DAY 48 September 24. Saturday MY parents filed an annulment today. Sa harap ni Lolo at kasama ang kani-kanilang abogado, nag-usap ang Papa at Mama ko tungkol sa mga paghahatiang ari-arian, court appearances at kung anu-ano pang legalities ng paghihiwalay nila. Tahimik lang ako sa isang tabi. Mukhang galit pa rin si Papa. Pero si Mama, kalmado at determinado. Noong una balak ni Mama na siya ang aalis sa bahay pero malamig na sinabi ni Papa na siya ang aalis. Tutal, isa raw ang bahay na ‘yon sa mga ari-arian na makukuha ni Mama kapag legally annulled na sila. Nasa tamang edad na raw ako para magdesisyon kung gusto ko ba sumama sa isa sa mga magulang ko. Pero sabi ni Lolo, hahayaan niya akong magsolo kung gusto ko. Siguro baka pumayag ako kung noon ito nangyari. “No. I will stay with

