ORLA How the hell did that guy know my dad?! Nakabalik na ako sa kwarto matapos akong utusan ni Daddy na tawagin si Kross dahil gusto niya raw itong makausap. Kanina ko pa iniisip kung paanong nakilala ni Daddy ang lalaking yon. Ang alam ko ay wala naman siyang pakialam sa mga trabahante na nagpupunta dito kapag may mga pagawain dito sa bahay. Si Levin ang madalas na gumagawa ng mga yon kaya ang alam ko ay si Levin lang ang nakakakilala sa Kross na yon! Kunot noong napatingin ako sa nakasaradong pinto ng kwarto. Hindi ako pwedeng magkamali. Narinig ko ang ginawang pamumuri ni Daddy sa kanya. My Dad is clearly fond of him! At hindi ko alam kung ano ang ginawa niya at nakuha niya ng ganon ang loob ni Daddy! “Who the hell is that guy?” Naiintriga na tanong ko. Kahit anong gawin ko ay hind

