Maxine's Pov... Hindi niya alam kung bakit pumayag siyang sunduin ni Kale sa Mall kung alam niya naman na may pupuntahan siyang iba pagkatapos niya sa kanyang inaasikaso. Pero dahil masyado siyang advanced kung mag-isip nag txt siya kaagad kay Kale na magtagpo nalang sila sa isang lugar at mabuti na lamang at pumayag din ito na hindi na nakipagdiskusyunan sa kanya. Kanina halos kuritin na niya ang kanyang sarili para hindi mapatawa nang makita ang reaksyon ni Kale nang sinabi niyang magpapasundo nalang siya sa driver nila. Hindi alam ni Kale ang plano niya ngayon kaya nililihim niya ang lahat. Hapon na siya nang makatapos sa pinagawa ng kanyang Kuya Jaxxon kaya ngayon pa lamang siya mag papasundo sa personal driver nila. Mabilis siyang nag ayos ng kanyang sarili habang hinihintay ang kan

