MAFIA 2

1500 Words
Episode 2: The Sniper “We are now open for questions about my first invention. I will only allow three questions. Raise your hand if you have some questions.” Marami ang nagtaas ng kanilang mga kamay, ngunit pumili ako ng isang foreigner. Kilala ko rin siya at isa siya sa may malaking company sa America. “What’s your question, Ma’am?” Tinuro ko siya upang mabigyan din agad ng microphone. “Until when will the transmitter device last?” she asked. “Good question! Well, this device will last longer. Just make sure that you won’t damage it and you will use it correctly. The weight of the things that this transmitter device can transmit to other places is just three kilograms and you can use this three times a day. There’s no limitation for the place.” “Thank you, Mr. Finn.” “Next question... Oh, what’s yours?” Isang may katandaan naman na lalaki ang tumayo at hinarap ako. “I want to know if the transmitter device will improve in the future? I mean, if you can transmit more than three kilograms or even a person? So that it won’t be a hassle for us to travel to different places using the planes.” Napatigil ako nang marinig ang tanong niya sa akin. Hindi ko kasi inaasahan na may magtatanong sa akin ng gano’n. May mga narinig din ako na sinasabing nagustuhan nila ang tanong na ‘yon ng may katandaang lalaki na ito. Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong isagot. Bigla ay sobrang daming bagay na pumasok sa isipan ko. Sasagot na sana ako nang may marinig akong sumigaw. “Knox Finn, yumuko ka! Yuko!” Hinanap ng mga mata ko ang boses ng babae na sumisigaw ng pangalan ko. Sa dami ng tao ay hindi ko siya makita sa crowd. Nakita ko na tumatakbo na ang ilang mga guards ko. Saka ko nakita ang isang babae na patuloy pa rin na sumisigaw. Sinesenyasan niya ako na yumuko ako ngayon, kaya nagtataka ako. Sino ba ang babae na ‘yon at bigla na lang nanggugulo ngayon sa mahalagang event ng buhay ko? Damn her! Hindi ko naman maintindihan kung ano ang ibig sabihin niya. Naagaw na rin niya ang atensyon ng mga tao. Saka nakita kong nilabanan niya ang mga guards ko na hinaharang siya at pilit na inilalabas sa venue. Ngunit bigla na lang akong napatumba nang tamaan ako ng isang bala ng baril! “f**k!” Isang malakas na putok ng baril ang narinig namin dahil sa pagbaril sa akin. Kaya naman agad na nag-ingay ang mga tao at mabilis na nagtakbuhan palabas. Nagkagulo na silang lahat. Nakita ko na dumudugo na ang balikat ko dahil doon tumama ang bala ng baril. Saka ko hinanap kung sino ang bumaril sa akin. “Knox Finn! Go and hide yourself now!” sigaw muli ng babae. Bigla ay namataan ko na ang isang sniper na nakapwesto sa taas. Mabilis na hinarang ng personal driver ko ang kaniyang sarili, dahilan kaya siya ang tinamaan ng ikalawang bala. “Damn, Simon!” sigaw ko. Nakita kong nakalapit na sa akin ang babae saka niya ako inalalayan na tumayo. “Who the hell are you?!” tanong ko sa babae. Pero hindi niya ako pinansin. Naglabas siya ng isang baril saka pinagbabaril kung sino man ang tao na nasa itaas. Habang nagpapaulan siya ng bala ay mabilis kaming nagtago sa isang lamesa na nasa gilid namin. Sobrang sakit ng sugat na natamo ko ngayon. Ito ang unang beses na natamaan ako ng bala ng baril, at hindi ko pa inaasahan. May kinuha ang babae sa kaniyang malaking bag at isa ‘yong smoke grenade. Itinapon niya ‘yon sa likuran namin at nagbuga ‘yon ng makapal na usok. Dahilan kaya hindi kami makikita ng kalaban nang panandalian lamang. “Sino ka? What do you want from me? Who shot me?” sunod-sunod na tanong ko. Ngunit hindi niya muli ako nagawang sagutin. Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig namin. Mukhang papalapit na sa amin ang sniper na nasa itaas kanina. “We have to leave this place now. Or else, you will die,” mahinang sambit niya sa akin. “Hindi ako sasama sa ‘yo—” “Shh. Wala na tayong oras pa. We have to go now.” Nakita ko naman na nawawala na rin ang usok. Inalalayan na niya ako dahil naririnig na rin naman namin ang mga yapak ng sniper na papalapit na sa amin. Dumaan kami sa backstage at tumakbo na. Nagkakagulo na sa labas ng aking malaking kumpaniya. Halos wala na kong makita na mga empleyado ko. Nakita ko naman ang mga pulis na umiikot na papunta sa venue namin. “P-Police! I’m here!” sigaw ko ngunit hindi nila ako narinig. “Saan mo ba ako dadalhin? I need to be treated now in the hospital,” sambit ko pa sa babae. Patuloy kaming tumatakbo ngayon. Hindi pa rin niya ako sinagot. Saka ko nakita ang lalaki na may hawak na baril at nakabihis na parang pulis. Hinahabol niya rin kami. Nakasumbrelo rin siya. Sa tingin ko ay siya na ang lalaking sniper kanina. Pinagbabaril niya kami bigla kaya mas nagitla ako. Nakakatakot dahil baka mabaril niya ako. Pinagbabaril din siya ng babae na umaalalay sa akin ngayon habang patuloy pa rin kami na tumatakbo. Inaalala ko ang kumpaniya ko at ang ilang mga bagay na nasisira rito ngayon dahil sa putok ng mga baril nila. Bakit ba ito nangyayari sa akin ngayon? Kung kailan naman ito ang unang event ng kumpaniya ko ay nasira pa! Malalagot sa akin ang security team kapag natapos na ito. Hindi nila binantayan ng ayos ang venue kaya may mga nakapasok na manggugulo. Nagtago kami sa isang kwarto na nakita ng babae. Ngunit ‘pag pasok namin doon ay tinutukan agad siya ng baril ng mga pulis. Nag-iikot pala ang mga pulis doon. “Save me! Save me!” sigaw ko agad sa kanila. Tinutukan lang ako ng baril ng babae. Sinasabi ko na nga ba at masama ang babae na ito. “Put your guns down,” banta niya sa mga pulis. “N-No! Don’t do what she said! You must take me away from her now!” utos ko naman agad sa mga pulis. “You can’t be with them, because you will die. I know who is your brother, so you can trust me now,” bulong pa sa akin ng babae. Bakit naman ako mamamatay ngayon? Ang mga pulis naman ang kasama ko at ililigtas nila ako. Baka mas mamatay pa ako kapag sumama ako sa babae na ito. Hindi ko naman siya kilala. “My brother was already dead. Paano mo siya makikilala? Huwag mo na akong lokohin pa dahil wala akong balak na magtiwala— Ah!” Mabilis na nilabanan ng mga babae ang mga pulis. Sobrang bilis niyang kumilos at halos hindi ko na siya makita pa. Hindi rin siya malabanan ng mga pulis. Hindi niya ginamit ang kaniyang baril para patayin ang mga pulis. Pero hindi niya rin hinayaan na may malay pa ang mga ito. Nang mapatumba na niya ang lahat ay pumasok na rin sa loob ang lalaki na sniper kanina. Tinutukan niya ako ng baril pero mabilis na binaril ng babae ang kaniyang kamay. Saka ko nakita ang kaniyang mukha. Damn it! Tao ba ang isang ito?! Nakipaglaban ang babae sa kaniya saka niya ito napahiga sa sahig. Nanginginig ako na tiningnan nang mabuti ang lalaki. Ang kaniyang ulo ay kakaiba na para bang isa siyang alien. Ang kaniyang mukha rin ay nakakatakot. Hindi normal na tao ang kaniyang mukha. Ngunit ang kaniyang katawan ay normal katulad nang sa aming mga tao. Anong klaseng nilalang ang isasng ito? Tinutukan siya ng baril ng babae. “Alam mong wala kang mababago kahit na ano pa ang gawin mo,” sambit ng lalaki sa kaniya. Pati ang pananalita ng lalaki na kakaibang nilalang na ‘yon ay katulad nang sa aming mga tao. O baka naman nasunog ang kaniyang mukha noon kaya naging gano’n na ang itsura niya? Nakakatakot pa rin! “I can change it. I will change everything that will going to happen in the future,” matapang na sagot naman ng babae. Hindi ko maintindihan ang mga ibig sabihin ng kanilang mga sinasabi. Napatakip na lang ako sa aking tainga nang barilin ng babae ang lalaking nakahiga sa sahig! Hinarap ako ng babae kaya natakot muli ako. “I will surely change everything and I will save your life, Knox Finn.” Kinunutan ko siya ng noo. Ano ba ang mga pinagsasabi niya sa akin ngayon? Tinitrip lang ba ako ng babae na ito? “Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo. Wala na ang sniper na nagtangka sa akin kanina. Maaaari na akong pumunta sa ospital.” “You can’t go there. Someone is out to kill you—” Am I just shot right now?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD