CHAPTER 8 Napakurap- kurap ako ng ilang beses sa sinabi niya. “Kalimutan na lang natin ‘yon, sir!” para hindi na kami mailang sa isa’t- isa. “You don’t want to touch it again?” kasunod ng sinabi niya ang malutong nitong tawa. Sira ba ulo nito? Akala ko hihiingi siya ng tawad sa akin dahil sa inasal niya kagabi. ‘Yon pala, aasarin niya lang ako ngayon. Alam ko na ang dahilan kung bakit nagpakalasing siya kagabi. Tungkol sa ex niya. “Umalis ka sa harapan ko, sir, at nangdidilim ang paningin ko sa ‘yo.” Banta ko rito at matalim siyang tiningnan. “Watch your words, woman. I am your boss here,” boss ba ‘yan? Ang isip bata! Pilit akong ngumiti sa kanya. “Sorry po, mahal na prinsepe. Padaan po ako at bibihisan ko pa sa taas ang kapatid mo.” Kung hindi lang mataas ang pasensya ko kanin

