SKY POV's
Im here at cafeteria ng biglang may umupo sa katapat kong upuan, nagulat ako kong sino, si angelo lang pala, malawak ang ngiti nya.
"Anong relasyon nyo ni greyson" napakunot ang noo ko sa tanong nya! Mag kakilala ba sila ni grey?
"He court me" tipid kong sabi, sabay tingin sa mga mata nya. Makikita mo ang pag kadismaya sa mukha nya.
"Nauna na pala syang manligaw sa akin" bulong nya kaya hindi ko gaanong nadinig,
"What?" kunot noong tanong ko hindi ko kasi narinig. Ewan ko ba kong ano ang nasa isip ng taong 'to ang hirap basahin, kanina lang ang lawak ng pag kakangiti ngayon naman ang dilim ng mukha hays mga lalake talaga may toyo haha
"Nothing, i have to go!" sabi nito at bigla na lang umalis. Tignan mo yun bigla nalang sumulpot tas bigla din aalis hayss
PASS FORWARD
Sabado ngayon walang pasok! Napag disisyunan kong sorpresahin si grey. Pupunta ako sa company nya dadalhan ko sya ng lunch, sinabi nya sa akin kong saan sya nag tatrabaho kong kaya't alam ko. Simple lang ang niluto ko, nag luto lang ako ng rice at kare kare para sa tanghalian nya. Ng matapos na akong mag prepare ng dadalhin ay naligo na ako at nag ayos ng sarili. Pag katapos lumabas na 'ko at pumara ng taxi, sinabi ko kay manong kong saan ako dadalhin,
Sana matuwa sya sa niluto ko! unti unti na din akong nahuhulog sa kanya ikaw ba naman araw araw may dalang flowers sinong hindi kikiligin haha, sa tatlong b'wan na pan'liligaw nya nakilala ko na sya, kaso sa pamilya nya wala pa akong kilala kahit isa, hindi ko alam kong may mga kapatid sya. Wala akong alam!
"Ma'am nandito na po tayo" masyado yata akong napaisip ng malalim hindi ko namalayan na nandito na ako binigay ko kay manong ang pera nagulat pa sya pero agad akong nag salita ng
"Keep the change manong" sabi ko sabay alis, narinig ko pa 'tong nag pasalamat kaya naman napangiti na lang ako habang nag lalakad ako pinag titinginan ako ng mga tao, tss ngayon lang ba sila nakakita ng dyosa haha charot lang
Dire-diretso ako sa pag lalakad ng bigla akong hinarang ng security guard
"Ma'am ano pong atin?" magalang na sabi nito
"Ahh.. manong guard kay grey po ibibigay ko lang itong niluto ko" magalang ko sabi napakunot ang noo nito at nag salita
"My appointment po ba kayo ma'am!? hindi po kasi tumatanggap ng walang appointment si master" sabi nito kaya naman natawa ako ng palihim
Sinong hindi matatawa eh dadalhan ko lang ng pag kain kailangan pa ba ng appointment yun haha
"Manong guard pag kain lang to ohh kailangan pa ba ng appointment?" Sabi ko habang natatawa
"Kong wala po kayong appointment maam makakaalis na po kayo!" Masungit na sabi nito kaya naman nalungkot ako sayang naman ang niluto ko nahihiya na din ako dahil nakakaagaw na kami ng attention sa mga taong dumadaan
"Manong naman eh, idadala ko lang po ito sayang naman po 'tong niluto ko para sa kanya! Saglit lang po ako pramis" pangungulit na sabi ko habang nakataas ang isang kamay na parang nangangako ngunit wala pa din epek hays paano ba to?
"Pasensya na ma'am madami na po kasi ang babaeng gumawa nyan iba iba ang paraan kaya mahigpit na pinag babawal ni master!" Napanganga ako sa sinabi nya!
"Manong guard kilala po ako ni grey. Payagan nyo na po akong pumasok saglit lang naman po ako eh!" Pangungulit kong muli kay manong baka sakaling pumayag na sya
"Umalis kana ma'am kong hindi ipapakaladkad ko kayo!" Galit na sabi nito kaya naman may namuong luha sa aking mata, sayang naman ang niluto ko hindi ako umalis sa harapan ng guard, may naririnig na din akong salita
"Hindi pa kaya umalis"
"Hays mga babae nga naman"
"Kawawa naman, buti nga"
Mas lalo akong napaiyak sa mga narinig ko. Naalala kong tawagan si grey agad naman nag ring ang cp nito at sinagot
"Hello sweetheart, miss me?" Sabi nito
Base sa boses nito nakangiti ito, ayaw kong mag salita baka marinig nyang umiiyak ako.
"Sweetheart you hear me?" Tang nyang muli hindi ko na napigilan at nag salita na ako
"Nandito ako sa baba ng company mo" naiiyak kong sabi
"Fvck why are you crying, sweetheart?" galit na sabi nya kaya naman hindi ko mapigilang umiyak, parang ang sama ng loob ko sa guard na yon
"Wait! were are you now?" mahinahong sabi nya kaya naman sinabi ko kong nassan ako
"Nasa baba ng company mo" sabi ko habang napapakagat sa ibabang labi narinig kong nag mura ulit ito halatang galit na galit
"Come here at my office sweetheart!" malambing na sabi nya
"Hindi ako pinapasok ng guard umuwi na daw ako huhu" parang batang sumbong ko mas lalo itong nagalit, kaya naman natakot ako ng konti. Baka nagalit ito sa akin
"Hintayin mo 'ko dyan sweetheart!" matigas na sabi nito. Kaya hinintay ko ito, nakita ko si manong guard na nag babantay pa din
"Manong hintayin ko daw si grey dito lagot ka" asar kong sabi at nag pahid ng luha, nakita kong natawa si manong
"Marami ng babae ang gumawa ng teknik na yan miss, pero walang nangyare haha" natatawang sabi nito kaya naman nalungkot ako
'Paano kong hindi bumaba si grey' malungkot kong kausap sa aking sarili, siguro uuwi na lang talaga ako kong hindi sya dadating
Sa isipang yon lalo akong nalungkot hays ano ba yan sayang naman tong pag kain na hinanda ko para sa kanya.
Pag karaan ng ilang minuto bumukas ang elevator at bumungad doon ang pigura ni grey, napangiti ako at nag sasabi sya ng totoo. Akmang tatakbo ako upang salubungin sya ngunit ihinarang ng guard ang kanyang katawan kaya naman napasalampak ako sa simento. Bigla na lang umalingawngaw ang sigaw ni grey!
"What the hell did you do to her?" Galit nyang sabi habang nag tatagis ang bagang makikita mong madilim ang mukha nya, agad naman itong lumapit sa akin at inalalayan ako sa pag tayo ng mapahinto sya.
"Sh*t! Why are you bleeding" sabi nito kaya naman pati ako nataranta natita kong binalingan ni grey ang guard at galit na nag salita.
"Pag may nangyare sa asawa ko mananagot ka!" seryosong sabi nito. Nagulat ako asawa daw! Makikita mo sa mukha ng guard ang pag sisisi kaya naman nakonsensya ako
Wait! Wait! Ano daw bleeding! Bakit may ganon unti untin akong nawalan ng ulirat,huling salitang narinig ko ay ang sigaw ni grey.
"Sweetheart please wake up!" sabi nito
"Call the ambulance now!" dumagundong na sigaw nito halata mo sa boses nya na natataranta ito. At tuluyan na akong nawalan ng malay