Chapter 4
Bon Appetite
Off all the places na pupwede ko siyang makita.. dito pa talaga..
Ilang taon na ba ang nakaraan simula ng makita ko siya?
Ilang taon na ba akong nagluksa na parang ako ay namatayan?
Hindi ko na matandaan.. kasi mas busy akong alalahanin ang mga masasayang alaala naming dalawa na nagpapatuloy sa akin para gumising sa araw araw na nagdaan. Hindi ako makapaniwalang nagmahal ako ng ganito katindi.. Ipinikit ko ng pagkadiin diin ang aking mga mata dahil baka dinadaya lamang ako ng aking paningin.. pero kahit anong mulat at pikit ko.. talagang nandito siya.. nandito siya sa lugar kung saan kami unang nag date noong kami pa..
damn!! Niña..
narito ka talaga.
Pinagmasdan ko siya mabuti habang nakatalikod siya sa akin.. nasa counter siya at namimili ng pagkain na kanyang oorderin.. just like the old times.. I was seating not too far away from her kung saan siya nakatayo.. she's beautiful.. no hindi akma yun.. looking at her now she was wearing a yellow tube dress na garterized sa itaas kaya humahakab sa kanyang dibdib at flowy yung skirt na umabot lang hanggang tuhod niya.. m-mas.. mas pinaganda siya ng panahon. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid dahil hinahanap ko ang lalaking umagaw at umangkin sa kanya.. nasaan na ang hinayupak na Fuentabella na yun.. imposibleng hinayaan o iniwan niyang mag isa si Niña sa ganitong klaseng lugar.. knowing how much she love this woman in front of me.. kahit ilang segundo hindi niya ito hinahayaan na mawala sa paningin niya.. how come kahit amoy at anino niya hindi ko nakikita.
Nagtatalo ang aking kalooban kung lalapitan ko siya..
babatiin.. kakamustahin..
gusto kong makita.. gusto kong makita ang kanyang mga mata..
tang ina!! may asawa na siya at lahat hanggang ngayon naka stuck pa rin siya sa puso at isipan ko..
" S-Sean?"
Kahit hindi ko tingnan kung kanino galing ang boses na iyon.. kahit nakapikit at tulog ako kilalalng kilala ko iyon. Huli na para magtago at umatras hindi ba? magmumukha akong tanga at kaawa awa sa kanyang harapan kung hindi ko siya kakausapin at babatiin.. past na ehh.. past na past na.. may asawa at anak na si-------------
I cant breathe.. in flesh and blood she was a few inches in front of me.. damn!! heart!! stop beating wildly.. stop palpitating like crazy!! ang katawan ko.. nanginginig.. ang lalamunan ko nanakit.. taena!! gusto kong sumigaw!! she's pregnant.. which explains the baby bump on her swollen tummy.. I cant find my voice to speak dahil pakiramdam ko kapag ginawa ko iyon.. iiyak ako..
I was supposed to be her husband..
I was supposed to be the father of her children..
and this baby she was carrying right now.. its supposed to be MINE.
But IM NOT..
" Niña.. " hirap na hirap kong tawag sa kanyang pangalan. Ngumiti siya sa akin.. ngumiti siya na mas lalong nakapagpasikip ng aking dibdib.. she's happy.. samantalang ako.. miserable.. I cant forget about her.. bumabalik lang lahat yung sakit..yung------------ how can she moved on so easily without me? papaano niya ako nakalimutan ng dahil lang sa isang pagkakamali? bakit hindi niya ako binigyan ng isang chance para itama ko ang lahat ng mga panahon na yun? b-bak------------
" Pwede ba akong umupo? " wala sa sariling tumango ako at ipinaghila ko pa siya ng upuan na nasa gilid ko lamang. Anong kagaguhan itong ginagawa ko? She moved on dahil mahal na mahal niya ang hudas na Fuentabella na yun.. nakalimutan niya ako dahil nakakita siya ng lalaking mas karapat dapat sa pagmamahal niya.. yung hindi siya lolokohin na kagaya ng ginawa ko.. naka moved on siya dahil.. mas pinili niya ang maging Fuentabella kaysa ang apelyido ko.. bitter na kung bitter.. pero yun ang totoo.
" Thank you, wala ka pa ring ipinagbago.. gentleman ka pa rin. " wow.. ngayon ko lang napagmasdan ang kanyang mukha.. napakaganda naman niyang buntis.. namumula ang magkabila nitong pisngi.. yung mga labi niya wala lipstick pero pinkish.. and her damn beautiful eyes na kumikislap dahil sa kasiyahan.. swerte ng hayup na yun sa Niña ko.
" How are you?"
" Where's your h-husband? "
Nagkagulatan pa kami dahil halos sabay na sabay naming tinanong yun sa isat isa.. hindi ko tuloy mapigilang mahawa sa kanyang pagtawa at pagngiti. " Ladies first. " udyok ko sa kanya para sagutin ang aking katanungan.. mesmerized na mesmerized ako sa kanyang ngiti at tawa gumaan kasi ang aking pakiramdam ehh.. this is her damn effect on me hanggang ngayon.
She gently tuck her hair on her left ear and bite her lower lip bago namumulang ngumiti sa akin na parang nahihiya. " a-ahh inutusan ko siyang bumili n-ng d-durian j-juice d-dyan s-sa t-tabi tabi.. napagod kasi ako sa paglalakad namin kaya nagpasiya akong maiwanan muna dito kahit ayaw niya akong maiwan na mag isa. S-Sana lang m-makakita siya d-dito sa mall kasi kanina pa ako naglalaway doon.. "
Gusto kong mapangisi dahil doon.. naglilihi siya.. good luck na lang kung makakita ang Fuentabella na yun ng durian juice. " H-How far are y-you? "
" Six months to be exact.. p-pangatlo na ito. Nakita at nakilala mo naman ang kambal ko hindi ba? Sina Khalix at Kharel. " tumango ako doon.. how can forget that moment nung akala ko may pagkakataon na ulit ako sa kanya.. dahil nga namatay kuno daw si Khal.. nabuhayan ako ng loob noon ehh kasi ang sabi ko noon pagkakataon ko na ulit para makuha siya pero nagkamali pa rin ako.. kahit saang anggulo mula ulo hanggang paa, pagmamay ari ni Fuentabella si Niña. Ang lakas ng lagapak ng ego at puso ko noon.. for the third time around.. she rejected me.. triple ang sakit..
" How can I forget your son Khalix? halos talupan ako ng buhay noon ehh.. bantay sarado ka noon parang matanda kung magsalita at kumilos daig pa tatay mo sa higpit samantalang dadalawin lang naman kita sa bahay niyo. " tumawa siya at napailing iling.. haissst.. ano ba itong katarantaduhan na ginagawa ko.. ? nakikipagkwentuhan ako na parang walang nangyari dati.
Gusto ko ng mag moved on ehh..
" Enough of me, Sean. How are you seriously? May asawa ka na ba? girlfrie-----
" None of the above, Niña. " doon unti unting nawala ang kanyang ngiti sa akin at paiwas na tumingin sa aking mga mata. " Y-You should h-have, Sean.. h-hindi pwedeng pang habang buhay mong alagaan sa puso mo ang pagmamahal m-mo sa akin. "
Tinitigan ko siya.. yung tatagos sa puso at kaluluwa niya.. yung magpapakonsensya sa kanya para malaman niyang nag iisa lang siya mundo ko.. yung baka sakaling makaramdam siya ng pagsisisi sa ginawa niyang pang iiwan sa akin dahil hindi niya ako binigyan ng pangalawang pagkakataon.. pero------------ " T-Thank you, Sean. "
" P-Para saan yun Niña?"
Nagulat ako ng ipatong niya sa aking kamay ang kanyang kanang kamay na nasa ibabaw ng mesa. " I-I saw you that d-day.. I saw you.. "
Nagkaroon ng bikig ang aking lalamunan.. so she saw me that day.. nung ikasal siya.. naaawa siya sa akin? " You could e-easily s-stop m-my w-wed--------
" That's for you, Niña.. sino ba naman ako para humadlang pa sa kaligayahan mo.. sa k-kanya ka magiging masaya ehh.. -------------
" S-Sean-----------
Matagal ko ng gustong itanong sa kanya.. matagal kong kinimkim sa aking puso ang katanungan na ito.. this is the right time to ask her. " K-Kung hindi ba nangyari yung sa amin ni Yna at hindi mo nakilala si Fuentabella.. c-can you see your future with me? as y-your husband and t-the father of your c-children, Niña?"
She was caught of guard of my questions.. ilang beses ko siyang nakitang napalunok.. dahan dahan na rin yang tinanggal ang kanyang kamay sa akin.. kahit gusto kong pigilan siya at hawakan yun ng ubod ng higpit hindi ko ginawa. " Yes, Sean.. my answer is yes.. at alam kong alam mo yan. You betrayed me with Yna.. masakit na masakit ang pakiradam ko noon.. Alam mo kung gaano kita kamahal noon hindi ba? ------------- nakakaramdam ako ng saya.. at the same time paghihinayang.. looking at her right now.. kitang kita ko ang pagkakamali ko.
" pero hindi tayo para sa isat isa.. siguro kahit hindi nangyari yung Yna.. gagawa ng paraan ang tadhana para makilala ko s-siya.. si K-Khal.. Hindi kita gustong saktan Sean dahil sa mga sinasabi ko.. ilang taon na ang lumipas.. kalimutan mo na ako.. yang pagmamahal mo para sa akin.. May isang taong naghihintay sayo at natitiyak ko kapag natagpuan mo siya ... siya na makakapagpaligaya sayo ng husto.. "
basag.. basag ang puso ko..
pira piraso at pinung pino..
Ipinikit ko ang aking mga mata.. nagtagis ang aking bagang.. huli na para mapigilan kong pumatak ang aking mga luha sa aking mga mata.. pathetic.. damn!! nakakahiya ako.. nakakaawa ako.. Ako na lang ang naghahabol sa kanya.. umaasa akong balang araw ay magiging akin siya na kahit kailan hinding hindi na mangyayari pa.. Masaya na siya.. masayang masaya.. may asawa.. mga anak.. pamilya niya buo na.. samantalang ako nakakulong.. nakulong ako sa pagmamahal ko sa kanya.. Naiwan ako.. naiwan ako..
Ako ang tanga..
ako ang hindi naka moved on..
ng dahil sa babaeng ito..
na wala namang ginawang kasalanan sa akin..
Ako pa nga ang nakasakit sa kanya..
Pinunasan ko ang aking mga luha.. huminga ako ng malalim.. maraming beses.. hindi ko mabilang dahil naninikip ang dibdib ko.. taena!! move on move on din Sean!!
" Im r-really really s-sorry Sean k-kung nasasaktan p-pa rin k-kit-----------
" Dont say sorry.. ako naman ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan na ganito. Ako lang naman ang pumili na mahalin ka pa rin hanggang ngayon. But at least your happy you found your ha-happy ending.. hindi nga lang sa akin. " I tried to smile to ease the tension in the air.. lalo na at nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.. ayaw ko ng awa..
" S-Sean-------
" M-Mine!! " pumailanlang ang malakas ng tinig na iyon na kahit ako napatingin sa pinanggalingan noon.. Khalil Fuentabella.. looking godly and mighty .. his forehead was knotted with confusion.. anger and jealousy.. if looks could kill I maybe dead by now. I smirked with that.. sarap inisin at galitin.. kahit man lang doon makaganti ako hindi ba?
Inilang hakbang niya ang kinauupuan namin ni Niña.. at mabilis niya itong hinatak patayo na may pag iingat pa din dahil nga buntis ito.. hinapit niya ito sa bewang at tiim bagang na humarap sa akin. " Kukunin ko na ang asawa ko.. overtime ka na. "
" Fuentabella, stop it. " kakamot kamot ng ulo si Khal dahil sa tono ni Niña na parang pinapagalitan siyang bata. Naging maamong tupa siya ng humarap ito sa asawa niya. The way they looked to each other, bothers me so much.. I envy them.. I envy him kasi dapat ako.. ako yung nasa katayuan niya..
" Pero Mine.. nalingat lang ako sandali may ka-date ka ng lalak--------
ploook
Napatawa ako dahil doon.. talagang tawa.. binatukan ba naman ni Niña si Khal... epic.. tiningnan niya ako ng masama.
" Nasaan ang durian juice ko, Fuentabella?!! At pwede ba hindi kami nagdidate.. he keeps me company.. nagkataon lang na nagkita kami dito.. ang dumi talaga minsan ng isip mo.. nakakainis ka!! Nasaan na yung p-pinapahanap ko? "
" E-Ehh.. ano.. w-wala sila dito Mine.. Pero mayroon na akong alam kung saan makakakuha kaya nga ako bumalik dito para isama ka.. t-tapos-----------
HIndi ko na kaya.. kung maglalambingan sila sa aking harapan.. mas mabuti pang umalis na ako dito.. okay na akong nakita at nakausap ko siya kahit saglit lang.. gumaan naman kahit kaunti ang aking pakiramdam.. ayos na ako doon.. susubukan kong sundin ang sinabi ni Niña sa akin..
" I think I better g--------
" You should be.! "
plook
" Mine naman ehh.. masakit na ahh.. nawiwili kang batukan ako!! "
" Bastos ka kasi!! Apologize to him.. right now! "
" Ayoko nga!! wala akong ginawang kasal-------
" Apologize. now!"
Para silang bata.. masaya.. yung mga mata nila.. masaya..kumikislap.. mahal nila ang isat isa.. doon pa lang.. kontento na rin ako dahil kahit hindi ko man siya nakatuluyan.. mahal na mahal naman siya ng damuhong lalaking ito. Dahan dahan akong tumayo.. pinabayaan ko silang magbangayan at maglambingan.. tumalikod ako at nagsimulang naglakad.. habang nakalagay sa aking magkabilang bulsa ang aking mga kamay.. pero bago pa ako tuluyang makalayo sa kanila.. tinawag niya ang pangalan ko.
" Sean.. thank you and be happy!! "
Parang may kung anong mabigat na bagay na naalis sa aking dibdib.. nilingon ko sila.. and I smiled.. I smiled from the bottom of my heart.. and said.. " Goodbye, Niña. "
I let you go..
this time..
its for real..
malaya na akong magmamahal ng iba..