Unang araw ng pasukan ngayon. Kahit na alam ko ang posibilidad na magkikita kami ni Ate Kristine sa school at maaari niyang sirain ang araw ko ay hindi nabawasan ang pagiging excited ko. Nakabalik na rin kami ni Samuel sa bahay niya. Kahit na sobrang nalungkot si Patrick at ganon din ako, kinakailangan na talagang umuwi kami sa bahay ni Samuel. Ilang buwan na rin naman naming pinagbigyan ang kagustuhan niya. Ang usapan namin ay sa school na lang kami magkikita ni Patrick. Nalaman ko nga mula kay Samuel na may kasa-kasama ring bodyguard si Patrick gaya ko na may Kuya Ruben na bantay. Ayos na rin iyon para kung hindi kumportable si Patrick sa unang araw ng pagpasok niya ay maaari siyang umuwi anomang oras niyang gustuhin. Masigla akong bumangon at bahagyang niyugyog si Samuel para magi

