Matapos naman naming kumain ay isinama niya ako sa room niya upang makita ang Baby niya. Na bagamat ang sanggol na ngayong nakahiga sa kama, na tanda din ng minsang pagtataksil ni Mommy kay Daddy, ay may kung anong sigla din naman akong nadama. Na hindi ko maipaliwanag. "Diba ang cute niya Ron?" Masiglang sabi pa niya, bago naman siya nahiga at tinabihan pa ito. "Tama, sobrang cute niya Mom, at gaya mo ay napakaganda din niya." sabi ko pa. Napansin ko naman ang pagkislap ng mata niya sa sinabi. "Yes, madami ngang nagsasabi na magkamukha kami, kaya naman MINI ME ang turing ko sa kanya." masiglang pahayag pa niya. Tumango naman ako at sandali pang inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto niya. Wala naman halos nagbago, ganong ganon pa din noong huling nandito ako. At bahagya

