Dumating si Valentin nang mag-aalas onse na ng gabi. Akala mo ay pag-aari nito ang buong lugar kung makangiti ito at makakaway sa mga bisita ng ina nito. Halos magdikit naman ang kilay ng mga magulang nito at ng mga kapatid. Ako? Alam na alam ko kung bakit kung makangiti siya ay animo sa kanya ang mundo. Dinalaw na naman niya si Patrick. Kaya kapag nagpaimbestiga na si Samuel, tiyak kong mabubuko silang dalawa. At sa pagdating ng oras na iyon, isa pa ang tiyak kong mangyayari. Maghahalo ang balat sa tinalupan. "My brother and sister, how are you today? Seems you're very happy with your lovers beside you!" Tumawa pa ito nang nakakaloko. "Gusto mo bang makakita ng mga planeta, Valentin? Hindi ka naman mukhang nakainom pero kung umasta ka ay para kang lasing!" Nakangiting paninita ni

