❣︎ SHAZYL ❣︎ "Wahhh!" "Wahhhh!" "Wahhhhh!" Isa-isang sinapak ni Ate Zha sina Leen, Irene, at Dhel. "Para kayong mga kabibe na natigang!" "Hoy, Ati Zha, don't esteyt the obyus!" sigaw ni Irene habang kinakamot ang ulong nasapak ni Ate Zha, "My butupil brain cells, awts..." "Matagal na kaming tigang, Ate Zha! Kapagod na nga magkamay, ih!" sabi naman ni Dhel. "Mismo! Ten years! Pakiramdam ko wamilyon yirs!" segunda naman ni Leen. Matapos ang date kuno namin ni Mir, na wala kaming ibang ginawa kung hindi ang magkwento tungkol sa mga panahong malayo kami sa isa't isa, ay bumalik na ako kaagad sa selda namin, bitbit ang mga dala ni Mir. It may sound corny, pero parang nasa getting to know each other stage kami. Pinipigilan ko lang ang kilig ko kanina, pero putspa, inunahan pa ako ng mg

