C2 - Kapitbahay

2096 Words
Nagkakagulong mga tao ang nakapalibot sa 'kin. May nagrereklamo dahil nangaliwa ang mister n'ya. May nagreklamo rin na pinag-chi-chismisan s'ya ng mga kapitbahay n'ya. May nagreklamo rin dahil mahigit isang buwan nang 'di nagbabayad ng renta, pero panay post naman sa f*******: ng mga biniling gamit. Seriously? Gabing-gabi na, pero ganito pa rin ka-busy ang presinto rito sa Santa Rosa. Katulad na lang ng babaeng kaharap ko, 'di na pinaabot ng umaga at kaagad na tumawag ng pulis. So childish! Hindi n'ya 'ata matanggap na 'di s'ya nakaganti ng suntok sa 'kin. So weak! Isang suntok lang, tumba kaagad? Tss! "Ms. De Vega." Napalingon ako sa pulis na nag-asikaso sa reklamo ng babaeng weak. I think he's just in his late twenties. 'Di s'ya naka-uniform. Plain black t-shirt na sinapawan n'ya ng dark blue long sleeve— nakatupi 'yon hanggang siko n'ya. Pulis ba 'to or model? At saka 'di ba s'ya nilalamig sa suot n'ya? Alam kong gwapo s'ya, pero dapat magmukha naman s'yang pulis, lalo na kapag ang nagrereklamo ay katulad ng babaeng nasa harapan ko. Kulang na lang maghugis heart 'yong mga mata n'ya kakatitig sa pulis. Suntukin ko kaya 'to ng isa pa? "Anong ginagawa ng nag-iisang anak ng mga De Vega sa presinto?" dugtong na tanong ng pulis, "You just got back after how many years, and here you are." Ano raw? Ba't ang daming alam ng pulis na 'to? "True!" sabi ng babaeng weak, "Bigla na lang akong sinabuyan ng drinks n'ya at nanuntok. Ang sakit kaya, Mir! I mean, Sargeant Jimenez." Mir Jimenez? Ba't pamilyar? Classmate ko rin ba s'ya noon? Dumako ang mga mata ko sa nameplate na nakapatong sa kan'yang lamesa. SPO3 Felimir Jimenez Nabalik ang tingin ko sa babaeng weak nang magsalita s'ya ulit, "Wala naman akong ginawang masama." Napataas ang kilay ko sa sinabi n'ya, "Oh, really? Ano nga 'yong sinabi mo? Wala akong kwentang anak?" "Totoo kaya!" arte n'yang sagot. Nginitian ko s'ya nang nakakaloko, "Bakit? Ikaw ba ang nanay ko? Alam mo ba ang mga nangyari sa 'min?" Ilang minuto rin s'yang 'di nakasagot at naiilang n'ya akong tiningnan, "Ka-Kahit na, noh! It's so childish to just punch me!" "Ah, ako pa ang isip bata?" nanunuya kong tanong sa kan'ya, "Eh, dapat gumanti ka. 'Di 'yong nanunumbong kaagad. So weak!" "Anong weak!" angal n'ya at pinandilatan pa ako ng mga mata, "Pake mo ba kung magreklamo ako?" Mas lalo s'yang sumimangot nang tumawa ako, "Talaga? Baka iba ang dahilan kung ba't ka nagreklamo? Kulang na nga lang, tumulo ang laway mo." "Excuse me!" Mas lalo pa akong tumawa nang makita ko na galit na s'ya. "Dadaan ka?" pamimilosopo ko. "Okay, girls. Enough," awat ng pulis sa 'min. Binalingan ko ang pulis at 'di ko na napigilan ang bibig ko, "Sorry for being disrespectful, Sargeant. Pero, dapat magmukha naman kayong pulis at hindi model. Lalo na kapag ang nagrereklamo ay katulad ng babaeng 'to." Naputol na 'ata ang pasensya ng babaeng weak, dahil tumayo s'ya at kaagad na hinila ang buhok ko. Pero bago pa man kami naawat, nasuntok ko na ang kabila n'yang mukha. Gaya ng inaaasahan ko, natumba s'ya at dumudugo na ang ilong, "Oh, ayan! Pantay na, ha! Mag-thank you ka naman." Nahila na ako ng pulis at kaagad na inilayo sa babaeng weak. At bago pa ako mapasok sa kulungan, humirit pa ako, "Hoy! Babaeng ipininaglihi sa kaartehan! Ayusin mo namang manghila ng buhok. Weakling!" Pinasok na ako ng pulis sa loob ng kulungan, "Papunta na rito si Ma'am Santillan." Buhay pa pala ang babaeng 'yon! At bago pa tumalikod ang pulis, may sinabi s'yang nagpagulo sa isip ko. "Nagbago ka na talaga." Ikinagulat ko 'yon, pero 'di ako nagpatinag, "Ay wow! Sino ka ba at feeling close ka 'ata, Sarhento?" Hinarap n'ya akong muli, "Kinalimutan mo na nga ang mga magulang mo, pati ba naman ako?" Matutawa na sana ako sa mga huling sinabi n'ya at iisipin kong may gusto s'ya sa 'kin, pero 'di nakaligtas sa pandinig ko ang una n'yang sinabi. Pangatlong beses na 'to. Una, mga tingin ng mga tao sa labas ng bahay. Akala mo naman alam nila ang lahat. Ang sarap tusukin ng mga mata nila. Pangalawa, 'yong babaeng weakling. Wala raw akong kwentang anak. Ako 'yong walang kwenta, kasi ako 'yong umalis nang walang paalam. Pero, buong buhay ko, sila 'yong walang kwentang mga magulang. Nasaktan ang pride ko. Pero, iba 'tong pangatlong beses, sa pulis na 'to. Kinalimutan ko raw sila. Gusto ko s'yang sigawan. Pero, iba ang lumabas sa bibig ko, "Feeling close, wala namang alam." Pakiramdam ko, puso ko 'yong nasaktan. Bakit ang lakas ng epekto ng mga sinabi n'ya? Tinalikuran ko na s'ya at umupo sa sahig na may karton. 'Di ito ang unang pagkakataong nireklamo ako at natulog sa presinto. Sa katunayan nga, kasama ko si Vanessa— ang boss ko na nakulong at nag-overnight sa presinto. 'Yon din ang araw na nakilala ko s'ya sa bar. 'Di ko rin alam kung pa'no ako naka-graduate sa college as the batch valedictorian. Consistent naman akong nasa top. Pero, college days kasi, naging basagulera ako. I was just fifteen years old when I run away from home. Pinagpatuloy ko sa kabilang bayan ang pag-aaral ng senior high. Nagbabaka sakaling hanapin nila ako at piliting umuwi. Pero naka-graduate na lang ako, ni anino nila 'di ko nakita. So I decided to pursue college in Manila. Nag-apply ng scholarship, naging dean's lister hanggang second-year college. Nang mag-third year kasi ako, lagi na akong napapaaway at suki na ako sa guidance office. Kaya nawala ang scholarship ko at pagiging dean's lister. Akala ko, 'di na ako makakapagtapos ng college. Then I met Vanessa sa isang bar, napaaway s'ya at nagkataong gusto kong may pagbuntungan ng galit ko. Kaya kahit 'di ko s'ya kilala, pinatumba ko ang limang kaaway n'ya. Kaya sa presinto ang bagsak namin. She helped me out. Solong anak ng isang mayamang businessman. May sarili na s'yang printing press kahit 'di pa s'ya naka-graduate. I even thought our paths were destined to cross. Kasi, Journalism ang kursong kinuha ko. So, with the help of her money, nakapagpatuloy ako sa pag-aaral. Ginawa n'ya akong head editor-in-chief nang maka-graduate ako. At kung 'di dahil sa kan'ya, 'di ako babalik sa lugar na 'to. Siguro, matutuwa pa 'yon kapag nalamang nareklamo na naman ako. 'Di pa nag-iinit ang pwet ko sa pagakakaupo ay bumalik kaagad ang pulis, "Nasa labas na si Ma'am Santillan." Binuksan n'ya ang pintong bakal at kaagad naman akong lumabas, "Hanep, ah. Ito na ang pinakamabilis na pag-stay ko sa presinto." Hindi ko na s'ya hinintay na makasagot at kaagad na lumabas sa presinto. Luminga-linga ako para hanapin si Santillan, pero ni anino n'ya 'di ko makita. Matanda na 'yon, sigurado ako. Secretary s'ya ng nanay ko. S'ya ang nag-aasikaso sa plantation kapag wala sila. Lagi silang out of the country. Leaving me alone in the four corners of our house. 'Di ko na rin alam kung buhay pa ba ang plantation. Ayaw ko nang alamin. Minsan nga, hiniling ko sana ma-bankrupt ang plantation. Ito ang tinuring kong kaagaw dati. Busy sila lagi sa kanilang flower plantation. Naiinis na ako, dahil 'di ko pa rin makita ang Santillan na 'yon. 'Di ko alam kung anong dahilan kung ba't ako naiinis sa kan'ya. It just happened. "Miss De Vega." Nilingon ko ang babaeng tumawag sa apelyido ko. Napairap ako. Can't they just call me by my first name? Isang babaeng kasingtangkad ko ang nalingunan ko. Naka-uniform nang pang-teacher. Masyado na s'yang matured para mapagkamalan kong student uniform ang suot n'ya. Her hair was half ponytailed. Wearing eyeglass, and I can now see Santillan's on her image— wait, anak ba s'ya ni Santillan? Pero, 'di naman sila magkamukha. At isa pa Santillan ang apelyido nito. Baka anak sa pagkadalaga? Napataas ang kilay ko sa mga naisip at bago ko pa maaway ang sarili ko, kinausap ko na ang babaeng apat ang mata, "Yes? Do I know you?" "I don't think so," she answered expressionlessly. Malditang four-eyed. "Oh, 'di naman pala," I fired back, "Sorry, but I don't waste my time to some random stranger." Tatalikuran ko na sana s'ya, pero kaagad s'yang nagsalita na mas lalong nagpairita sa 'kin, "So do I." Sinasagad talaga ako ng babaeng 'to! Hinarap ko s'ya at nagpakawala nang nakalolokong ngiti, "Oh? Sa pumunta ka lang dito para magpa-cute sa mga pulis? Or, sa mga nakakulong?" "Ikaw? Umuwi ka lang ba para manuntok at makulong?" Sa totoo lang, kanina pa talaga kumukulo ang dugo ko at ang sarap n'ya nang suntukin. Kaya naman, pinalabas ko na ang huling alas ko, "Ah, alam ko na. Pumunta ka rito para makatikim ng suntok? Sa'n mo banda gusto masuntok?" At nagdiwang ang aking utak dahil sa wakas, nanahimik din s'ya. Takot naman pala, eh! "Anyway, ako ang kumausap sa pulis at nagbayad para ipagamot ang babaeng sinuntok mo," pag-iiba n'ya sa usapan. "Ayan lang naman pala ang sasabihin mo, ang dami mo pang— teka, what? Sino ka ba?" "I'm the former secretary of Mrs. De Vega," pakilala n'ya sa sarili, "Jheen Santillan." "Oh, former naman pala. Nasa'n 'yong bago at ba't ikaw ang nandito?" takang tanong ko sa kan'ya at ang mukha n'yang walang kaemo-emosyon ay nagpakita ng pagkagulat. "Matagal nang na-bankrupt ang plantation at nasa custody na ito ng bangko, malaki ang utang ng mga magulang mo sa bangko." This time, ako naman ang nagulat. But, I composed myself and show that I'm not affected. "Oh? Dapat matagal na." Inirapan ko s'ya para ipakitang wala akong pakialam. Pero ba't ganito? Dapat masaya ako. Nanatili s'yang tahimik at nakatingin lang sa 'kin. Pero, bakas pa rin sa mga mata n'ya na 'di s'ya makapaniwala sa sinabi ko. "By the way, kaano-ano mo si Judith Santillan?" tanong ko sa kan'ya, just to divert the uneasiness I am feeling right now. Imposibleng mama n'ya si Judith— ang dating secretary ni Mama, dahil magkaparehas sila ng apelyido. Umalis akong dalaga si Santillan. At sa pagkakaalam ko, wala s'yang kapatid na Santillan. May kapatid s'ya, pero sa labas. "Adopted," maiksi n'yang sagot. Mas lalong 'di ko nagugustuhan kung sa'n na napupunta ang usapan namin. "Uuwi na ako," paalam ko sa kan'ya at tinungo ang kotse ko. Mahina lang ang ginagawa kong pagpapatakbo ng kotse, dahil gusto kong mapagmasdan ang malaking pagbabago ng lugar, kung sa'n ako unang nakaranas sa reyalidad ng buhay. Na hindi lahat ng mga mayayaman at successful na pamilya ay panghabang-buhay na magiging masaya. Ang dating sementadong kalsada, ngayon ay aspalto na. Napabuntonghininga ako. 'Di ko pala naranasan ang makipaghabulan sa ibang mga bata sa mga kalsada rito. Lagi lang akong nasa bahay, naghihintay sa kanilang pag-uwi, na umaabot ng ilang araw. 'Di ko kinakain ang mga niluluto ng mga katulong namin. Ako mismo nagluluto. Nagpapapansin ako sa kanila. But, to no avail. Pambihira! Nagiging nega na naman ako. Papasok na ako sa kalsadang papunta sa bahay namin. At may napansin akong bahay, katabi ng bahay namin, nag-iisa lang ang ilaw na nakabukas. Sa sobrang dilim n'on, parang haunted house na kung tingnan. Pero, dahil modernized naman, kaya 'di ito nakakatakot tingnan. Pero halata mong luma na ito. Sa pagkakaalala ko, 'di pa gan'yan ang ayos nito. Pinarada ko ang kotse sa harap ng bahay namin. Madaling araw na pero, marami pa ring tao. Kaagad na akong lumabas sa kotse at naglakad papalapit sa bahay namin. Ang sarap talaga dukutin ng mga mata nitong mga taong akala mo mga santa. Ang malala pa, kung bumulong, abot hanggang kabilang kanto. 'Di na ako nakatiis at nilingon ang kumpol ng mga palakang chismosa, "Narito ba kayo para makiramay o makipag-chismisan lang?" Nahihiya silang umiwas ng tingin. Sirang-sira na ang unang araw ko. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay 'di na ako nag-aksaya ng oras at tinungo na ang aming hagdanan. "Siya na ba anak ninyo, Arnulfo?" Natigil ako sa paghakbang nang marinig ang boses ng isang matanda. "Oh, Shazyl, anak." Lumapit sa 'kin si Papa, "Pasensya na at si Jheen lang ang pinapunta ko." Tsk! Lagi naman. Kailan pa kayo nagbigay ng oras? Lumapit na rin ang matandang babae. Tantya ko, matanda s'ya ng sampung taon kay Mama. "Ah, anak, si Ateng Alyanda," pagpapakilala ni Papa, "S'ya ang nakatira diyan sa kabilang bahay." S'ya pala ang may ari ng bahay na kanina ko lang napansin. Napansin ni Papa na 'di ako sumasagot, "Nakalimutan mo na ba, anak? Matalik siyang kaibigan ng Mama mo." Peke akong napangiti, "Why should I remember? Kinalimutan n'yo nga sarili n'yong anak."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD