4 Inch Below 5

1092 Words

Ngumiti ako sa kanya, "Tama Isamu, dahil akala mo ba ay hindi ko alam na nagpakasal na kayo ng babae mo diyan sa Pilipinas? Pero huwag kang mag-alala, dahil hindi naman ako manggugulo, in fact ay palalayain pa nga kita. Dahil minsan pala ay mas mabuti ang isang hayop lang na lagi namang nandito para sa akin at may puso. Kesa naman sa isang taong ka relasyong madami kang kahati." "No! Just stay there Yuki. Kung nahihirapan ka, ay ako nalang ang aalis... Pag-usapan natin ito ng maayos at legal!" Madami pa siyang sinasabi subalit mas pinili kong ibaba ang phone at hayaan nalang siya. Dahil sapat na ang maraming taong pagtitiis ko sa kanya. Na ngayon ay tuluyan ko ng bibitawan ang isang pag asang, hindi naman pala talaga darating pa. Marahil ay masyado lang akong naging positibong magbabago

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD