CHAPTER 32 (WARNING: SOME SCENES ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.) Pumili ako ng isang kanta na parang iniaalay ko na rin sa kanya. “Go, Cecilia! Inom ka muna!” bago ako kumanta ay binigyan pa ako ng isang baso na may lamang gin. Ubos na ang wine na iniinom namin at ngayon gin naman. Binili 'to kanina ni ate Ritchel doon sa labas. “Pampalakas ng loob 'yan! Kanta na!” sigaw nito sa akin. 'Mayro'n akong nais malaman' 'Maaari bang magtanong?' 'Alam mo bang matagal na kitang iniibig?' 'Matagal na akong naghihintay' Pinili ko ang pwesto kung saan tatalikuran ko si sir Frederick dahil naiilang akong tumingin sa mga mata niya. 'Ngunit mayro'n kang ibang minamahal' 'Kung kaya't ako'y 'di mo pinapansin' 'Ngunit gano'n pa man, nais kong malaman mo' 'Ang

