Do you feel my heart beating?
- Eternal Flame by The Bangles
Mabilis naming tinungo ang 4th floor para makapaghanap ng cellphone. Pasuko na kasi ang cellphone na gamit ko. Madami dami din ang napagtanungan ko. Si Miya naman palaging sinasabi okay na yan, kaya lang mahal nung napipili niya. Hindi naman ako mahilig sa mga mamahal na gamit, basta matagal yung battery at pwedeng pang gaming okay na. Madalang din naman akong magpicture.
“Magkano ba budget mo? Tanong sa akin ni Miya.
“Mga 5,000-7,000k ganyan”. Sabi ko pa sa kanya.
“May napili ka na ba? Tanong niya ulit.
“Medyo nagdedecide pa ko”. Explain ko.
“Tara punta na tayo sa apple store”. Sabi niya pa.
“Mahal ng Iphone”. Sabi ko pa sa kanya.
“Utang ka muna sa akin, para naman sulit yung bili mo. Saka maganda ang quality ng Iphones.” Sabi pa niya.
Sa isip ko sayo kasi afford mo sa akin its too much, I just want a phone not an expensive one.
Year 2011- kasalukuyan… release ng Iphone 4s.
I was shocked about the price, P28, 556 saan ako ng pera na iyan? I keep resisting her offer. Para bang I sold my soul to the devil ang darama nito.
NOTE: Lahat naman ng cellphone brand maganda, depende lang din sa user kung paano niya gagamitin yung phone na bibilin o nabili na niya.
“Babayaran mo din yan, hindi yan libre sabi pa niya. Inilabas ang gold credit card niya, bumili din siya ng kanya. Nabawi na din niya yung kanyang Black yung akin sa kanya ay white naman. Like maniniwala kayo yung cashier mukha naman kasing minor de edad pa etong si Miya but she is 5’6 at ako naman ay nasa 6’1. Kaya mukha naman kaming 18 above.
Sa totoo lang ang hawak kong pera ay 10,000 pesos. I still have 18,556 pesos na utang from Miya, mukhang marami akong sasalihang laro sa Christmas reunion namin, kakalampagin ko na din ang mga ninang ko para makapagipon.
Kumain na din kami sa isang sushi restaurant. Treat daw niya dahil natapos na ang kanyang 10 days na pagtutor ko sa kanya. Sa totoo lang hindi talaga ko kumain ng hilaw na pagkain, pero dahil nga sa libre niya ay umoo na ko baka sabihin na naman niya sa akin. “To refuse an offer is an insult”. Sinabi niya sakin yung mga variaties. Kung ano ang sushi, sashimi, California maki etc. Sabagay may lahi kasi siyang Japanese kaya di na ko magtataka kung mahilig siya dito. Sinikap kong magustuhan, pero hindi ko talaga trip ang lasa ng mga pinagkakain namin. Parang hindi ako nabusog sa pagkaing kinain namin.
Buti naman ay may natabi ako kahit papaano para pang pasalubong ko sa bahay. Bibili ako ng prutas, nakita yun ni Miya at natuwa siya kaya dinagdagan niya yung binili ko, pasalubong ko daw kina Dad.
Nakakahiya dahil ang dami na niyang binigay sa akin, someday pagnakahanap na ko ng maganang trabaho at Ibless ako ng Lord na maayos ang sahod maililibre ko na din ito si Miya. Kahit pa kaya niya at may pambili siya. I think mas maigi na bilang lalaki maglalabas ka din ng pera. I know its not a date its just a treat but I will remember this day.
Kinabukasan… Exam Day
Nakapagreview naman ako pero iniisip ko kung makakapasa ba si Miya?
Natapos ang Wednesday and Thursday na exam.
AL: Kamusta ang exam kanina?
MIYA: Medyo mahirap XD
MIYA: Sana hindi ko malimutan ang lahat
AL: Kaya mo yan last subject na tumuro at checking papers na.
AL: Kaya yan…
Fred: Uy, Bro sinong ka text mo jan?
Al: si Miya, tinanong ko kung okay lang ba yung exam niya.
Wala akong tinatago kay Fred, I treat him as brother na talaga. He is close with my twin brothers na sina PJ and CJ. Sila nga yung madalas magbasketball ako taga nuod lang. He knows that I have been tutoring Miya for the past 10 days.
Fred: mukhang iba ngiti mo ah? Crush mo na siya?
Al: halah, hindi ah.. di ba pwedeng magkaibigan kami. Kapatid mo pa din ako.
Fred: Solid ka talaga sa kapatid ko no? kung meron lang award sa mga taong loyal kahit walang label siguradong nanalo ka na. Baka recommend pa kita.
Nagtawanan kaming dalawa. Pero parang defensive ako kanina. Hindi naman sa choosy ako at hindi ko din magustuhan ang isang Miya Moto I mean she’s not that girly type na katulad ni Nadine. Siguro sa iba maiintimidate sa kanya pero pag nakilala mo siya andoon yung beauty na hindi mo agad mapapansin unless sadyain mo talagang kilalanin. Nanggaling na din sa kanya na we are now friends. We are indeed friend. A friend….
Kinabukasan…
Natapos na ang last subject ng exam at nagsimula na kaming magcheck ng mga papers namin.
Chelsea: uy, anong sagot mo sa 16? A ba yun?
Andrea: B yun shunga, sinabi mo nga kanina nung nagrereview tayo.
Chelsea: halah, wala na mali na ko. Shunga ko naman nalito kasi ko.
Barron: Damot nito ni Allan ei, di man lang ako pinakoya samantalang dami niyang na kopya sa akin.
Allan; di ko nga alam yung no.26 ei. Wala talaga kong sagot doon.
Fred: Medyo nakakalito yung Test III, chronological order pala yun?
Al: oo nga ei, dapat binabasa talaga pati direction.
David: uy, Al nasagutan mo ba ang lahat ng question sa exam?. Siya yung top one namin since 1st and 2nd grading. Lagi siyang nakikipagkompetensya sa akin. He had that famous hair of Jose Rizal, yung one sided lang. He had that thick glasses and braces on his mouth both upper and lower teeth. He came from a family of Doctors. Kaya pressured talaga and he need to be always on the top.
Al: Basta nagsagot lang ako ayon san a review ko.
David: good for you, pero 2 weeks ago pa ko nagreview…
Al: mabuti kung ganoon, ikaw na DAVID PANG MALAKASAN! Biro ko pa dahil sa kapreskuhan niya.
Fred: (Slow clapped si Fred) we don’t want to be bully pero maliit kasi ang kanyang tingin sa mga tulad naming hindi niya kapantay ng brain cells.
Ngumisi eto saka tumalikod sa amin. He doesn’t have any friend din. Nainis siya nung ako ang napili na magrepresent ng quiz bee sa science. Samantalang siya naman ang napili sa Math, English at History.
I’m not the top one sa section namin but I definitely pass all my subjects. Next week ay ipopost ang pinaka over all na grades namin sa lahat ng subjects namin. Sabi ko nga hindi ako sanay sa recognition masaya ako sa tagumpay ng iba. Ang gusto ko lang ay maipasa lahat ng subjects ko at manatili sa scholarship program para maipagpatuloy ko ang pagaaral sa FA.
Lunes…
Nalagay na sa bulletin board ang mga rank naming mga sophomore out of 120 students (4 sections).
David Imperial--------------------1st Rank 98.25%
Psalm Adriatico-------------------2nd Rank 98.18%
It was just point 7, David is having a fit he doesn’t like someone who will be the same as his grade.
Nadine Lim-----------------------10th Rank 92.65%
Alfredo Lim----------------------26th Rank 88%
Hinanap ko si Miya kung nakapasa siya, I strated at the lower but I didn’t see her name. I’m worried sick, may natutunan kaya siya sa mga itinuro ko?
Moto…Moto….
Gosh, from 10 down to 76 na hinahanap ko pa din ang name niya.
“Si Bryan, talsik na dito sa school nagtransfer na sa ibang school. Student 1
“Bakit daw?. Student 2
“Hindi pa malinaw ang dahilan, pero nakabangga niya yung grupo nila Miya”. Student 1
Narinig ko ang usapan nila, si Bryan ba yung may gusto kay Nadine anong kinalaman naman ni Miya kay Bryan? Ang weird hindi ko na lang pinansin ang mga chismaks ng mga schoolmate kong wala atang inatupag kundi magchismisan.
Magkasama kami ni Fred na umupo sa isang bakanteng lamesa, at umupo na kami para kumain ng lunch. Whole day kasi ang pasok namin from 8:00-4:00pm.
“Grabe talaga ang grupo nila Miya, kala ko naglilow na sila, mababangis pa pala”. Sabi ni Fred.
UNTAMED GANG
Miya: as the leader of the gang.
Pat “Patricia Gonzales” kanang kamay ni Miya, Minsan nagkaclash sila nito. Kapatid niya si Lance yung varsity ng basketball. Sophomore
Rach “Rachel Mendoza”. Balimbing sa grupo nila. Somehow nararamdaman kong may tinatago siya, one time nakita ko siya sa isang restaurant doon siya nagtatrabaho. Nagsisinungaling siya sa totoo niyang katauhan, Maybe she is just too scared to admit na mahirap ang pamilya nila. Bakit niya ikakahiya? Dahil ba ayaw niyang mapahiya? Freshmen.
B “Brix Agathon” Captain ng soccer team, Junior na siya kaya hari-harian.
A “Adrian Morales”. Computer whiz ng grupo. Sophomore
C.B “Charlie Boy Cuevas”. Kasama sa varsity ng basketball sa team nila Lance. Boyfriend ni Pat. Sophomore.
They are like kings and queens sa loob ng F.A. Palibhasa ay mayayaman at kilala ang kanilang pila. They are actually bully.
“Miya, manuod ka ba ng practice namin? Yung ibang gang manunuod?” Sabi pa ni B.
“Oo nga Miya, wala ka naman atang gagawin?”.Sang-ayun ni C.B.
“May ibang plano kasi ko, sa susunod na lang need kong makauwi”. Dahilan ni Miya. Bago mabilis etong nagpaalam sa grupo. Sinundan naman siya nila Pat at Rach.
“Bakit hindi ka pa kasi magsabi kay Miya, na gusto mo siya next year pa graduate ka na baka di mo na magawang masabi sa kanya.” Sabi naman ni A.
“Oo nga, ang daming nagkakagusto sayo tapos si Miya pa din?” Dagdag pa ni C.B.
The reason why B join the gang is that he is attracted with Miya, mga isang taon na din, kasi sa lahat kasi ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Eto lang ang walang kagusto gusto sa kanya.
“I don’t want to ruin our friendship” Malungkot na sabi ni B.
Samantala…Nagtext si Miya kay Al.
MIYA: May gagawin ka ba later? Celebrate natin ang pagpasa ko. Meet me sa gate later.
AL: Kain kami sa labas ni Fred with Nadine.
Parang may sumaksak na punyal sa puso ni Miya sa pagkabasa sa pangalan ni NADINE. May kaunting inis. Is she attracted to Al at bakit naman siya makakaramdam ng inis. Inaano ba siya ni Nadine? Pero may something na talaga sa nararamdaman ni Miya. She treated Al as a friend pero iba sinasabi ng kanyang nadarama. Pinalis niya iyon at ayaw niyang ientertain, She told herself that she will not fall in love sa ordinaryong tao. She is a Moto and she must be with someone na wealthy din. Besides she is just 14. Bukod sa matangkad na siya na bata pa lang ay hindi pa siya nagkakamenstration, hindi dahil sa buntis siya or what (wala din naman siyang jowa since birth) late bloomer siya. Iyon ang isa sa mga sikreto niya. She felt her body is abnormal. Undeveloped pa ang kanyang breast, kaya flat is flat. Hindi pa nga siya nagdadalaga. Kaya siguro ganoon siya ka careless.
MIYA: ganoon ba? Sige enjoy J
Al: Thanks, ikaw din J J
The reason behind Bryan’s issue.
Flashback before the school play.
Miya’s POVs
“Hoy, kapre huwag mong sirain ang karakter na pinaghirapan ko, huwag ka sanang magkalat sa stage mamaya.” Asar nito kay Al. Bakit hindi ba lalaban etong si Al, ang tangkad niya kung tutuusin pwede niyang ibalibag etong kutong lupa na eto. Teka nga at sasapakin ko muna….
“Hey, Bryan why are you so rude?” Sabi ni Nadine. “I didn’t mean it Nadine, I’m sorry”. “Not to me, but for Al. Go say sorry to him”. Sabi pa ni Nadine kay Bryan. I was pissed off about this girl infront of me. Unlike Miya, Nadine already hit her puberty she is really pretty wearing the costume of Snow White.
“Sorry… Sabi niya, pero mukhang napilitan lang.
After that day ay pinuntahan ko si Bryan upang turuan siya ng leksyon.
“Bryan…” Tawag sa kanya nila B.
“Kuya B, anjan ka pala” pero ramdam ang nginig sa boses niya.
Saka lumabas si Miya at nanlaki ang kanyang mga mata a takot.
“Mi-miya?’. Sabi pa niya.
“Madami ka ng atraso sa akin?” Malalim ang tono ng boses ni Miya.
“A-ano-ng gi-gi-na-wa ko?” .Gilalas niyang sabi.
Bumulong si Miya. “Get out of this school or else your going to suffer in my hands. Don’t you dare touch Adriatico, don’t you dare insult him.” Sabi pa niya. Bago siya bumilang, “Isa, dalawa, tatlo”. Bago siya magpang-apat ng bilang ay tumakbo na eto papalayo.
Kinatatakutan ang grupo nila Miya sa School, dahil na din sa sila ang pinaka mayayaman na nagsama-sama, sikat at mayayamang anak. Si Miya pala ang dahilan ng pagalis ni Bryan sa F.A. Pero hindi iyon alam ni Al.
Nadine was there to defend Al infront of him while at the back si Miya naman ang nagtanggol sa kanya.
Meanwhile…
Kinakabahan na naman si Al dahil kasama niya ngayon si Nadine. Kumain sila sa labas at nagkwentuhan, Tinitiggan lang ni Al si Nadine buong oras. Nakikinig siya sa kanyang mga kwento. Mga pangarap nito anong kursong kukunin sa kolehiyo. She is just like a dream to Al, indeed Nadine was out of his league. It’s too impossible to love a star like her.
Ang daming pumoporma sa kanya sa school pero wala siyang ineentertain naka focus siya sa studies at theatre play niya.
Al’s POVs…
She knows what she want, mukhang walang makakaagaw doon. And that’s make me like her that much. Marami pa kong patutunayan.
I mean I’m from a poor family I was blessed enough to have Fred as my friend pero hindi naman pwedeng kapit lang ako sa kanya. I should strive harder than them. Sila na walang problema sa kanilang future.
I’m doing my best to get myself to college. Bilang panganay sa apat na magkakapatid kailangan kong magpagal at magdoble ng pasisikap with or without recognition.
I’m doing this for myself and for my family. Someday titira din kami sa sarili naming bahay na hindi namin kailangan problemahin yung baha kapag umuulan, na hindi papasukin ng tubig baha yung bahay namin kapag malakas yung bagyo.
Na hindi na masisira ang gamit namin dahil lumubog sa baha. Those are my dreams for my family. Kaya sa abot ng makakaya ko magsisikap ako.
Hindi naman permanente ang trabaho ni Dad, samantalang si Mama ay nag A-avon naman at gusto ko siyang tulungan sa abot ng aking makakaya.
PJ and Cj are both doing good din sa kanilang studies pati na din si Hope. Madalas kaming pagsabihan sa Mother side namin huhusgahan kami na wala daw kaming mararating sa dami namin. Our lala never liked us, sa totoo lang mayaman sila mama.
Pero pinili niyang maging simple ang buhay when she chose dad over wealth.
Minamata kami ng sarili naming mga kamag-anak. Bakit yung mga kadugo mo pa ang siyang nagdodown sayo.
Sila yung hahatak pababa, I remember nung nagkasakit si Hope Mom asked for my auntie’s help but she refused to help her.
Kasalanan niya daw kung bakit nagkaganito ang buhay niya.
Kung nakinig lang daw siya hindi maghihirap ang pamilya niya.
Kaya sinabihan ko ang mga kapatid ko while we are growing up sa kabila ng panlilibak ng aming mga kamag-anak, magsusumikap tayo.
May awa ang Diyos at hindi tayo forever mahirap.