DAY 61 October 7. Friday AFTER ng lahat ng classes namin ni Kira dumeretso kami sa restaurant kung saan ako nagpareserve para sa dinner date namin with my family. Kompara kahapon, normal at cheerful si Kira ngayon. Wala akong nakikitang lungkot o insecurity o kung ano pa sa mga mata niya. She looks like the girl I knew all these weeks. Masigla, kumikinang sa kapilyahan ang mga mata at ginagamitan na naman ako ng analogy na siya lang yata ang makakaisip. “You know, feeling ko isa akong asteroid at ikaw ang araw at papalapit na ako sa loob ng solar system mo. Makikilala ko na ang mga planeta na umiikot sa’yo.” Natawa ako. “I’m not that self-centered. Hindi ako naniniwala na umiikot sa akin ang buong solar system. In fact, kung isang solar system ang pamilya Alonso, si Lolo ang araw.” “

