Napapansin ni Auston ang madalas na pagiging tahimik ni Cody,madalang na rin sumama sa kanila ito pag nagkikita - kita sila magpipinsan,nandito sila ngayon sa Bar ng kapatid niyang si Paul at kanina pa niya pinagmamasdan si Cody na tahimik lang sa isang tabi habang umiinom napilit lang naman nila ito ngayon sumama sa kanila dahil birthday ni Kurt ang kapatid ni Hunter. ''bro,pwede ba tayo mag-usap?''..sabi ni Auston na lumapit sa upuan ni Cody. ''tungkol saan?''sagot ni Cody na lumingon sa kanya. ''may itatanong lang ako,sa labas tayo mag-usap''..sabi ni Auston na tumayo na at naglakad,nakatingin lang sa kanila ang mga kasama nila na di na sila tinanong kung saan sila pupunta. - Nagtungo sila isang VIP Room na katabi ng inukupa nilang magpipinsan. ''may problema ka ba?''..tanong agad

