SPICEY'S POV "ZAIRON." Malakas ang kabog ng puso ko nang sandaling tinawag ni Cold ang lalaking nagngangalang Zairon. Kasalukuyan kaming narito sa loob ng sasakyan na inarkila ni Cold noong araw na pumunta kami rito sa IloIlo, ngunit hindi tulad ng unang araw, si Cold na ang nag-drive. Dahil madali namang tuntunin ang bahay ng Alkalde ng aming bayan, hindi naging mahirap sa amin ang makarating dito. Madilim na ang paligid dahil matapos naming kausapin si Rica ay agad na rin kaming sumugod dito. Nagtaka pa nga si Zairon kung bakit biglaan ngunit gumawa na lang ng dahilan si Cold at sinabing bukas daw kasi ay babalik na rin ito ng Manila. Nasa loob lang kami ng sasakyan at hindi kami lumalabas. Nasa likurang bahagi kami ng sasakyan at ang aking katabi ay walang iba kundi ang kapatid kon

