CHAPTER FIVE

3140 Words
 “Layuan mo ang fiancee ko!”banta sa kanya ni Morgan. Nagulat pa si Brent ng madatnan nya itong naghihintay sa labas ng punerarya. Agad itong lumapit sa kanya. Nagsukatan sila ng tingin, lalaki sa lalaki. Nag-aapoy ang mga mata nito sa galit at hindi naman sya nagpatalo. Tulad ng sinabi nya sa nobya ipaglalabanan nya ito. Mahal nila ang isat isa kaya hindi sya papayag na may makakahadlang sa kanila.  “Hindi ko alam ang sinasabi mo!”sagot nya dito. Tatalikuran nya sana ito pero hinawakan sya nito sa braso ng madiin. Pumiksi sya at hinarap ito. Tinanggal nya ang kamay nito sa braso nya.  “Hindi ako bulag para hindi ko malaman na gusto mo si Ella. Akin lang sya tandaan mo yan!”mariing sabi ni Morgan.  “Kung ganun wala kang dapat na ikatakot!”tiim ang bagang na sagot nya. Wala itong nagawa ng iwan nya ito. Tuloy tuloy sya sa opisina. Nasa cr si Ella ng pumasok siya. Inis syang umupo sa sofa bed. Naiinis sya kay Morgan pero mas naiinis sya sa sarili dahil hindi nya maiwasan magselos kapag nakikita ang lalaki na sinusundo ang nobya. Ngayon nya lang naranasang maging makasarili dahil ngayon lang sya nagmahal ng ganito. Kung anu-ano ang iniisip nya kapag wala sa tabi niya si Ella, paranoid sya dahil ang kasama nito sa bahay ay ang fiancee nito. Natatakot sya sa maaaring mangyari. Ayaw nyang mawala si Ella sa buhay nya. Ganun nya ito kamahal kaya nga ganun nalang ang tuwa nya ng malaman nya na sya ang nakauna sa nobya. Sya na yata ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Ang buong akala nya pa mandin may nangyari na dito at kay Morgan. Nagkamali sya. Napabungtong hininga sya sa mga naisip. “Ang lalim ah.” sabi nya sa lalaki ng makita itong nakaupo sa sofa. Parang ang lalim ng iniisip nito. “Nasa labas si Morgan. Sa tingin ko hinihintay ka.”malamig ang boses na sagot nito. “Sasabihin ko mamaya nya na ako sunduin total nakaligo na rin ako. Magpapadala nalang ako ng mga damit sa kanya.”sagot nya. Hindi na ito sumagot sa sinabi nya. Tumango lang ito ng magpaalam siyang pupuntahan si Morgan. Ang sama ng tingin sa kanya ni Morgan at alam nya kung bakit, dahil sa mga nangyari kagabi. Tila magiging aswang ito anumang oras. Nag-aapoy kasi ang mga mata nito. “Saan ka naligo?” tanong agad nito. “Sa opisina. Marami na kaming trabaho kaya mamaya mo na ako sunduin dalhan mo nalang muna ako ng damit.”inis nyang sagot. “Kasama mo bang matulog ang lalaking yon?” Tanong nito. “Mahiya ka nga sa sinasabi mo.” mahina nyang saway dito baka kasi marinig ng guard. “Wag kang magkaila dahil nakita ko kayo kagabi at nakita mo rin ako.”galit nitong turan. “Pinilit nya lang na ihatid ako dahil hindi mo ako sinundo!”pagkakaila nya. “Oras na malaman ko na niloloko mo lang ako at malaman ko ng may relasyon kayo, papatayin ko ang lalaking yan. Tandaan mo!”galit nitong sabi bago umalis. Halos manginig ang buong katawan nya ng makaalis ito. Natakot sya sa banta nito dahil alam niyang gagawin talaga nito. “Nagdududa na sa atin si Morgan.” pagbukas nya ng usapan dahil hindi sya kinikibo ni Brent. “Kinausap nya rin ako tungkol diyan kanina.”sagot nito pero nakasubsob pa rin ang mga mata nito sa mga papel na nasa harapan hindi man lang sya nito pinagkaabalahang tingnan kaya hindi na sya kumibo. Hanggang sa maglunch sila hindi pa rin ito kumikibo. Naiinis na sya sa inaasal ng lalaki. “Honey!” tawag ng isang babae ng biglang bumukas ang pintuan. Ang tangkad nito at napakaganda. Napapitlag sya ng maalala ang sinabi ng guard noong unang araw nya sa trabaho ayon dito nasa labas daw ang nobya nito. Bakit hindi nya naalala na may nobya pala ito? Agad itong lumapit kay Brent at hinagkan sa labi. Hindi sya makatingin sa dalawa baka kasi hindi nya maiwasang umiyak sa harapan ng mga nito. Halatang nagulat din ang lalaki sa pagdating ng original girlfriend nito. Tiningnan sya nito. “Sino sya honey?” tanong nito kay Brent pero hindi ito sumagot. “Secretary nya po.” agaw nya sa usapan. Tumango lang ang babae sabay baling ka Brent. “Ready?” tanong pa ng babae. Nakikinig lamang sya sa pag-uusap ng mga ito. Hindi na sya nagulat ng lumabas ang dalawa ng opisina. Saka nya lang pinakawalan ang sama ng loob ng mawala ang mga ito. Napahagulgol sya ng iyak sa sakit. Kanina pa nga sya nagpipigil dahil nakikita nya ang paglalambing ng babae kay Brent. Pakiramdam nya nadurog ang puso nya ng mga oras nya iyon. Lalo pa siyang nainis dahil parang deadma lang ang lalaki sa kanya, parang wala lang sya sa paligid kaya labis siyang nasaktan sa trato nito sa kanya. Malapit na siyang umuwi pero hindi pa ito dumarating hanggang sa dumating ang sundo nya. Syempre complete family ang sumundo sa kanya. Sabik ang mga itong kumuha ng bangkay sa kabaong dahil wala na ang guard at lalong wala si Brent. Tinalikuran nya ang mga magulang habang kumukuha ng bangkay sa kabaong. Kung dati natatakot sya sa ginagawa ng mga ito na may makahuli ngayon parang wala syang pakialam dahil iniwan nya ang mga ito sa morgue. Lumabas na sya ng punerarya pinili nya nalang hintayin ang mga ito sa sasakyan. Lutang ang isip nya ng mga oras na iyon. Kung hindi pa tumikhim si Morgan hindi nya namalayang nasa loob na ng sasakyang ang ama’t ina. Umayos sya ng upo at hinilig ang ulo para umidlip. “May sakit ka ba?” tanong ng tatay nya sa kanya. “Wala tay. Pagod lang siguro ako, ang dami kasing ginawa kanina.”sagot nya sa ama. Hindi na sya nag-idilat ang mga mata. Tagahanap lang ng pagkain ang tingin sa kanya ng pamilya. Walang nagmamahal sa kanya kaya siguro ang bilis niyang minahal si Brent dahil ito lang ang tanging lalaking nagpadama sa kanya ng importansya ngunit ang lahat ay panandalian lang at may hangganan, sa huli masasaktan din sya. Pinaglaruan lang sya nito. “Gusto mo ang boss mo?”tanong sa kanya ni Morgan. Nasa likuran nya pala ito. Hindi nya ito sinagot hinayaan nya ito ng magsalita. Nasa sala silang dalawa. “Hindi mo sya pwedeng mahalin dahil tayo ang itinakda ng mga magulang natin. Tayo ang magpapatuloy ng lahi natin. Mahal kita Ella alam mo yan, kaya sana pag-aralan mo akong mahalin. Wag mong ilagay sa kamay mo ang buhay ng lalaking yon. Alam mong hindi lang ako ang papatay sa kanya, kaya layuan mo na sya habang maaga.”paalala nito sa kanya. Kung ganoon lang sana kadaling layuan ang lalaki gagawin nya pero hindi, dahil iisa lang ang opisina nilang pinagtratrabahuan at siguradong walang araw na hindi sya masasaktan.  Kung normal na tao lang sana ang pamilya nya at si Morgan madali lang sana ang buhay nila. Siguro nasa siyudad sila nakatira hindi sa isang liblib na lugar. Malayo kasi ang bahay nila sa bayan. “Walang ginagawa sayo ang boss ko kaya lubayan mo sya.”tanging naisagot nya. “Napagkasunduan pala namin na sa susunod na linggo na ang kasal natin.” turan pa nito na ikinagulat nya. Tiningnan nya ito. “At bakit nag dedesisyon kayo ng hindi ko alam?” galit nyang tanong. Nanlalaki ang mata nya sa gulat. Sa susunod na taon pa kasi ang alam nyang kasal na itinakda. “Wala rin namang magagawa ang pagtutol mo dahil hindi ikaw ang masusunod. Ihanda mo na ang sarili mo na maging isa namin.” nakangiti nitong turan. Alam nya ang tinutukoy nito ang maging isang aswang o balbal. Mangyayari na ang kinatatakutan nya. Paano nya pa maplaplano ang pagtakas gayong wala ng dahilan ang buhay nya. Wala na ang lalaking inaasahan nyang makakatulong sa kanya na makatakas mula sa kamay ng pamilyang aswang. Napahagulhol sya muli ng umalis si Morgan. “Bakit ngayon ka lang?” tanong sa kanya ni Brent ng pumasok sya sa opisina. Busy na ito sa trabaho, hindi nya sana ito papansinin pero boss nya rin ito. “Pasensya na po, medyo masama lang ang pakiramdam ko Sir.”magalang nyang sagot. “Dapat hindi kana pumasok kung masama ang pakiramdam mo.”biglang sabi nito na ikinainis nya. Hindi nya alam kung nag-aalala ba ito dahil biglang humina ang boses nito. “Ok lang Sir. Last day ko na rin ito.”sagot nyang hindi makatingin. “Bakit?” tanong nito. Hindi nya sana ito sasagutin pero lumapit ito sa mesa nya sabay upo sa bakanteng upuan. “Ano ang dahilan?” tanong pa nito. Hinarap nya ito. “Ikakasal na ako sa susunod na linggo, magiging busy na ako kaya hindi na ako makakapasok pa.”amin nya dito. Napatayo ito sa kinauupuan. Nabigla sya dito dahil sa ingay na likha ng pagtayo, natabig kasi nito ang upuan. “So ganun nalang yon? Pagkatapos ng lahat magpapakasal ka!” bulyaw nito sa kanya. Naguguluhan sya sa reaksyon nito samantalang ito ang may kasalanan sa kanya. “Dahil yon ang tama ang magpakasal sa taong mahal ka.” mahinahong sagot nya. Hindi nya ito tinitingnan nanatili siyang nakayuko. Nagulat sya ng sipain nito ang pader. “Mahal mo ba sya?” tanong pa nito. “Hindi na importante yon. Ang importante mahal ako ni Morgan.” Sagot nya. “Ano ba ang problema mo at nagkakaganyan ka?” tanong nito. Humarap ito sa kanya kaya hinarap nya rin ito. Pilit nyang itinatago ang luhang kanina pang gusto pumatak. “Ikaw ang may problema at hindi ako.” hindi nya mapigilang sumbat dito. “Dahil lang sa simpleng bagay nagkakaganyan ka?” “Sayo simple lang dahil sanay kang magpaikot ng tao at pagkatapos basta mo nalang iiwan. Hanggang salita ka lang Brent! Nagsisi ako na nakilala kita! At lalong nagsisisi ako na minahal kita!” sumbat nya pa dito. Agad nyang kinuha ang bag sabay alis sa opisina nito. Hindi man lang sya nito hinabol tanda na wala talaga itong pakialam sa kanya, saka nya lang pinakawalan ang luhang nagbabadyang pumutak. Patakbo siyang lumabas ng punerarya. Hindi naman totoong pinapaalis sya sa punerarya ng mga magulang, sya lang mismo ang desisyon na umalis.    Paulit ulit nya lang kasing sasaktan ang sarili kapag nakikita nya pa ito. Bahala na kung magalit ang mga magulang nya ang importante ang makaalis sya sa punerarya at nang makalimutan na ito ng lubusan kahit na mahirap. “Bakit ang aga mo?” nagtatakang tanong ng ina nya. Nagdidilig ito ng halaman ng mga oras na iyon. Lumapit sya dito at nagmano. Hindi nya alam kung ano ang isasagot sa tanong nito. “Masama po kasi ang pakiramdam ko.” pagdadahilan nya dito. Nagpaalam na siyang mauna dito pero sumunod ito sa loob ng bahay. Nakasalubong nya rin sa pinto ang ama. Tulad ng ama nagtataka ito sa maagang pagdating nya. “Ano ang totoo sa maaga mong pag-uwi?”ulit ng ina nya. Galit ang nakikita nya sa mga nito. “Ang totoo po, umalis na ako sa punerarya.”sagot niyang nakayuko. Ayaw niyang makita ang mabalasik na mukha ng mga magulang. “Umiibig ka ba sa tao?”tanong ng ama nya. Wala siyang nagawa kundi ang tumango. “Alam mong hindi maaari ang gusto mo! Nandoon ka para mabigyan kami ng pagkain at hindi para makipaglandian sa lalaking yon! Hindi natin sya kauri!”bulyaw ng ina. “Tao po ako at kauri ko pa rin si Brent. Hindi tulad nyo.”ganti niyang sagot sa ina. Nilapitan sya nito at sinampal. Halos mabingi sya sa lakas ng sampal nito. Hindi nya mapigilang umiyak sa sakit. “Ang kinamumuhian mong pamilya ay ang nagpalaki sayo at balang araw magiging tulad ka rin namin. Magiging hayok ka rin sa bangkay!”dagdag pa ng ina. Wala syang nagawa kundi ang umiyak nalang. Ngayon nya lang ulit naramdamang mag-isa simula ng maging sila ni Brent.. “Ikakasal kayo ni Morgan sa ayaw at gusto mo!”turan ng ama nya bago siya tinalikuran. Sasampalin pa sana sya ng ina ng biglang dumating si Morgan. Inawat nito ang ina niyang galit na galit. “Ako na ho ang bahala kay Ella.”awat ni Morgan. Niyakap sya ng lalaki papalayo sa ina. Kahit na nakalayo na sila sa ina naririnig nya pa rin ang tungayaw nito. “Ano ba kasi ang nangyari?”tanong sa kanya ni Morgan ng tumigil sya sa pag iyak. Ayaw nya kay Morgan pero nagpapasalamat pa rin sya sa pagtulong nito. Simula ng malaman nyang ikakasal sya dito sa takdang panahon itinuring nya na itong kaaway hanggang sa lumaki sila. “Umalis na ako sa trabaho.”turan nya sa lalaki. “Mabuti yon para maiwasan mo na ang boss mong arogante.”ismid na sagot ni Morgan sa kanya. Wag kang mag-alala ako ang gagawa ng paraan para may makain ang pamilya natin. Hindi mo na kailangan umalis pa. Dito ka nalang sa bahay at ihanda mo ang sarili mo sa nalalapit nating kasal.”turan pa nito. Hinatid pa sya ni Morgan sa sariling silid bago ito umalis. Napaupo sya sa kama sabay buntong hininga, muli nyang naramdaman ang sakit na dulot ni Brent. Kahit pinipigilan nIyang umiyak hindi nya maiwasan. Labis siyang nasaktan. Kung bakit ba kasi minahal nya si Brent tuloy ito sya ngayon nasasaktan na walang kalaban laban. Dapat kasi ng una palang tinanggap nya na ang nakatakda para sa kanya hindi yong umibig sya sa taong walang isang salita.       Napabalikwas sya ng bangon ng may naulinigan syang tunog na nagmumula sa labas ng bahay. Tila nagtatalo ang mga ito dahil malakas ang boses ng ama. Dahan dahan siyang tumayo at bahagyang binuksan ang bintana. Nasa tapat ng bakuran ang kanyang silid kaya kitang kita nya ang mga tao sa labas ng bakuran. Hindi na sya nagulat ng makita ang mga magulang at si Morgan sa labas ng bahay. Hindi nya marinig ang pinagtatalunan ng mga ito. Napatingin sya sa pambisig na orasan. Ala una palang ng madaling araw. Nakita niyang unang pumasok ang ina at sumunod ang ama. Simula kasi ng magkaisip sya at nalaman nya ang lihim ng pamilya palagi nya ng pinagmamasdan ang ginagawa ng pamilya nya. Nang makapasok ng bahay ang mga magulang nakita niyang naiwan si Morgan sa labas ng bahay umupo ito sa kawayang upuan na palaging nilang tambayan ng noong mga bata pa sila at magkasundo pa. Ang lalim ng iniisip nito dahil nakatanaw ito sa malayo. “May problema ba?” tanong nya sa lalaki. Dahan dahan siyang lumabas ng bahay para makausap ito, hindi kasi sya mapakali. Nagulat pa ito sa kanya. Umusog ito ng upo at niyaya siyang tumabi. “Bakit gising ka pa?” tanong nito sa kanya. Hindi sya nito tiningnan. “Narinig ko kasi ang boses nyo kanina. May problema ba?” tanong nya dito. “Meron. May nakakita kasi sa nanay mo kanina na nagbagong anyo.” nag-aalala nitong sagot. Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi nito, ibig kasing sabihin may nakakaalam na ng lihim ng pamilya nya. Nakaramdam din sya ng takot dahil sa nangyari. “Paano na ngayon yan? Tiyak na kakalat bukas ang balitang may aswang sa lugar natin. Ang masakit pa nakilala nya si Nanay. Ano ba kasi ang nangyari?” nag-aalala nyang tanong. “Kaya nga kami nagtatalo kanina dahil hindi nag-iingat ang nanay mo. Naging kampante sIyang walang makakakita sa kanya.” napapailing nitong sagot. “Anong gagawin natin?” natataranta nyang tanong. Nag-aalala siya na baka madamay sya sa lihim ng pamilya. Baka mapagkamalan rin syang aswang. “Tulungan mo ako may binabalak akong gawin. Tiyak ko kasing hindi pa yon nakakalayo.” turan pa nito na ang tinutukoy ay ang nakakita sa ina. “Anong tulong?” agad nyang tanong. “Patayin natin ang nakakita kay Tiyang.”agad nitong turan na ikinagulat nya. “Tutulungan kitang patayin ang taong yon? Hindi ako katulad nyo Morgan. Hindi ako mamamatay tao.” madiin nyang sagot dito. Nagtitimpi siyang ilakas ang boses baka marinig ng mga magulang. “Kaligtasan natin ang nakasalalay dito at sa ayaw at gusto mo damay ka sa problema ng pamilya. Tingin mo ba iisipin ng mga tao na hindi ka namin katulad?” hamon nito sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang sumang-ayon kay Morgan. Agad nilang isinagawa ang plano. Hinanap nila ang taong nakakita sa nanay nila. Mahigit isang oras na silang na naghahanap sa paligid pero hindi pa rin nila makita ang taong tinutukoy nito. “Baka nakauwi na ang mamang yon.” nag-aalala niyang sabi. Nawawalan na sya ng pag-asang makita pa ang taong nakakita sa ina. Alam ng diyos na labag sa loob nya ang gagawin pero wala siyang magawa. Tiyak na ikakapahamak nya kapag kumalat ang balita. Matagal na itinago ng mga magulang ang lihim na iyon. “Wag kang maingay. May naaamoy akong tao.”saway sa kanya ni Morgan. Umupo ito sa lupa at pinaupo rin sya nito para hindi makita. “Sya yong taong nakakita kay TIyang.” mahinang turo sa kanya ni Morgan. Susugod na sana ito sa tirahan ng lalaking tinuro nito ng pigilan nya ito. Napahinto ito at tumingin ng matalim sa kanya. “Bakit?”angil nito. “Ako ang papatay sa kanya.”turan nya na nanginginig ang boses. “Paano mo gagawin yon?”nagtataka nitong tanong. “Ngayon nyo ako masusubukan na kaya ko kayong protektahan. Gusto kong bumawi sa inyo.”seryoso nyang sagot. Wala na itong nagawa kundi ang pabayaan sya. Patingkayad siyang pumasok sa bahay ng naturang lalaki. Ingat na ingat siyang gumawa ng kahit anong ingay. Sinulyapan nya muli sa Morgan, nakangiti na ito sa kanya na tila ba sinasabi na kaya mo yan!. Kinuha nya ang panlabang dala. Dalawang matulis na kutsilyo ang sukbit nya. Malakas ang kabog ng dibdib nya habang papalapit sa bahay na tinutumbok. Sari-saring emosyon ang nararamdaman nya. Natatakot sya oo, pero kailangan niyang gawin ito para pagkatiwalaan sya pamilya. Mali si Morgan kung inaakala nitong papatayin nya ang lalaki. Ililigtas nya ito sa kamay ng pamilya. Nasa panganib ang buhay nito hindi lamang ito kundi ang buong pamilya. Hindi nya alam kung makukumbinsi nya ang lalaking makipag-usap sa kanya ng maayos kaya ganun nalang ang kaba nya. Dasal nya na sana patnubayan sya ng Diyos sa mga gagawin. Dahan dahan siyang pumasok ng pintuan. Pawid lamang iyon kaya madali siyang nakapasok. Nakita nya ang lalaking tinuro ni Morgan, kausap na nito ang asawa at sa tingin nya sinasabi na nito ang mga natuklasan lihim ng pamilya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD