"LOUISSE, dapat mong maintindihang hindi ako ang dati mong asawa. Iba si Brett, iba ako! Huwag mong ihalintulad ang nakaraan mo sa ngayon mo. Bukod pa roon na alam mong ako ang tipo ng lalaking may palabra de honor. Nabuntis kita. Hinding hindi ko hahayaan na lumabas na bastardo ang aking anak tulad nang nangyari saakin noong ako'y bata pa! You know that!" Napahawak siya sa ulo dahil pakiramdam niya ay sumakit iyon sa nagiging takbo ng usapan nila ngayon. "At dapat mo ring maintindihang ibang level ang pagpapakasal. Marriage is a sacred thing for me, hindi 'yon ginagawa na parang isang uri lamang ng business transaction!" Bakit ba ganito si Elkanah? Hindi ba ito natatakot sa kasal? Ang matali sakaniya? Alam niyang hindi ito palikero. Pero alam na alam niya ang bilang ng mga babaeng nagka

