DAHIL KUNG kaya nitong gawin iyon sakaniya, ay tiyak pati sa magiging anak nila ay makakaya rin nitong gawin iyon. Baka sa kunting pagkakamali lang ng anak ay singhalan nito at madamay pa sa init ng ulo nito. Thank God! At hindi naman bulag ang dalaga para hindi malamang utang na loob niyang lahat ito kay Elkanah. Without Elkanah, hindi malalaman ng kanyang Kuya Ambrose na may kapatid ito. Without Elkanah, walang bagay ang magpapalayo kay Brett sakaniya. At tiyak niyang isa na siya ngayong losyang, may anak at battered wife ni Brett. At hanggang ngayon ay nagdidildil pa rin ng asin habang tinatanggap ang masasakit na pangaalipusta sa pagkatao niya kay Brett. Si Elkanah! Hindi siya galit dito sa literal na kahulugan n'yon. Ngunit hindi niya pa rin maiwasan hindi mainis at mairita. Bakit

