CHAPTER 12 Handa na sana akong isubo siya nang gabing iyon. May kaunting takot, oo, dahil unang beses ko pa lang at hindi ko alam ang gagawin. Pero mas nangibabaw sa akin ang kagustuhan na mas gusto kong suklian ang sarap na binigay niya sa akin. Ngunit isang tawag ang dumating. Kinailangan niyang umalis, at dalawang araw na siyang hindi umuuwi sa bahay nila. “Yaya, let’s play! Come on!” kakagising lang nitong si Jacques pero agad na akong hinila palabas ng kanyang silid upang maglaro. Sa garden kami naglalaro sa tuwing hapon. Hawak niya ang kanyang maliit na bola at ang isang kamay naman ay sa akin nakahawak. “Sandali lang! ‘Wag kang tumakbo!” paalala ko sa kanya. Nakakahingal talaga kapag kasama ko ang batang ‘to. Nang makarating na kami, nakatayo na ang ring na inutos lang namin

