Chapter 73

1801 Words

"Valentin, anong ginagawa mo rito?!" Si Patrick na ang nagboses sa katanungan nasa isipan ko. Tumingin din ako nang diretso kay Valentin at naghintay sa kanyang sagot. "Well..." Nakamot siya sa kanyang ulo na sigurado akong hindi naman makati. Bakit pakiramdam ko ay bigla siyang nahiya sa amin ni Patrick? Malayong-malayo ang pinapakita niya ngayon sa personalidad niyang nakilala ko na. "Dumaan kasi si Kuya sa munisipyo kanina tapos nagkakuwentuhan kami. Nasabi niyang nagtatampo ka kay Papa kasi hindi ka niya nagawang ihatid sa unang araw ng muling pagpasok mo sa eskuwelahan. So here I am..." Nagpapa-charming pa siyang ngumiti kay Patrick na pati ako ay napangiti sa kanya. Tila napahiya namang nag-iwas ng tingin si Patrick sa kanya. "You don't have to do this," mahina na ang boses

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD