CHAPTER 45 C E C I L I A 'S P O V Punyetang buhay 'to. Ang sarap batukan ng sarili ko. Ang tanga- tanga ko sa part na nalaglag ako sa hagdan dahil namali ang hakbang ko. Nagpupunas kasi ako ng railings. Ang dami kong iniisip nung araw na 'yon. Binabagabag ako at hindi mawala- wala sa isip ko. Naguguluhan na rin kasi ako. May sinabi kasi sa akin si ma'am Pia. Nang malaman ko 'yon sobrang nalungkot ako. Nakatakda na palang ikasal si sir Frederick sa isang babae. Hindi ko pa kilala kung sino. Hindi sinabi ni ma'am Pia ang pangalan ng babae. Nang malaman ko 'yon nalungkot ako ng husto. Mahal ko na siya. At hindi ko kayang malaman na may nakatakda ng babae para sa kanya. Kumikirot ang puso ko. Kaya wala rin ako sa sarili nung araw na 'yon. Buti na lang nasa mababa lang ako, kung hindi

