SKY POV's
Eto ang araw na ipapaalam ko sa parents ko na buntis ako, sobra ang kabang nadarama ko. Hindi ko alam kong ano ang kahihinatnan oh ang mangyayare sa amin, sana lang matanggap ng parents ko. Naramdaman siguro ni grey ang panginginig ng kamay ko kaya pinisil nya ito dahilan ng pag lingon ko sa kanya .
"Relax sweet heart magiging maayos ang lahat" nakangiting sabi nya
Kaya naman sinubukan kong ikalma ang aking sarili, sa parents ko siguro okay lang pero sa dalawa kong kuya diyos ko dun ako natatakot, makakakita ka lang naman ng dragon pag nagalit silang dalawa, pero alam ko naman na para sa akin din naman yung pag hihigpit nila kuya. Gusto lang nilang mapabuti ako
Nandito na kami sa tapat ng bahay namin, sinigurado akong nandito ang parents ko at ang dalawa kong kuya, ayaw kong sa iba pa nila malaman na buntis ako, baka lalo lamang silang magalit sa akin pag nag kataon. Pag baba namin dumiretso na kami ni grey sa sala upang makapag usap, nakita kong napakunot ng noo si daddy, nag tataka siguro kong bakit iba ang kasama ko, hindi si albert. Sanay na kasi silang si albert ang parati kong kasama kaya ganon nalang ang reaction ng mukha ni daddy. Si mommy naman nakangiti lang. Ang dalawa kong kuya. Wala pa dito sa sala! Siguro nasa kanya kanyang kwarto pa nila. Hindi na siguro nakapag hintay si mommy kaya nag salita na.
"Tatawagin ko lang ang mga kuya mo rose" biglang sabi ni mommy kaya naman lalo akong kinabahan, pinisil ni grey ang kamay ko, hudyat na naramdaman nya nanaman ang panginginig ng kamay ko, saka ngumiti na parang sinasabing magiging okay ang lahat hindi nag tagal bumukas ang pinto kong saan ang kwarto nila kuya, nakita ko pang malawak ang pag kakangiti ni kuya spade ganon din si kua shon, ngunit napawi ang kanilang ngiti ng makita ang taong nasa tagiliran ko, napakunot ang noo nilang lahat na nakatingin sa aming dalawa. Ng makapwesto na ang lahat si kuya spade ang bumasag sa katahimikan
"Say it, princess," biglang sabi ni kuya spade. Bigla naman pinisil ni grey ang kamay ko kaya naman nag salita na ako
"A-ano kasi k-kuya ahh pano ba to" utal utal na sabi ko, hindi ko masabi kong ano ang gusto kong sabihin dahil na din sa kabang nadarama ko
"Baby, it's okay say it!" sabi naman ni kuya shon sa malambing ma boses
Naramdaman siguro ni grey ang lalong panginginig ng kamay ko kaya pinisil nya muli ito, at makahulugang tumingin sakin, na parang sinasabi nyang sya na ang bahala sa lahat
***
GREYSON POV's
Hindi ko maiwasang matakot sa binibigay na tingin sa akin ng mga kapatid nya, ang mga parents nya parang kampante lang. Nakakakaba ganito pala ang pakiramdam ng natatakot, kanina pa masama ang tingin ng mga kuya nya sa akin, akala mo kayang pumatay ng tao, kong nakakapatay lang siguro ang mga tingin na ibinibigay nila sa akin sigurado akong kanina pa ako nakabulagta dito. Alam kong sobra ang kaba ni sky kaya naman ako na ang mag sisimula para matapos na 'to.
"Sky is pregnant! And i am the father of her baby, " diretsong sabi ko. Salamat lord at hindi ako nautal. Hindi nag tagal nag salita ang daddy nya na kinagulat ko oh kaming dalawa ni sky.
"We know about that! Alam ko ang bawat kilos ng anak ko" maawtoridad na sabi nito kaya nanlaki ang mata ko! What? Paano nya nalaman yun ng ganon lang, eh samantalang ako hirap na hirap na malaman ang background ni sky, kong hindi kopa sya makikita sa university hindi ko pa sya makikita 'How powerful' nasabi ko na lang sa aking isip. Nagulat na lang ako ng biglang nakarating sa harap ko ang isa sa mga kuya nya at binigyan ako ng isang napakalakas na suntok.
"You deserve that. Hindi moba alam na prinsesa namin ang binuntis mo ha? Hindi mo alam kong ilang mga lalake ang nag balak manligaw dyan at lahat sila bugbog ang inabot sa amin tapos ikaw binuntis mo agad" seryosong ani ng kapatid nya habang hawak ang kwelyo ng damit ko, nakakatakot ang awra nya. Para syang isang demonyong bumaba sa lupa
"Kuya, please tama na po" sabi ni sky sabay yakap sa kuya nya, Fvck! Bakit bigla akong nakaramdam ng selos kuya nya yon, niyakap naman nito pabalik si sky kaya lalo akong nainis Sa inis ko hahablutin kona sana ai sky ngunit biglang nag salita ang kuya nya
"Don't you dare touch our princess" makahulugang sabi nito kaya naman nanginig ang kalamnan ko. Hindi mo sya makikitaan ng kahit ano mang emosyon sa kanyang mukha, para akong isang maamong tupa na sumunod sa utos nya Nakita kong kumalas sya ng yakap sa kuya nya at kumakap sya sa isang kuya nya.
"Shhh baby stop crying magiging maayos din ang lahat" pag aalo nito kay sky. Pero sa akin nakatingin ang mga mata nya kalaunan ay sa daddy nya naman sya yumakap at nag salita
"Daddy sorry" rinig kong sabi nito sa naiiyak na boses gusto ko syang aluin at patahanin pero hindi ko magawa fvck this feeling. Nag salita ito at sa akin nakatingin
"Esteban anong balak mo sa anak namin" sabi ng daddy nya sa kalmadong boses
Nagulat ako p-paano nya nalaman ang surname ko eh hindi pa naman ako pinapakilala ni sky sa kanila
'amazing'
Mukang ang dami na nilang alam tungkol sa akin, ibig sabihin mas mayaman pa si sky kaysa sa amin wooow.
"Papakasalan ko po si sky pag katapos nyang manganak" deretsong sabi ko sa daddy nya. Ng biglang mag salita ang isa sa mga kuya nya at lumapit muli sa akin at agad akong kwinelyuhan, halatang nag pipigil lang ito ng galit marahil ay nandito si sky
"No!" Madiing sabi nito ano kayang problema ng lalaking to, wag mong sabihing may gusto sya sa kapatid nya. At nag salitang muli
"Dahil bukas na bukas, pakakasalan mo ang princess namin, kong ayaw mo madali naman akong kausap ilalayo ko lang naman sya sayo kahit kailan hindi mo na sya makikita!" Bantang saad nito. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ng kuya nya, napatingin ako kay sky at nakita kong napakagat sya sa ibabang labi nya sh*t don't do that sweetheart, sabi ng isip ko
Hanggang ngayon hindi parin nawawala ang kabang nadarama ko, hindi man lang sinabi ni sky na mga dragon pala ang mga kuya nya para nakapag handa man lang sana ako
"Grey si kuya spade at si kuya shon pala " pakilala nya sa mga kuya nya, spade pala ang lalaking sumuntok sa akin, pero yung shon kalmado lang pareho ng daddy nya
Tumango lang ako, paano kaya nila nalaman ang background ko base kasi sa mga salita nila kilalang kilala na nila ako samantalang sila hindi ko man lang kilala curious kong tanong sa sarili
"Ohh baka nag tataka ka kong bakit namin alam ang background mo, wag ka ng mag taka dahil lahat ng galaw ng princess namin ay alam namin, alam na naming buntis sya gusto lang naming ikaw ang mag sabi"
Holly sh*t paano nila nalaman ang tumatakbo sa isip ko.
"Nag tataka ka siguro kong bakit alam ko kong ano ang iniisip mo? Dahil yun sa ekspresyon ng mukha mo ang dali mong basahin. Pasalamat ka nalasing si sky ng gabing yon " pag papatuloy na sabi nito. Pati yun alam nya, hanga na talaga ako sa kanya , napanganga ako sa taglay nyang husay
"Isara mo pasukan ng langaw" sabi nung shon sgad ko namang naisara ang bibig ko nakakahiya nag salita ang kuya spade nya at sinabi ang lahat ng nalalaman nya
"Nakaplano ang lahat ng gabing mag bar kayo ng mga kaibigan mo princess "
Panimulang sabi ng kuya spade nya
"Nilagyan ng drugs ang iniinom mong alak kong kayat madali kang nalasing, swerte lang ng kumag na ito at sa kanya ka napunta ng gabing iyon" dugtong na sabi nito
Sino kaya ang nag drugs sa kanya , kaya pala iba ang init ng kanyang katawan ng gabing iyon.
"Si ZYRA ang nag plano ng bagay na iyon dahil obsessed sya kay albert sa kagustuhan nyang mapasakanya si albert ginawa nya yun kahit labag sa loob nya, gag*ng lalaki yon ang laki ng tiwalang binigay namin sa kanya lolokohin ka lang pala" muling sabi nya nakita ko naman na lalong napaiyak si sky, salamat dun sa zyra na yon kong hindi dahil sa kanya wala akong sky ngayon
"Baby, yung mga ganong klase ng lalake ang hindi dapat iniiyakan, dahil kong mahal ka talaga nya hindi nya gagawin yon" sabi ng kuya shon nya habang makahulugang nakatingin sa akin. Tama naman sya, ako hinding hindi ko gagawin yun
"Sweetheart hindi ko gagawin sayo yun" sabi ko malambing ng boses
"I know," sabi ng kuya spade nya nag tataka naman akong napatingin sa kuya nya
"Wag mo ng isipin yun" dugtong na sabi nito