SPICEY'S POV HINDI KO ALAM kung bagay ba ang suot ko ngayon sa lugar pupuntahan namin ni Cold. I mean, it will be a date. We're going on a date. At sabi pa niya, magiging masaya raw ako sa date na iyon. Hindi ko lang alam kung bakit at sa anong paraan. Naalala ko pa kung paanong nag-init ang mukha ko noong una kong nalaman na niyaya niya akong makipag-date. I mean, bakit niya ako niyaya ng date? Nililigawan ba niya ako? Nanliligaw ba siya sa akin? I think, he did not. At hinding hindi mangyayari iyon. Akala ko nga, niyayaya niya ako is because, gusto na niya ako. But to my embarrassing moment, he was just asking for a friendly date. Tiningnan ko ang sarili ko sa repleksyon ng salamin. Nakailang damit na ako pero hindi pa rin ako kuntento. Isa itong may mahabang manggas na puting damit n

