?" sabi ni Red kay Patty.
"Okay naman. Kinakamusta ka rin niya." nakangiting sabi ni Patty. Nalaman nila mula kay Red na nagkakilala ang dalawa sa Amerika ng ipagamot ni Dennis si Marie dahil sa trauma nito.
"Tagal na namin hindi nagkikita. Sabihin mo miss na siya ni Red." nakangiting sabi ni Red.
Nagkagusto si Red kay Marie, trainee pa lang ang binata noon ng makilala si Marie sa Amerika. Ang akala nga niya noon kapatid ito ni Dennis, pero ng malaman na fiancée ito ng binata nagulat siya dahil dose anyos pa lang si Marie noon.
Kinaibigan ni Red si Marie at nahulog ang loob niya dito. Ang akala ni Red maaagaw niya si Marie kay Dennis pero ng mag-disiotso na si Marie nagpakasal ang dalawa at inimbitahan siya ni Marie sa kasal nito, na ikinagalit ni Dennis.
Ngayon nasa Pilipinas na sila at hindi naman kasal si Marie at Dennis dito kaya may pag-asa siyang makuha ang dalaga kay Dennis, tutal madali naman mapangwalang bisa ang kasal sa Amerika.
"Sure, payakap nga." natatawang sabi ni Patty.
"Oo naman yakap lang pala." natatawang sabi ni Red at niyakap si Patty. Hindi makapaniwala si Red na may tatlong kaibigan si Marie na kasing ganda nito. Kaya naisip ng binata na mukhang mapapadalas siya makipagkita sa tatlong babae habang hinihintay si Marie.
......................
Samantalang kanina pa may nagmamatiyag kay Patty mula sa kalayuan na hindi nito napapansin.
"Sir nasend ko na po iyong picture ni Miss Patty. Malinaw po iyan." sabi ng lalaking kanina pa sinusundan at minamatyagan ang bawat kilos ni Patty.
"Huwag mong hayaan makawala sa mga mata mo. Imbestigahan mo iyong lalaki sa picture, at alam mo na ang gagawin" galit na sabi ni LJ.
........
Tuazon’s House
"Hindi mo kailangan yakapin basta-basta ang kahit sino." naiiritang sabi ni Rod kay Ella.
"Bakit naman? Malaki na ako magagawa ko na kahit anong gusto ko." nakangiting sabi ni Ella.
"Hindi puwede, saka kanina paano kung napuruhan ka." nag-aalalang sabi ni Rod. Tiningnan ni Rod si Ella may gasgas ito sa binti pero parang wala lang sa dalaga.
"Hahhahaha, huwag ka nga pa-concern effect hindi bagay sayo." sarkastikong sabi ni Ella kay Rod at akmang tatalikod si Ella ng hatakin ito ni Rod.
"Ano bang problema mo?" inis na tanong ni Rod.
"Ayaw kitang makita, ayaw ko sayo at higit sa lahat ayaw ko na pinakikialamanan mo ang mga gusto kong gawin." inis na sabi ni Ella.
"Damn it." galit na sabi ni Rod at hinalikan nito si Ella.
Nagulat si Ella sa paghalik ni Rod kaya sa una gusto kumawala nito, pero niyakap ni Rod at hinawakan nito ang likod ng dalaga. At nang ilang sandali pa ng tumugon si Ella sa halik na ikinangiti ni Rod ng lihim. Naikawit pa ni Ella ang kamay sa batok ni Rod.
Ilang minuto rin ang lumipas ng binitawan ni Rod si Ella.
"Mukhang wala pa rin nakakahalik sayo. I miss you sweetheart." nakangising sabi ni Rod pero nagulat ang binata ng biglang sinampal ito ng malakas ni Ella.
Nagpupuyos sa galit na tinalikuran ni Ella si Rod at umakyat ang dalaga sa ikalawang palapag.
"Akin ka pa rin Ella." nakangiting sabi ni Rod sa isip habang hinihimas nito ang pisnge na sinampal ni Ella.