=New Boss =
''Iha,pag aralan mo lahat ng mga papeles na ibibigay ko sayo''
Nakangiti sabi sa akin ni Mrs.Fuentilla nakaupo kami pareho na magkaharap sa opisina niya pinatawag niya ako kanina dahil may mahalaga daw siyang sasabihin sa akin at heto na nga yun pinapaliwanag niya sa akin pero naguguluhan pa din talaga ko sa kanya.
''Yes po Maam,pero bakit napaka dami naman po nito Maam'' ..sabi ko na nagtataka sa mga folder na iniabot sa akin ni Mrs.Fuentilla.
''Profile ng tatlong apo ko yan''..Nakangiti sabi nito sa akin na parang may naglalaro sa isip niya na nakatingin sa akin
''po,ano pong gagawin ko sa mga ito?'' wala pa rin akong ideya sa sinasabi niya sa akin.
''magreresign na kasi ako iha at sila na ang hahawak ng Company ng Lolo nila,meaning hindi na kita magiging Secretarya.'' Seryosong tugon nito sa akin at ngumiti sa akin ng makahulugan.
''Po? pero paano po yun Maam matatanggal na po ba ako sa trabaho?Maam kailangan ko po ang trabaho na ito''..Kinakabahang tanong ko sa kanya kahit papaano ay napamahal na ako sa trabaho kong ito.
''No..,syempre hindi ka mawawalan ng trabaho gusto ko pag aralan mo yang profile ng mga apo ko pero magfocus ka kay Cody dahil siya ang magiging bagong boss mo,ikaw ang magiging Secretarya niya,medyo kaugali ko yun kaya habaan mo ang pasensiya mo sa kanya ah''..sabi ni Mrs.Fuentilla na may mapaglarong ngiti sa mga labi.
''Po,pero Maam magtatagal po kaya ako sa mga apo niyo?Maam huwag na lang po kayo magresign''.Nalulungkot na sabi ko at isa pa ayoko ng magkaroon pa ng panibagong boss maliban sa kanya sa Kompanyang ito baka mamaya mas masungit sa kanya ang mga apo niya.
''Kung ako lang iha ayoko pa, kaso tumatanda na ako masyado at napapagalitan na rin ako ng mga apo ko, kaya napagpasyahan nilang sila na ang hahawak ng kompanya na ito''..mukhang final na ang desisyon ni Maam,napabuga na lang ako ng hangin.
Ganun po ba,mamimiss po kita Maam..
''Mamimiss ko din ang samahan natin iha,huwag kang mag alala dadagdagan ko ang sahod mo basta pakiusap ko lang sayo na huwag mo basta basta iiwan si Cody ah at pagtiisan mo sana ang ugali meron siya pero mabait naman yung batang yun nagmana lang talaga ng kasungitan sa akin''
''Sige po Maam gagawin ko po ang makakaya ko para po mapagpasensiyahan ang ugali na meron yung apo niyo''
''Naniniwala naman ako na kaya mo i handle ang ugali ng isang yun''..Nakangiti pa sabi nito sa akin na parang may naglalaro sa isip niya.
Kinagabihan pinag aralan ko ang mga Profile ng mga apo ni Mrs.Fuentilla,Si Sir Hunter na gwapo pero parang may pagka playboy may dimple ito sa pisngi,Si Sir Auston na mukhang seryoso pero gwapo din at si Sir Cody na parang nakakatakot parang ang hirap niyang biruin pero siya ang pinaka ka gwapo sa kanilang tatlo para silang mga artista at mukha silang pamilyar sa akin nakita ko na kaya sila, matatangkad sila batay sa Picture na nasa Folder, pero mas napansin ko sa kanila si Sir Cody nakakacurious siya at parang gusto kong malaman ang pagkatao niya sabi ni Maam kaugali daw niya ito ibig sabihin lang masungit ito,pwes tignan natin kung sino ang magtatagal sa aming dalawa.