-Lowell Doctor's Hospital- Madaling araw nang isugod niya si Maxine sa ospital dahil nakaramdam na ito ng false labor pero nang makarating naman ay diniretso naman si Maxine sa delivery room dahil ilang cm nalang din naman at maaaring lalabas na ang bata. Halos hindi siya magkaintindihan sa kanyang kina-uupuan habang nakasapo ang kanyang magkaiblang palad sa ulo niya. Para siyang problemado sa hitsura niya ngayon. Nerbyus at pagkabahala ang nararamdaman niya ngayon. Panay-panay din ang pagbuntong niya ng hininga dahil tensyunado siya na para bang siya pa ang manganganak! Alas una na ng madaling araw pero wala parin siyang balita kung ano na ang lagay ni Maxine kaya sa halip na tumimo siya sa kanyang inuupuan marahil tumayo siya at napag-isipang puntahan si Jersey. Naging malapit na kaibig

