Nang magising ako kinabukasan ay nagmamadali akong nagtungo sa kuwarto namin ni Samuel dito sa bahay na binili niya para sa mga magulang ko. Hindi pa man ako nakakapagmumog at hilamos ay ang cellphone ko na agad ang dinampot ko pagkapasok na pagkapasok ko sa kuwarto. Ngunit laking dismaya ko nang makitang ni i-seen ay hindi nagawa ni Samuel. Pabagsak akong naupo sa kama at malungkot na tumitig sa phone ko. Hindi ito ang unang pagkakataon na hindi nakasagot agad si Samuel sa chat ko pero ito na yata iyong pinakamatagal. Masyado yata siyang busy sa mag-ina niya kaya nakalimutan na niya ako. Mapait akong napangiti. Masayang-masaya siguro siya sa piling nila kaya itsa-pwera na ako. Hindi man lang niya ako maalalang i-chat. Kahit kamustahin man lang. "Daddy, nakakatampo ka naman," pagkaus

