SPICEY'S POV "KANINONG condo 'to? Sa iyo?" Matapos naming gawin ang hindi namin dapat gawin sa loob ng kotse ni Cold, dumiretso kami rito sa condo niya dahil ayaw niya raw na ihatid ako agad sa apartment pagkatapos niya akong gawan ng ganoon. Hindi ko raw deserve iyon. Napataas ang kilay ko pero hindi ko na rin naman siya kinontra. Mabuti na lang ay may naiwan ako mga damit dito. Nakapagpalit muna ako ng damit at nakaligo. Sabay din kami nakapag grocery ni Cold dahil naubos na raw ang stock niya. Balak sana namin kumain na lang sa labas para hindi na rin nakakapagod sa aming dalawa. Ngunit naisip ko, puro ganoon na lang ang sistema ng aming dalawa. Nakokonsensya na rin ako dahil siya lagi ang nagbabayad. Kaya naman, napagdesisyonan ko na lutuan siya ng paborito niyang ulam. Hindi naman

