Ang walanghiyang Patrick. Proud pa naman akong sabihin kay Samuel na siya ang magiging kasa-kasama ko rito sa school pero ano ang ginawa niya? Ayun, sumama kay Gob papuntang America. Gusto rin daw na makilala ng gobernador ang kauna-unahang apo kaya naman sumunod din ito kina Samuel at sa ina nito kasama syempre ang lover nito pagkatapos ng isang araw. At saka lang nagsabi ang Patrick na iyon nang nasa airport na sila. Sinabi pa niyang baka sumunod din daw sina Valentin at Mayor Marilen doon. Grand reunion pala ang mangyayari. At eto ako, naiwang solo flight. Nakaka-badtrip lang dahil pakiramdam ko ay pinaglaruan ako ng tadhana at lantarang isinampal sa akin na hindi ako miyembro ng pamilyang Simon. Kunsabagay, inaya naman ako ni Samuel. Ako lang iyong maarte na tumanggi. Gusto ko tulo

