Chapter Three “Private Tutor”

2749 Words
They'll have you suicidal, suicidal, suicidal, suicidal- Beautiful Girl by Sean Kingston. Miya was shocked kung sino namang taong ito na sumalo ng suntok para sa kanya. She instantly fight those group of teenagers. Sabi ko nga magaling siya sa taekwando kaya madali niya lang napatumba ang mga ito. “Hoy!” Sita ng isang barangay tanod sa mga teenagers na nagaastang batas may mga kasama din ito at suspetsya kong nagpapatrol din ito. Napapabalita din kasi na sa lugar na iyon lagging may riot ng mga kabataang nakauniporme. I was sitting at the floor bleeding. Kumaripas ang mga lalaking galos galos dahil sa ginawa ni Miya sa kanila. “Ayos lang ba kayo?”. Sabi ng isqang barangay tanod. Yung iba sinundan ang mga kumaripas na mga teenager. Nawalan ako ng malay. Pagkamulat ko ng mata ko nakakita na ko ng puting kisame nasa langit na ba ko? “Nasa langit na ba ko?’. Tanong ko. Nagulat ako sa nakita kong imahe, it was Miya. Her face is so pissed off. Natatakot ako baka huli na ang sandal ko sa F.A. “Hindi pa, Bakit ka kasi pakialamero? At humarang ka pa?’. naiinis niyang sabi. “Pwe-pwedeng thank you?’. I was expecting na magthathank you siya after all ng ginawa ko. Pero parang gusto kong bawiin ang sinabi ko. Pero nasabi ko na. “Hindi ka sana mapupunta dito sa ospital kung hindi ka nakialam? Mind your own business. Pagtataray niya walang emosyon sa mukha niya which is nakakaconfuse wala bang puso ang taong ito, pero iba ang nakita ko sa mga mata niya parang malungkot at may bahid ng pag-aalala. Nagaalala ba siya? Utot mo Al. Si Miya magaalala sayo wala naming puso yan. Sabi ng isip ko. “Okay na ko, uwi na lang ako pasensya na”. I don’t know but it comes naturally sa akin na nasabi ko na ng paumanhin kahit hindi naman talaga kailangan. Bumangon na ko at binayaran na ni Miya yung hospital bill. Mukhang barya lang sa kanya iyon, I wonder kung magkano baon niya sa isang araw? Ako baon ko lang sa isang araw 20, tipid tipid kapit sa libre, minsan tubig tubig na lang maibsan lang ang gutom. “Sa susunod huwag ka ng maging superhero ha, I mean I’m that strong at kaya kong labanan ang mga taong iyon”. Pagyayabang pa niya. “Ok I get you”. Sabi ko sa kanya. Tapos kinuha ko na yung bike ko. “Wait your riding that on your way home? Tanong niya. “Wala naman sigurong masama kung nakabike lang ako, sabi mo nga mind your own business. Huli na ng malaman kong nasagot ko siya, pero may satisfying moment nung nakita ko siyang nairita. Wala naman kami sa loob ng F.A somehow ang brave ko doon. “Ihahatid na kita sainyo, since I owe you”. Medyo nahihiya pero cute na sabi niya. Anong cute? Umayos ka Al yang babae sinasabihan mong cute ay tigre. Ingat ingat ka. Teka totoo ba naririnig ko nag offer siyang ihatid ako. Sabagay kaya nga nabasag ang nguso ko dahil din sa kanya. Tumingin ako sa kanya on my disbelief. This mukhang 11 years old girl offering me a ride? What a miracle? “Hindi na kaya ko naman”. Saka kailangan kong dumistansya sa kanya baka mawala ako sa F.A pag kumabit pa ko sa kanya. Okay ng natulungan ko siya. Bigla kong nahilo, may after math pa din ang suntok ng loko na yun? “See huwag kang magpakastrong dyan, I insist saka parating na din yung driver ko saan ka ba nakatira?” nagaalala niyang sabi pero may bahid ng gigil. Hindi na din ako nagprutesta at ako ay sumakay na sa car niya. Nilagay sa trunk ang bike ko bago umalis na kami Ang bango ng kotse amoy bago, May driver pa siya, sana all. Hindi ako nakatingin sa kanya dahil ayaw kong makipageye to eye contact sa kanya baka kasi malamon ako ng tigreng ito at maging huli na ang araw ko sa FA, pero sa gilid ng mata ko nakita ko na tahimik at malungkot siya. Ano kaya iniisip niya? Kinagat ko ang aking labi sa stupid question na yun? Bakit ko gustong malaman? Wala kang pakialam Al. Sinalubong ako ng ni Cj pag baba ko sa kotse, ni hindi na siya dumungaw sa salamin kumaway pa ko sa kanya. Pero bakit ng aba ko kumaway? Pero hindi na siya tumingin sa akin. Somehow pahiya konti sinampal ko ang sarili ko. What a nerd you are Al- I told myself. “Kuya, girlfriend mo? Nice”. Amusing na sabi ni Cj. “Anong girlfriend hindi ah..” Sabi ko na todo tanggi. Inangat ko ang mukha ko upang tumingin sa kanya. Girlfriend? Hindi oy!-sabi ko sa isip ko. “Ano nangyari sayo kuya bakit may bandage ka sa ilong mo? Saka putok yang labi mo mukhang si Niki minaj?”. Nag-aalala pero mapangasar na sabi nito sa akin. “Saka grabe sa pagka defensive ah?”. Alam niyang di ko pala away na tao. Pero gusto ko siyang kaltukan sa mga oras na iyon. “I just help a friend..” Friend? Baka enemy sa isip ko. Nag-alala si Mom kung napano ako. I told them na okay lang ako, never naming nilang nakita na nakipag-away ako. Nasabi ko din sa kanila namagiging representative ako ng section namin sa quiz bee. “Good yan anak”. Sabi ni Dad. Habang kumakain kami sa dinning room namin. Lakas makamayaman dinning room. Nakasanayan namin talaga na sabay-sabay kumain ng dinner. Dito kasi kami nag-uusap. Dapat naman talagang nag-uusap and Dad establish that parenting to us. Masasabi kong napakahands on ng tatay ko sa pamilya namin. I thank God for the lives of our parents. Hindi madami at hindi laging masarap yung ulam namin sa araw-araw pag nakakubra si Dad sa work niya bilang construction worker may fried chicken kami o liempo sa hapag kainan. Ngayong gabi ay itlog ang ulam namin bawi na lang sa kanin at ketchup. May times na hindi namin nakukumpleto ang meal sa isang araw. Sometimes we skip breakfast, lunch pero hindi ang dinner. Family time kasi ito. Pero pinagpaguran ito ng aming Ama. He provide for us. Alam kong his trying his best tlaga sino ba naming Ama ang gustong mahirapan ang pamilya niya. “Pero hindi ko alam Dad kung makakaya ko”. Sabi ko pa sa kanya. Bago ko sinubo ang kaning may kapirasong itlog. Nagtinginan silang dalawa ni Mom. “Anak, hindi ka bibigyan ng ganyang task kung walang tiwala sayo yung tao. Mr. Tibayan trust you and he knows your potential anak. Don’t hold back”. Sabi niya sa akin. I was touched at pinipigilan kong maiyak. “Tama si Mom mo. Trust yourself anak. Huwag kang matakot sumubok ng mga bagay kahit pa bago lang sayo. Your still young and explore things anak that will help you grow.” Dagdag pa niya.   “Kaya mo yan kuya, tiwala lang sa sarili kailangan mo”. Sabi naman ni Pj. “Suportado ka namin Kuya” Sabi naman ni Cj. “Kuya,” Sabi ni Hope. I was waiting na magbigay din siya ng encouraging words akin. “Kuya, kakainin mo pa ba yan? Akin na lang”. Sabi pa niya habang nakaturo sa medyo Malaki pang portion ng scrambled egg na nasa plato ko. Alam niyang hindi ako tatanggi. Kay binigay ko. “Anak Hope wala ng ulam si Kuya mo”. Sabi ni Mom. “Hayaan mo na Mom”. Nakangiti kong sabi. “Naku, kaya ang taba mo dyan Hope e.”. Asar ni Pj dito. Nagtawanan ang lahat. Pero walang paki itong si Hope basta makakain siya. After the meal hinugasan na ng kambal ang mga pinggan, kutsara at baso. Nakatoka kasi kami kung sino maghuhugas. Wala naman kaming katulong kaya equally distributed ang gawain sa bahay. Sinanay kami sa gawaing bahay nila Mom. Kaya likas sa amin ang maging malinis sa bahay. Part na siya ng daily routine namin sa bahay. Nakapaskel din kasi ang schedule kung sino nakatoka sa paghuhugas ng plato shifting sched kami. MWFSun ang kambal at TTHS ako. Nakatoka sa pagwawalis naman si Hope. Sa pag-iigib din hindi naman kasi kami nawasa kaya kailangan pa naming makiigib sa kapit bahay. Kaya importante talaga ang tubig sa amin. Tulong tulong din kami sa paglalaba ng mga damit. I mean hindi naman madami ang damit namin. We just have one pair of uniform na wash and wear. Everyday kaya nga mas mabilis na magfade ang pants ko. Mahal kasi ang isang set ng uniform sa school. Hiniram ko ang phone ni Dad at nag text ako kay Sir Tibayan tinanggap ko na ang proposal niya. Kahit alam kong nailista na niya ko. So nagconfirm na lang ako. OK SEE YOU TOMORROW, GOOD LUCK KAYANG KAYA MO YAN. I also texted Fred and he was so excited. May family gathering sila coming from a family of doctor napaka busy nila. Kinabukasan sa school… After ng Coaching session namin ni Sir Tibayan for Science Quiz Bee, pinatawag ako sa principal’s office. Napaisip na naman ako kumbakit na naman ako pinapatawag kung kelan nasa sophomore na ko saka ako palagi na cacall out. Anong nangyayari sa mundo? Principal’s Office.. Mr. Mabagsik Come sit down Mr. Adriatico. Yaya nito sa akin. Sir, may ginawa po ba akong mali? Tanong ko sa kanya. Tumawa eto. Kinabahan ako. I mean kapag nacall principal ka ibig sabihin may malala kang nagawa. “Maupo ka iho, Wala naman you’re a good kid.” Sabi pa nito at binigyan niya ko ng tea. Hindi naman ako mahilig sa tea ayaw ko ng lasa nito at amoy. Amoy dahon pakiramdam ko kambing ako kapag uminom ako. Pero since inoffer sa akin at ayaw kong maging magaspang ang paguugali ko at principal pa namin siya. Tinanggap ko na. Good luck stomach. “Thank you Sir”. Sabi ko tapos tinikman ko ang tea halos masuka ako. Pero pinilit kong nageenjoy ako sa iniinum ko kay kahit mainit ay inubos ko. “I didn’t know for your age na mahilig ka sa tsaa”. Impress niyang sabi sa akin. Pero hindi niya alam na halos masuka na ko. Binigyan niya ulit ako at tumigil ang mundo ko ng ibuhos niya mula sa maliit na lalagyan ang tsaa. Kinuha ko ulit yung tasa at nagkunwaring umiinom. Hindi ko na iinumin ito no way.  Sama ng lasa! “Well, Mr. Adriatico the reason why I call you here is that I’m going to tell you a great news”. Tuwang tuwa pa niyang balita sa akin. Ano bang gustong sabihin ni Sir, binibitin pa niya ko. Kinakabhan na nga ako “Pinatawag niyo ko Sir because?”. Tanong ko sa kanya. Tapos kunwari uminom ng tsaa. “You’ll be a private tutor”. Sabi pa niya sa akin. Naibuga ko sa kanya ang tsaa. “Po? Bakit po ako? Sorry Sir”. Tanong ko na hindi makapaniwala sa sinabi ni Sir tapos nabugahan ko pa siya. Nakainum din ako ng kaunti buti na lang konti lang nainum ko ng mapait na tsaa. Natakot ako dahil baka matanggal ako sa F.a dahil sa nagawa ko. Kumuha ng tissue si Sir Mabagsik at pinunasan ang mukha niya. “It’s okay, alam kong nabigla ka iho”. Sabi pa niya habang natatawa na parang naiinis somewhere in between. Is he joking? Ako tutor I mean nung summer nagtutor ako ng kapit bahay namin as part timer. Pero grade 3 kasi iyon basic lang ang tinuro ko.  Pero paano niya nalaman? “Someone recommended you, you have been tutoring for quite some time, I think mas magandang ikaw ang magtutor sa kanya. Sabi pa ni principal. Iniisip ko kung sino ang nagsabi. Wala akong ibang pinagsabihan kundi si Fred. Napahawak ako sa noo ko nung kabi nagsabi siya sakin. FRED: BRO SORRY HA AL: BAKIT NAGSOSORRY KA FRED: BASTA SORRY Iyon pala ang ibig sabihin ng sorry niya parang gusto kong kutusan bigla si Fred. Kaya pala nagmamadaling umuwi. “Sakto lang po sir, for part time po yun. Pero hindi ko po sure kung majujustify ko po yun”. Again umiral na naman ang pag ka negatron ko. “I have been hearing a lot of recommendations from your teachers, well mukha ka ngang geek. Besides I have already read your articles and you are quite impressive. Never thought na ang mga likhang iyon ay ikaw ang gumawa. Excuse me ha, huwag mong mamasamain di lang ako makapaniwala. Sabi pa niya na medyo sarcastic ang dating sa akin.  I knew it dapat ang isang matangkad na tulad ko ay nababagay sa sports hindi sa pagsusulat. Iyon ang gusto niyang iparating nung tingnan niya ko mula ulo hanggang paa. Sino po ba ng kailangan itutor? Sabi ko kay Mr. Mabagsik. Si Miya Moto… Parang naeecho pa sa ears ko. What the? Ayoko na ngang makita ang taong ito tapos ako pa ang magtuturo? Seryoso po ba kayo Sir? Tanong ko sa sobrang di makapaniwala sa balita niya. I mean that mukhang 11 years old na tigre at ayaw ko ng iexplain ang pag ayaw ko na maging tutor ni Miya.  Nakapagdecide na nga akong I will never let myself get involve with her. Pero ito ako ngayon magiging tutor niya. Pero mapaglaro ang tadhana. Akala ko last na yung naging superhero ako sa kanya? Worst nightmare! Baka banungot ito gusto ko ng magising? “Yes I’m serious”. Sinagot niya ang tanong ko. Pero nakita niyang medyo skeptical ako. Nabasa niya ang expression ng mukha ko. “Iho nagtanong na ko sa iba and they let down the proposal you were our last hope”. Sabi pa nito na hinawakan pa ang kamay ko. “Wala kasing gustong magturo sa kanya. I think ikaw na ang pinaka best. Don’t worry with pay ka naman at request din ito ng mga magulang niya. Sabi pa nito. “Pwede din pong tumanggi?”. Sabi ko. “Nakikiusap ako saiyo Mr. Adriatico, to save of course our school. Huwag kang magalala hindi naman ito malalaman ng iba”. Sabi pa nito na hinigpitan ang hawak sa mga kamay ko. “Pero Sir, sobrang bagsik po ng taong ito, makikinig po ba siya sa akin?”. GUmagawa na ako ng excuse para hindi ako ang piliin. Tama na yung isang beses na niligtas ko siya. May kinuha siyang folder at ibinigay sa akin. Kahit lito pa ko sa mga nangyayari binuksan ko iyon. Naglalaman ito ng proposal for me to accept being a tutor of Miya. Nakalista doon kung ilang days ang tutor ko kay Miya. 10 days and 3,500 ang isang araw dahil siguro lahat ng subjects itutor ko maliban sa P.E. Nakita ko din ang report card nito. Natawa ko ng bahagya. Naisip ko for 10 days 3, 500 x 10= 35, 000 din ito. Ang laki. Parang barya lang ito sa kanila for sure. Makakatulong ito sa pamilya ko. Ang tapang nito ang galing sa sports pero kulelat sa academics? May kinuhang sobre si Sir “Oh paunang bayad, pagnatuto si Ms. Miya at tumaas ang kanyang mga grades dadagdagan pa yan”. Sabi pa nito. Nang makita niyang namilog ang singkit kong mga mata.“So are you in or are you out?”. “Kailan magsisimula Sir?”. Sabi ko sa kanya ng kinuha ko ang sobre. Kahit hesitant ako nanguna ang pamilya sa isip ko. Malaki ang maitutulong ko sa pamilya ko. Mukhang magiging masarap ang ulam namin. “Monday, it’s good working with you Mr. Adriatico. I’m looking for good I mean best result”. Sabi niya sa akin bago ako kinamayan. Umalis na din ako dahil nakaramdam na ko ng sakit sa tyan mula sa tsaang pinilit kong inumin. Nagaalburoto na siya kaya’t mabilis kong tinungo ang CR at inilabas lahat ng dapat ilabas. I shook my head on disbelief. Ano bang nangyayari una sa Science quiz bee ngayon naman tutor? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD