CHAPTER NINETEEN "ANG DAMI naman niyan!" Hindi niya masabi kong nagrereklamo o natutuwa si Camya nang halos umapaw ang bowl nila ng kaibigan sa rice toppings na ginawa ni Takeru para sa dinner nila. Wala siya sa sarili at hindi pa mag-sink in sa kanya na nakabalik na nga siya sa sariling apartment. Hindi totoong umuwi siya kagaya ng mga sinabi niya rito. Dala lang lahat iyon ng sakit na nararamdaman niya sa loob niya. "Okay lang 'yan. Kailangan niyong kumain nang marami para magkalaman naman kayong dalawa. Ang papayat niyo na, o," sabi naman ni Takeru. "Ano ang gusto mong palabasin? Na naliliitan ka sa 'min?" Camya slightly arched her back and pointed her nose in the air. Pinagkrus ni Takeru ang mga braso sa tapat ng dibdib at nakapaningkit na tiningnan si Camya. "Hindi naman. Actua

