Chapter One

1145 Words
I woke up and the sun hits my face immediately. Buti nalang at 'di pa ako late. Baka magalit nanaman prof namin sa 'kin. Bumangon na 'ko at dumiretso sa cr para mag-hilamos at mag-toothbrush. Tapos, bumaba ako para magluto ng breakfast ko. Ang lonely nga dito sa condo, eh. Pa'no ba naman, itong si Szymon, ang sabi namin maghanap ng maliit lang na condo gawa ng lagi naman kaming wala dito dahil nasa school kami lagi. "Leon, leon." Tawag atensyon sakin ni Fifth. I chuckled. "Mas matanda ako sa 'yo wag mo 'ko ma-leon leon. And secondly, Connor kase." He laughed in response, "Whatever. Asan si Szy? Umalis na ba?" He asked then, he sat on the chair at the dining table. "'Di ko alam. Baka hindi pa baka tulog pa. Anong oras palang naman." I said. "Anong, anong oras palang? Leon, alas-nueve na. Nagtataka nga ako ba't 'di ka pa naalis, eh." sabi niya habang nakain. The f*ck. Late na pala ako. Kaya pala wala na si Szymon. "Nine AM?!" I exclaimed. Nabulunan naman si Fifth, "Hoy! makasigaw 'to. 'Di ka naman nagpa-gising sakin 'di ba? kaya wag kang sumigaw-sigaw d'yan." sabi niya at patuloy kumain. "Aish! Sige na, sige na. Maliligo na 'ko." sabi ko at kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ko. 'Di ko na nga naisip na kumain kasi sobrang late ko na. Isipin mo, The start of Classes is seven-thirty A.M. Anong oras na? nine A.M. Napaka-galing mo, Connor. Isang katutak na sermon nanaman ang matatanggap mo mamaya. "Wala ka ba pasok ngayon?" tanong ko kay fifth na nasa dining table pa rin at nakain habang ako naman nasa sofa nagsa-sapatos na. "Mamaya pa. Ten AM. Sabay kami ni Mackenzie." sabi niya. "Mackenzie pala ang nais. Sige na, bahala ka sa buhay mo, alis na 'ko. See yah." sabi ko at tumakbo na papuntang elevator. Pagpasok ko ng elevator mabuti nalang at walang tao kaya nakapag-ayos pa ako ng sarili ko. Nang bumukas na ang elevator dumiretso na 'ko sa kotse ko. Thanks to dad na niregaluhan ako ng Volkswagen Tiguan. Lahat ng mga gamit ko, hinalibas ko na sa backseat. Wala ng oras! Diyos ko po. Pagkarating na pagkarating ko, kumaripas ako ng takbo papuntang room at nasaktohan pa na si Prof. Rivas ang prof namin malas talaga. Kumatok muna ako at hinintay kung papa-pasukin pa ba 'ko. Himala pinagbuksan ako pero lahat ng tao nakatuon ang atensyon sa akin. "Good morning, Mr. De Keere." bati ni Prof. Rivas sa'kin. "Good morning po, Sir." nakatungong sagot ko. Nararamdaman ko namang naka-tingin lang sakin si Sir Rivas, "Why are you late, again?" "Sir, na-late lang po ng gising. Pasensiya na po ulit." sagot ko. He sighed. "Mr. Osborne." Tumayo naman kaagad si Szymon, "Sir," "Hati kayo. Dahil next month na ang balik ng classes, next month nalang din kayo magpasa ng research papers. Let's talk now at my office. Class dismissed." Pagkasabi ni Prof. Rivas n'on ay nagtayuan na lahat at lumabas upang bumili siguro ng makakain. Ngayon, nasa opisina na kami ni Prof. Rivas kaya nama'y abot langit ang kaba ko para saming dalawa. "Madali lang ang gagawin niyo. Research papers, tig-dalawa kayo then, pass it to me." He said, "nagkakaintindihan ba tayo?" He added. "Opo Sir." sabay naming sagot at lumabas na ng office niya. Paglabas naman ng office niya ay sininghalan na ako agad ni Szymon, "Ano bang pinagga-gagawa mo sa buhay mo?! Are you insane? Isasama mo pa ako sa kalokohan mo, sira ulo." singhal niya sa akin. "Sorry na. 'Di ako ginising ni Fifth eh. 'Di mo din ako ginising." I said. "Ano ba't ang tagal mo namang pumasok? eleven AM na, oh. Uwian na! naisipan mo pang pumasok." sabi ulit ni Szymon. "Nine na 'ko nagising plus, traffic pa. Nag-ayos pa 'ko. So bali, ten something na rin ako naka-alis sa condo." sagot ko. Szymon tsked, "Sige na, sige na. Si Mackenzie daw magpapasundo duon kay Fifth, eh." Natawa nalang ako. Hanggang ngayon, 'di pa rin tanggap ni Szymon na may gusto si Fifth sa kambal niya. "Alam mo," inakbayan ko siya habang naglalakad kami sa corridor, "Tanggapin mo nalang kasi, Szy. Gusto rin naman 'ata ni Mackenzie si Fifth." "Ih! kadiri." singhal niya at tinanggal ang kamay ko sa pagkaka-akbay sa kaniya. Pa'no ba naman kasi 'di magkakamabutihan yung dalawa, parehong medical related yung kinuhang course. They both took BS in Psychology. Szymon sighed, "Tara na nga lang. Shot nalang ba natin 'to?" He laughed. "Tara." I said at dumiretso na sa kotse ko. Habang nagd-drive ako, nagtanong si Szymon. "Asan na kaya si Yvonne?" Same question. Sa totoo lang lagi ko siyang iniisip kung nag-aaral pa ba siya or what. Pagtapos kasi ng graduation, nagpaalam lang siya na magba-bakasyon na raw sila sa Korea at 'yon na 'yon. 'Di na siya ulit nag-chat sa GC namin. While si Dana naman ay balita naman ay nasa Canada na nag-aaral. Tutal, taga Canada naman pareho ang parents niya. "'Di ko rin alam eh—sh*t!" napamura nalang ako dahil bigla nalang kaming may nabangga na kotse. "Connor, ano ba ginagawa mo? Papatayin mo ba 'ko?" Szymon tsked. "Sorry! 'Di ko napansin bigla nalang kasing sumulpot eh." Umandar ulit ang kotse na nabangga namin at tumabi muna. Siguro titignan niya ang damage. "Tara na, hayaan mo na yan mukha namang yayamanin, eh." Sabi ni Szy. Binatukan ko siya, "Tanga! Oo nga mukhang may pera so, may pera din' yan para ipakulong tayong dalawa g*go." saway ko. Tinabi ko lang din ang sasakyan ko sa harap ng sasakyan nung nabangga namin. Paglabas ko, tinignan ko muna ang damage ng sasakyan ko siyempre. Sira ang bumper. Nako, patay ako neto kay dad. Nasa fifteen thousand pa naman pagpalit ng bumper. I heard the driver of the other car tsked and sighed. Naka uniform din siya. She took off her sunglasses and looked at me. "Connor?" "Yvonne?" Sabay naming tawag sa isa't-isa. She chuckled, "I didn't notice na ikaw pala 'yan!" I smiled, "You too." Habang nagtitigan lang kami ni Yvonne, that feeling is coming back again. My past relationship, is not like this. Dati, I really felt anxious. Pero pag kaharap ko yung babaeng unang minahal ko, I felt calm. "Connor ang tagal mo— Yvonne?!" OA na tawag ni Szy kay Yvonne. She was also shocked and happy at the same time, "Szy? Kamusta ka na?" "Good as usual." sagot naman si Szymon. "By the way, sorry pala, Yvonne. Babayaran ko nalang kung magkano mas magagastos mo sa kotse mo." Sabi ko. "Really? joke," she chuckled, "No, it's okay. Maliit lang naman yung gasgas. Yung sa kotse mo nga yung malaki damage eh. Gusto niyo, samahan ko kayo sa car repair ngayon? kasi may kasalanan din naman ako." She said. "Sure sige. Tara." sabi ko at bumalik na kami sa kanya kanya naming sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD