Most of my friends called me Yuki, derived from name Casandra Yuki Shimizu-De Guzman. Half Japanese, half Filipina ako na ngayon ay nakatira dito sa Tokyo. Japanese ang Mom ko, habang Filipino naman ang Dad ko. Nga pala sa Pilipinas pa din naman nakatira ang Daddy ko. Habang ang Mom ko naman ay nandito sa Japan at may iba na din karelasyon. Sa ngayon ay 30 years old na ako at isa ding common housewife dito sa Japan. As a tradition din naman na babae ay dapat nasa bahay lang matapos maikasal. Upang mangalaga sa bahay at syempre sa mga magiging Anak nila. "Good wife, wise mother." At ito ang isa sa mga tradition sa Japan na sinunod ko naman ng buong puso. Simple lang naman ang buhay namin dito. May asawa ako na isang din namang half Japanese or tinatawag din nilang Hafu dito sa Japan.

