Chapter 19

1932 Words
Matapos ang tanghalian ay nagpasyang mapag-isa ni Byron sa bahay niya para magdasal. Nasa isang oras din iyon. Dahil wala naman siyang ibang gagawin ay naupo na lang siya sa kanyang kama at nagbasa ng mga salita ng Panginoon. Hanggang sa hindi na niya namalayan na hinatak na pala siya ng antok. Ilang pagkatok din ang ginawa ni Magdalene sa pintuan ng bahay ni Father Byron, ngunit wala man lang sumasagot. Hanggang sa napagpasyahan na niyang pumasok sa loob. Hindi naman iyon nakalock kaya malaya siyang nakapasok. Dahil sa wala naman siyang ginagawa ay napagpasyahan na niyang labahan lahat ng mga naiwang libahing damit ng mga bata at natapos na niyang lahat iyon. Pero naiinip pa rin siya. Kaya naman nais na lang sana niyang ipaglaba si Father Byron. "Saan naman kaya nakalagay ang mga iyon?" Hinanap niya ang mga labahin nito. Wala naman sa banyo sa tabi ng kusina. Kaya sigurado siyang nasa may kwarto nito ang mga iyon. "Father Byron?" Nakahanda na ang kanyang kamay para kumatok ng mapansin ni Magdalene na nakaawang ang pintuan ng kwarto. "Bukas? Father," aniya at dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Doon tumambad sa kanya ang nakaupong pari at nakasandal sa headboard ng kama ngunit nakapikit. Tinawag niyang muli ang pangalan nito ngunit hindi naman sumasagot. Sigurado na siyang nakatulog ito. Nilapitan niya ang pari. Nakatulugan na nito ang pagbabasa. Kinuha niya ang bibliya at marahang isinara iyon at inilagay sa table malapit sa kama nito. Napagpasyahan din niyang ayusin ang pwesto nito. "Ang bigat mo father," aniya ng biglang maalala kung nasaan siya. "Wala po akong ginagawang masama kay father ah. Inaayos ko lang po talaga pwesto niya. Baka lang po kasi mangalay siya," ani Magdalene, habang ipinapalibot ang tingin sa kabuoan ng silid. Iba kasi ang pakiramdam niya sa kwartong iyon ni Father Byron. Mula ng magising siya sa unang araw niya doon ay hindi na siya muling pumasok sa loob noon. Palaging doon lang siya sa labas ng pintuan. Para kasi siya palaging sinisilihan pagnaroon siya. Lahat kasi ng gamit doon ay sagrado. Siya lang naman ang hindi. "Tulog ka lang father," aniya ng maayos niya ang pwesto nito. Muli naman niyang hinanap ang mga labahin nito. Nakita niya ang mga iyon sa loob ng banyo. Inilibot niya ang tingin sa kabuoan ng banyo. Maayos ang pagkakasalansan ng mga gamit, at malinis. Napangiti na lang siya. Sabagay ang linis at ayos ng buong bahay ay makikita mo naman sa ugali at sa linis sa katawan ni Father Byron. Halatang lumaki sa yaman ngunit marunong makisalamuha sa tao. "Napakabuting pari. Nakakapanghinayang lang talaga. Kasi ang gwapo tapos---," nahinto sa pagrereklamo si Magdalene. Napatampal siya sa kanyang bibig. "Sorry po. Kukunin ko lang po talaga ang mga labahin ni father. Huwag po Kayong magagalit ha. At ako po ay lalabas na, para maglaba." Mabilis na dinampot ni Magdalene ang laundry basket at parang kwitis siyang sinindihan sa bilis ng kanyang paglabas sa silid ng pari. Marahan niyang isinara ang pintuan. Habol-habol niya ang kanyang paghinga na wari mo ay kinakabahan. Ngunit napakunot noo din siya sa ginawa. "Bakit ba ako matatakot? Wala naman akong ginagawang masama. Ipaglalaba ko pa nga si father. Masama ba iyon?" paliwanag niya sa sarili saka tatangu-tangong naglakad sa may likuran ng ampunan. Doon na lang siya maglalaba. Ayaw din naman niyang magising si Father Byron, dahil sa lagaslas ng tubig. Pakanta-kanta pa si Magdalene. Madami din iyong labahin ni Father Byron. Ngunit hindi naman mukhang labahin talaga. Tumatakbo ito paminsan-minsan ngunit hindi man lang nag-aamoy pawis ang libagin nito. Kahit ang tuwalyang puti na gamit nito pamunas ng pawis ay hindi man lang yata nabahiran ng kahit na anong dumi. "Grabe naman sa linis si father. Hindi man lang ako makakita ng kahit na kaunting libag," ani Magdalene ng makarinig siya ng isang tikhim. Dahil na rin sa gulat ay bigla siyang nabuwal kaya naman bumagsak siya sa basang semento. "Dalene ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Byron ng lapitan niya ang dalaga. Nabasa tuloy ang suot nito. Hindi naman niya intensyon na gulatin ito. "Sorry kong nagulat kita, hindi ko sinasadya." "Thank you father. Huwag po kayong mag-alala. Ayos lang po ako. Maliligo naman po ako mamaya pagkatapos ko dito isa pa ay kanina pa naman po talaga akong basa. Nadagdagan lang," nakangiti niyang sagot at muling naupo sa bangkito na kinauupuan niya kanina. Umalis na rin naman si Byron sa kanyang tabi at naupo sa kanyang may likuran. "Ano ba ang ginagawa mo Dalene? Kaninang tanghalian ay naglalaba ka na. Ngayon ay naglalaba ka pa rin?" "Natapos ko na naman kanina father ang nilalabhan ko. Kaya lang ay parang naghahanap talaga ang katawan ko ng gagawin kaya naman ipinaglaba na lang kita." Napatayo naman bigla si Byron sa narinig. Unti-unting pinamulahan ng pisngi si Byron sa sinabi sa kanya ni Magdalene. Ngunit gusto pa rin niyang linawin kung tama ba ang narinig niya o nagkakangriringgan lang siya. "A-ano nga ulit ang g-ginagawa mo?" "Paulit-ulit father. Naglalaba nga po." "K-kaninong damit ang n-nilalabhan mo?" "Naku father, parang nabibingi ka na. Ang bata-bata mo pa naman, damit mo nga po," ani Magdalene at napagahikhik pa siya. Humarap siya kay Byron habang hawak ang underwear nito. "Naku father ang sexy mo naman pala. Imagine ganito kaliit ang baywang mo, tapos ganito iyong sa----," napalunok si Magdalene at pinutol ang sinasabi. "Talagang may karapatang ka pagsuot mo ito." Hindik na hindik naman si Byron ng makitang hawak ng dalaga ang undergarments niya. Ganoon din sa sinabi nito. Hindi siya sanay na ipinaglalaba siya ng ibang tao. Isang babae lang naman ang ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng hiya kahit hawak nito ang mga damit niya, kahit panloob pa niya iyon. Ang mommy niya. Naiilang at nahihiya siyang mahawakan ng iba ang personal na gamit niya. Pero si Magdalene parang lubos pang nasisiyahan ng makita ang panloob niya. "Put it down Dalene! Ako na ang bahala sa mga gamit ko, sa damit ko. Kaya ko na iyang labahan. Iwan mo na iyan at maligo ka na kung maliligo ka. Ako na ang tatapos niyan. Pakiusap umalis ka na sa kinauupuan mo ngayon din," utos ni Byron na ikinahagikhik lang ni Magdalene. "Relax father. Naglalaba lang po ako at wala akong balak halayin ang mga damit mo. Malinis ang intensyon kong maglaba father ah," ani Magdalene ng mapasign of the cross na lang si Byron. "Father naman, ipinaglalaba lang naman kita," nakanguso pa niyang saad. "Dalene, listened. Kaya ko namang labahan ang damit ko. Bakit naman pati ako ay ipaglalaba mo pa. Tumayo ka na dyan. Ako na dyan. Pagod ka na rin sa dami mong ginawa. Magluluto ka pa mamaya ng hapunan nating dalawa." "Sus, basic father kayang-kaya ko iyon." Halos mapahilot ng noo si Byron ng makita niyang mga panloob na niya ang binabanlawan ni Magdalene. "Magdalene ako na," mariing utos ni Byron at nilapitan na niya talaga ang dalaga. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila niya iyong bigla. Sa gulat ni Magdalene ay bigla na lang siyang napasigaw. Dahil hindi niya inaasahan ang paghilang iyon sa kanya ni Father Byron ay bigla na lang siyang nadulas. Ngunit parang nagslow-mo ang lahat. Naramdaman niya ang pagkabig sa kanya ni Father Byron at ang pag-alalay nito sa kanyang ulo, at likod. Napapikit na lang din siya sa takot na baka kung saan siya tumama. Hanggang sa maramdaman niya ang kanilang pagbagsak. Pero hindi siya bumagsak sa sementong labahan kundi sa mainit na katawan. Mabilis siyang napamulat ng mga mata ng mapagtantong nasa ibabaw siya ni Father Byron habang yakap-yakap siya nito. "D-Dalene a-ayos ka lang?" habol hiningang tanong ni Byron kay Magdalene habang nakapikit siya. Hindi naman maiangat kaagad ni Magdalene ang kanyang ulo dahil hawak iyon ni Byron. Nararamdaman pa niya ang panginginig ng kamay nito. Ang kanyang mukha ay nasa tapat ng dibdib nito kaya naririnig niya ang mabilis na pagtibok ng puso ng pari. "Ayos ka lang? Nasaktan ka ba?" nag-aalalang ulit na tanong ni Byron ng hindi kaagad sumagot si Magdalene. "Ayos lang po ako. Kayo ang inaalala ko. Bakit naman po ninyo ako hinila? Father huwag ka ng mailang kung ipinaglalaba kita. Sanay ako sa ganoong gawain, at huwag ka pong mailang sa akin. Natural naman na pagmaglalaba ako ay sama-sama ng lahat. Hindi naman pwedeng ngayon ay damit muna mamaya na ang underwear gayong kusot naman ang paglalaba ko. Mas nakakapagod po iyon," paliwanag ni Magdalene habang hindi pa rin nababago ang pwesto nila. Para tuloy silang parehong nawiwili sa ayos nilang iyon. Si Magdalene na kanina ay gusto ng matunaw sa hiya dahil sa pagkakabagsak niya sa katawan ni Father Byron ay parang nakaramdam siya ng kaginhawahan. Parang gusto na lang niya muling ipikit ang mga mata at matulog. Habang si Byron ay hindi maipaliwanag ang kapanatagang kanyang nadarama sa init ng katawan na nagmumula sa dalaga. Kakaiba iyon. Walang halong malisya, pero iti-treasure niya sa kanyang puso ang sandaling iyon. Ilang minuto silang nasa ganoon pa ring pwesto. Saglit silang nakalimot sa kung ano ang dahilan kung bakit ganoon ang kalagayan nila. Pinagsawa nila ang pareho nilang damdamin na pareho nilang hindi kayang ipaliwanag. Hanggang sa marinig nila ang pag-awas ng tubig sa palanggana at ang pagkabasa nila lalong pareho dahil sa agos ng tubig. Sabay pa silang napabangon, at paupong naghiwalay. "F-father." "Pasensya na. Nasaktan ka ba?" Naroon muli ang pag-aalala ni Byron. Iwinaksi niya ang ilang na nadarama. "Hindi po ayos lang po talaga ako." "Ako na lang dito." "Pareho na po tayong basa. Maligo na kayo at baka magkasakit pa kayo. Kaya ikaw na father ang huwag matigas ang ulo. Ako na dito." "Magdalene!" mataas ang boses na saad ni Byron. "I love you Father By. Palagi mo po iyong tatandaan. Hindi po iyon biro. Totoo iyon mula sa aking puso," ani Magdalene sa malambing na boses ng biglang natigilan si Byron. Bigla na namang kumabog ang puso niya sa sinabing iyon ng dalaga. Bakit ba iba ang hatid ng salitang iyon sa kanya? Gayong alam niyang wala namang ibig sabihin ang dalaga sa sinabing iyon nito sa kanya. "Alam mong mahal kita father. Kayo nina Mother Ofel, sina Sister Vans at Sister Mary. Ganoon din po ang mag-asawa nina Manang Claire at Manong Juan. Pati po ang mommy at daddy po ninyo. Itong simpleng paglalaba ko po ay pagtanaw ko lang po ng utang na loob. Kaya po father huwag ka ng mailang. Kaya ko na po ito at patapos na rin naman," ani Magdalene na ikinatango na lang ni Byron. Wala na rin naman siyang nagawa. Sa tingin niya ay kahit magmatigas pa siya. Mas matigas ang ulo ng dalaga. Lihim na kang siyang napailing. "Pasensya ka na. Lalo ka pang nabasa. Hindi ka ba talaga nasaktan?" "Hindi po talaga. Kayo po?" "Ayos lang din naman ako. Kung hindi na kita mapipigilan sa ginagawa mo ay iisipin ko na lang na makulit kang talaga at pasaway pa. At wala akong magagawa sa dalagang pilya. Ako na lang ang magluluto ng ating hapunan. Bilisan mo na dyan at maligo ka na rin pagkatapos." "Aye, aye father," sagot ni Magdalene na may pagsaludo pa. Nailing na lang si Byron sa naging sagot nito. Iniwan na niya si Magdalene sa pagbabanlaw nito. Lalo na at totoo naman ang sinabi ng dalaga na patapos na itong talaga sa mga damit niya. Kahit talagang sa loob-loob niya ay ilang na ilang siya sa ginagawa nitong paglalaba sa kanyang mga damit. Lalo na sa mga panloob niya. Ay wala na rin naman siyang nagawa, kundi ipaubaya dito ang dapat na siya ang gagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD