Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang madatnan ko ang mga papel na nagkalat sa loob ng office, maging si Ellyse ay napaatras nang makita ang mga iyon. Pumasok ako sa loob at napatakip ako agad sa bibig ko nang makita ko ang basag na screen ng laptop ko na nasa sahig. "Who the hell did this?" Rinig ko ang boses ni Ellyse sa likuran ko pero hindi ko maialis ang paningin ko sa sirang laptop at sa mga nagkalat na blankong bond paper sa buong kwarto. "Ellyse, hindi nagprint." Naiiyak ako habang nakatitig sa ink na nagkalat din sa table ko. Parang may pumasok sa office para sirain ang laptop ko at itinapon pa nito ang laman ng ink sa ibang files na nasa table ko. Yung mga files na iyon ang final requirements ko bago ako makapag-ojt. "s**t!" Rinig kong mura ni Ellyse nang makita rin ang kalat s

