ANGELO KABADO akong bumaba ng owner dahil mas isipan ko pa rin ang mga salitang winika ni Padre Tiago. Papatay siya...papatay siya kapag nagpagamit pa ulit ako sa mga lalaki. Hindi ko man masabi pero natatakot na rin ako sa kanya. Kaya niyang pumatay? Pumapatay rin ba ang mga pari? Iyon ang naiwang katanungan sa isipan ko nang mga sandaling iyon. Pagkababa ni Padre Tiago ay nauna pa siyang umakyat ng hagdan sa akin. In-assisst kami ng mga tauhan ni Sir Bastian hanggang sa makarating kami sa kanyang kinaroroonan, sa kanyang opisina sa second floor. Malawak ang mansyon niya at halos mga tauhan niya lang ang naroon, at idagdag na rin ang mga kasambahay na naroon. Pumasok kami sa isang silid, sa kanyang opisina at naroon nga siya, naghihintay sa akin. "Oh father, sumama ka pala kay

