DAY 70 October 16. Sunday SIGURO tama si Dr. Lorenzo. Maybe I don’t understand the reality of Kira’s sickness. Pero mali siya kung iniisip niya na hindi pa nag-si-sink in sa akin ang posibilidad na mawala sa akin ang babaeng mahal ko. Nang makita ko siyang walang malay sa ospital noong isang araw, para akong mababaliw. Hangang ngayon, everytime na naiisip kong nakahiga si Kira sa hospital bed at muntik na mamatay, parang may pumipiga sa puso ko. Hindi ako makatulog kakaisip kung ano ang pwede kong gawin para kay Kira. Kung ano ang magagawa ko para maging healthy siya. Kaya kahit natatakot ako naglakas loob akong mag research tungkol sa sakit niya. Para lang makahanap ako ng clue kung ano ang pwede kong maitulong. Lalo lang ako nadepress pagkatapos kong mabasa halos lahat ng medical a

