Tiago 14

2510 Words

ANGELO PAALIS na ako sa kumbento. Hindi ko na inisip kung ipapahanap ako ni Padre Tiago. Ang tangi kong naiisip ngayon ay ang masakit na ginawa niya sa akin. Hindi ko matanggap. Ang akala ko ay akin lang siya, na ako lang ang makakatikim sa kanya. Ngunit heto, luhaan akong naglalayas. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong tuluyan akong mahulog sa kanya, na hinayaan ko ang sarili kong magpagamit na lang sa kanya. Sa totoo lang ay para bang nagsisisi ako sa mga nangyayari. Nakakababa ng tingin sa sarili ang mga ginagawa naming dalawa ngunit ano pa at nagustuhan ko naman talaga ang ginawa naming dalawa. Pero heto at tila ba bumabalik sa akin ang lahat ng mga nangyari. Para bang kapag naiisip ko pa lang ay apektado na ang buong pagkatao ko. Wasak ang puso at ang damdamin ko. KANIN

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD