Finn's POV Halos ilang araw narin ang nakakalipas simula ng malaman ko kung ano bang plano ang mayroon ang mga council pero tila nakakuha sila ng magaling na taga manipula ng sitwasyon dahil wala man lang akong makitang kahit ano sa kanila. "Yumi mukang mas magiging mahirap ang sitwasyon natin lalo na't wala si Alex. Dito isama mo pa ang kapatid ko na halos wala nang ginawa kundi ang sirain ang mga gamit sa kwarto niya" "I know. Kaya kami muna ni Lewrick Ng bahalang tumingin ng mga perimeter ng bawat distrito" "Mukang malabo na nating mailigtas ang ibang district dahil sa nagkalat na ang council sa tatlong bayan, may mga bagong armas na silang ginagamit kung saan mabilis nitong napapatay ang bawat bampira at lobong nagtatangkang lumaban" Nakita ko ang kakaibang galit sa mga mata nito

