CHAPTER TEN "TALAGA bang hindi na magbabago ang isip mo?" tanong ni Manang Lory kay Thirdy habang naghahapunan na sila. Napatingin tuloy siya rito. "Alam niyo?" tanong din nito nang mapahinto sa pagkain. "Lagi ka kayang itinatanong ng Granny mo. Tumawag siya kaninang hapon para kompirmahin kung busy ka nga at tinanggihan mo ang imbitasyon ng Dad mo." Itinuloy nito ang pagkain at ganoon din siya pero nakiramdam siya rito. "I've told them I can't make it," kaswal nitong sabi. "Besides, may next time pa naman." "Gaano ka kasigurado? Alam mo bang sinusulit lang ng grandparents mo ang mga nalalabi nilang panahon sa mundong 'to para makasama kayo?" Uy, si Manang wagas makapangonsensiya, saloob niya. Keep it up, Manang. "I'm not ready yet." "Kailan pa kung gano'n, Sir? Kapag hindi na ka

