*
"Manong, para po!" Sigaw ko nang makitang malapit na ako sa kanto namin. Kaagad namang huminto 'yon at kaagad rin akong bumaba.
Kagagaling ko lang sa school para sa pirmahan ng clearance. Tapos naman na ako at makakapag-pahinga na sana, kaso, naalala ko si mama. Siguradong nasa palengke pa 'yun! Dapat pala ay doon ako bumaba! Tsk!
Ibababa ko muna 'tong mga gamit ko bago pumunta sa palengke. Magpapalit na rin ng damit dahil napawisan rin ako kanina dahil sa sobrang init.
Dumiretso na ako ng lakad patungo sa lugar namin. Malapit lang naman ang bahay namin sa sakayan kaya hindi naman masyadong hassle. Binati ako ng iilang kapitbahay at kaibigan, binati ko rin sila at nakipagusap saglit bago tuluyang dumiretso sa bahay.
Maliit lang ang gate namin kaya kitang-kita ko kung sino 'yong nasa loob ng bahay at bakuran namin. Naabutan ko ang dalawang kapatid ko sa may balkonahe. Naggigitara si Ryu, ang pangatlo kong kapatid at pikit-matang mahinang kumakanta.
Naglalaro naman ng buhangin ang bunso naming kapatid na si Cia sa labas ng bahay.
Nang binuksan ko na ang gate ay mabilis na lumingon si Cia sa akin at masayang ngumiti, "Unnie!" Sigaw niya nang makita ako at kaagad na tumakbo palapit sa akin. Ngumiti ako at bahagyang lumuhod para magpantay kami.
Niyakap niya ako ng mahigpit bago humiwalay at ngumiti ng matamis, "Unnie! Namiss ko po ikaw! Hihi!" Aniya.
Ngumiti rin ako at hinaplos ang madungis at matabang pisngi ng kapatid ko at inayos ang magulo niyang buhok, "May pasalubong ako sayo!" Maligaya kong utas.
Kitang-kita ko ang pag-ningning ng asul niyang mga mata niya at paglaki lalo ng ngiti niya, "Talaga po, unnie!?" Tuwang-tuwa niyang tanong. Nakangiti akong tumango bago ko kinuha ang bag ko at kinalkal para sa pasalubong ko sa kanya.
Anim kaming magkakapatid at obviously, iba-iba ang mga tatay namin. Trip yata ng nanay naming maka-tikim ng iba't ibang lahi eh. Kaya ayon!
Waitress noon si mama sa isang KTV bar. Pero, dahil maganda si mama, naging entertainer rin siya kalaunan. Doon niya nakilala ang tatay kong Koreano. Eighteen years old siya noon. First boyfriend at first time niya. Kaso, iniwan daw siya dahil ayaw daw ng parents sa kanya. Di niya daw alam na buntis siya non, nalaman niya na lang daw nung kain daw siya ng kain ng kanin na may gatas at asukal na hindi naman daw niya kinakain noon.
Si Mei, na kasama ni nanay sa karinderya ngayon, Chinese naman ang tatay niya. Nakilala rin ni mama sa bar. Two years old ako nang pumunta kami sa Beijing China. Dalawang taon rin kami doon bago kami biglaang umuwi rito sa Pilipinas. Binubugbog kasi nung tatay ni Mei si mama eh. Di na nakayanan ni mama kaya iniwan na niya. Binabalikan siya, nangangakong magbabago, pero, ayaw niya na.
Hanggang sa nakilala naman ni mama ang Hapon na tatay ni Ryuichi, 'yong naggigitara sa balkonahe. Dinala rin kami ni papa Ryuga sa Japan. Tinanggap niya kaming dalawa ni Mei bilang anak niya. Dalawang taon rin kami roon. Maganda roon, pero, iba pa rin talaga ang sariling atin. Pati, naghiwalay rin sila mama at papa Ryuga kalaunan dahil nambabae si papa Ryuga.
Si Samorn, 'yong pang-apat sa amin. Thai ang tatay niya, nakilala ni mama sa barko nong sumakay siya. Mabait naman sa amin si Daddy Chakrii. Palagi kaming may pasalubong at tanggap niya rin na may tatlo nang anak si mama. Sasama na sana kami sa daddy ni Samorn sa Thailand, kaso biglang ayaw na ni mama. Hindi sinabi ni mama kung bakit kaya hindi ko na lang rin tinanong. Biglaan rin kaming lumipat ng bahay at simula noon ay dito na kami sa probinsya nanirahan.
Noong dalawang taong gulang palang si Sam, bumalik ng Maynila si mama para magtrabaho kaya naiwan kami sa nanay ni mama na si lola Ara. Maganda ang naging trabaho ni mama sa Casino noon. Palaging maraming pera, palaging maganda ang mga damit naming magkakapatid at lahat ng gusto namin ay nabibili niya.
Pero, after a year, umuwi siya sa amin. Buntis na siya sa pang-lima niyang anak. Ayon sa kanya, Arabo daw ang tatay ni Yara. Ilang beses daw silang nag-jugjugan. Akala niya daw 'yon na ang para sa kanya, pero, after daw ng pang-anim na beses nila, nawala na lang daw ng parang bula. Pero, iniwanan naman daw siya ng sangkatutak na alahas at isang case ng pera. Kaya rin umuwi na siya sa amin.
Nakapagpatayo kami ng karinderya na siyang kabuhayan namin ngayon, bukod sa pa-sideline-sideline ko sa parlor ni ninang Ursula.
Na-broken-hearted si mama sa huli niyang jowa kaya sampung taon rin bago nasundan si Yara. Argentine naman ang trip ni mama. Businessman daw at nakilala niya sa Casino na pinagtatrabahuan niya. Ayon. Na-inlove na naman ang lola niyo, pero, bandang huli, luhaan pa ring umuwi.
May asawa na kasi 'yong hudyong tatay ni Lucia, kaya ayon. Hindi na rin sinabi ni mama na nabuntis siya dahil ayaw niya ring makasira pa ng relasyon. Kaya after giving birth to Cia, todo tanggi na si mudrakels sa mga suitors. Ayaw niya na daw at warak na warak na daw ang puso niya pati ang pepe niya. Ang lalaki raw kasi ng mga ano ng mga tatay namin, pero, 'yong tatay raw ni Yara ang may pinaka.
Natatawa at napapailing na lang ako tuwing naaalala ang mga kwento ni mama. Minsan, iisipin mong hindi totoo dahil palaging pabiro ang tono niya, pero, kung titignan ko kaming magkakapatid. Naniniwala na talaga ako.
Pinakita ko kay Cia ang isang pack ng Samanco, "Charaaaan!" Sabi ko sabay lahad sa kanya.
Tumili si Cia at tumalon-talon, "'Yong ice cream na isda!" Sigaw niya bago niyakap ako ng mahigpit at hinalikan ng ilang beses sa pisngi, "Thank you po, unnie!" Aniya sabay hagikgik.
Humiwalay siya ng yakap sa akin, kinuha niya ang pasalubong ko at nginitian ako. Madungis at amoy araw na ang bunso namin kaya sinimangutan ko siya, "Ang baho mo na, Cia!" Pangaasar ko.
Ngumuso naman ang bunso namin, "Si Onī-chan po kasi, unnie, hindi po ako pinaliguan! Kanta lang po siya ng kanta dyan tapos ngingiti mag-isa!" Nakanguso niyang sumbong sa akin.
Natawa naman ako sa sinabi ng bunso namin, "Sige. Papagalitan ko si Onī-chan. Lagay mo na muna sa ref 'yan." Utos ko na kaagad naman niyang sinunod.
Sinundan ko siya ng tingin bago sumunod sa kanya at huminto sa harap ni Ryū. Hindi maipagkakaila ang dugong Hapon ni Ryū. Di lang sa pangalan, kundi pati sa itsura. Kulot na buhok at ang kulay abo niyang mga mata lang ang nakuha niya kay mama. The rest ay kay papa Ryuga na. Pati ang talento sa pagkanta, kay papa Ryuga niya nakuha.
"Ryū," tawag ko sa kapatid ko. Kaagad naman siyang nagmulat at umayos ng upo.
"Noona," aniya, "Kanina ka pa ba nandyan?" Medyo antok niyang utas.
Huminga ako ng malalim, mukhang puyat na naman 'to kagabi, "Hindi naman," sagot ko, "Hindi mo raw pinaliguan si Lucia?" Tanong ko.
Ngumisi siya at napakamot sa ulo, "Nakalimutan ko, Noona. Pero, paliliguan ko na rin." Aniya bago binaba ang gitara at tumayo. Yumakap sa akin saglit bago dumiretso na sa loob para paliguan si Cia.
Umiling-iling na lang ako bago pumasok sa bahay, dumiretso na sa kwarto para mailapag ang mga galit at makapagpalit na rin ng damit. Nag-maong shorts lang ako at black na v-neck t-shirt.
Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Yara na nagtatanggal ng sapatos, kauuwi lang rin galing school. Nang makita ako'y kaagad na sumalubong sa akin ng yakap, "Unnie!" Bati niya bago ako niyakap ng mahigpit, "Punta ka kila mama?" Tanong niya.
Tumango ako, "Oo. Tutulong ako sa kanila para hindi naman sila masyadong mapagod." Ani ko.
Tumango naman siya, "Sige pala, unnie. Magluluto na lang po pala ako ng hapunan para kakain na lang kayo paguwi niyo." Aniya bago ngumiti sa akin.
Ngumiti na rin ako at nagpaalam na.
Mabilis naman akong nakahanap ng jeep kaya mabilis rin akong nakarating sa palengke. Nakita ko kaagad si lola Ara na nagtitinda ng gulay sa tapat ng karinderya namin.
"Lola Ara," tawag ko bago tuluyang lumapit at nagmano.
Halata ang gulat sa mukha ni lola pagkatapos akong pagbigyan sa pagmano, "O! Chaerin, apo kong! Anong ginagawa mo rito? Hindi ba ay may eskwela ka?" Takhang niyang tanong.
Ngumiti ako, "Tapos na po, lola, tutulong po ako kina mama, Mei at Sam." Ani ko bago tumulak na rin.
Pumasok na ako sa loob ng karinderya. Kita ko kaagad ang kulot na buhok ni Samorn na abala sa pagbigay ng orders at ang maputing si Meilin na abala naman sa may counter. Parehong abala ang dalawa pero nagawa pa ring bumati sa akin nang tuluyan akong makalapit. Humalik sa pisngi ko si Mei at yumakap naman si Sam. Si mama ay nasa likod kasama sina ninang Ursula at ninang Morgana, nagluluto.
"Baka meron rin kami dyan, Erin." Hirit noong isa sa mga kumakain kaya nagtawanan ang lahat ng kumakain sa karinderya namin.
Umirap ako, "Isang malakas na suntok lang ang meron ako para sayo." Ani ko bago dumiretso na sa likod para makabati kina mama at sa mga ninang namin. Nagasaran pa ang mga mokong at nagtawanan na kaagad na pinatigil ni Samorn.
Nang makabati ay dumiretso na sa may cashier. Eksakto naman na may mag-te-take out kaya naging abala na rin ako.
Dalawang oras na rin ang nakalipas nang lumulukso-luksong dumating si Isang, 'yong pinsan kong hilaw na anak ni ninang Ursula, "Chaerinaaaa~" ani Isang niya nang makalapit na nang tuluyan.
Umirap ako, "Ano, Isang? Busy ako. Mamaya na lang." Pagtataboy ko sa kanya.
"Hindi! May sasabihin akong importante!"
Tinignan ko siya ng masama. Minsan lang 'to magkaganito kaya baka seryoso naman siya, "Ano 'yun?"
Ngumisi siya, "May solusyon na ako sa problema mo!" Maligaya niyang utas.
Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko.
Solusyon? Sa problema ko?
"Ano 'yun, Isang?" Interasado kong tanong.
Lumaki lalo ang ngisi niyan, "Halika na muna kasi!" Aniya kaya tinawag ko na muna si Sam para pumalit sa akin.
"Oh, ano 'yon?" Tanong ko kaagad nang makalabas kami.
Nagsindi ng yosi ang bruha bago nagsalita, "Naalala mo ba 'yong mala-MMK mong drama kagabi?" Pangaasar niya kaya tinignan ko siya ng masama. Nag-peace sign naman siya at ngumiti, "Sorry. Pero, ayun nga! CYSSSST!" Excuted niya biglang tili!
Napangiwi ako sa ginawa niya at napatingin sa paligid. Buti na lang at parang wala naman na silang pakialam dito kay Isang. Sanay na siguro.
"Di ba, namomroblema ka kung tutuloy ka pa bang mag-aral sa susunod na pasukan?" Tanong niya na ikinatigil ko, "Oh, pwes! May solusyon na ako riyan! At legal pa, kagaya ng gusto mo!" Mayabang niyang utas.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi palaging legal ang mga gawain nitong si Isang, kaya nakakapagtakha na legal itong sinasabi niya.
Kumunot bigla ang noo ko. Takhang-takha. Ano naman kaya ang trabahong sinasabi nito? Legal naman kaya talaga? Eh paano kung--
Bigla namang sumama ang tingin niya sa akin, "Hoy, punyeta ka! Alam ko 'yang iniisip mong p**e ka!" Iritado niyang utas, "Legal 'to! Promise!" Aniya.
Ngumuso ako, "Gaano ka-legal? At ano bang trabaho?"
Umirap siya, "Nag-we-waitress ka lang sa barko!" Aniya na para bang wala siyang sinabing nagpabigla sa akin.
Gulat na gulat ko siyang nilingon, "Hoy, Maria Isadora Mejia! Anong barko ang pinasasasabi mo riyan!? Hindi ba kailangan natin ng mga papeles dyan bago tayo sumakay--"
Humagalpak siya ng tawa, "Ano ka ba naman, Chaerin Margarette Min! Syempre hindi naman maglalayag 'yung barko! Sa isang lugar lang 'yon at hindi aandar! Lumang barko 'yon na ginawang hotel at restaurant! Maganda roon! At talagang kikita ka ng malaki!" Diri-diretso niyang utas.
Napalunok ako sa mga sinasabi niya. Nakakatakot ako! "S-sigurado ka?" Tanong ko
Umirap siya bago hinawakan ang siko ko, "Dai! Sa dalawang buwan mo roon, ipagsama mo ang magiging sahod mo at ang magiging mga tip mo, kahit isang taon kayong hindi magbukas ng karinderya!" Excited niyang sabi habang inaalog-alog ako.
Napanganga ako sa kanya, "I-isang... taon!?" Gulat na gulat kong tanong.
Tumango-tango siya, "Oo! Isang taon!" Aniya, "Naalala mo ba 'yung pinangbayad ko nung naospital si mamush? Galing 'yon sa isang linggong pag-we-waitress roon sa barko!" Dagdag niya pa.
Nanlaki ang mga mata ko, "Galing roon ang isang daang libong pinangbayad mo sa ospital!?" Gulantang na tanong ko.
Tumawa siya, "Yep!" Tuwang-tuwa niyang utas.
Kumunot ang noo ko at pilit na sinarado ang nakaawang kong bibig, "B-bakit parang... saan ba 'yan!?" Tanong ko.
She grinned at me, "Sasama ka ba?" Hamon niya.
Napaisip tuloy ako. Gusto kong sumama, pero, parang may kakaiba akong nararamdaman. Nagtatakha rin ako. Bakit parang masyadong malaki ang sahod? Anong meron?
Humalakhak naman siya, "Alas sais, eksakto, mamayang gabi, susunduin kita. Sabihin mo na lang ay kay tita Marj na sa amin ka matutulog. Hindi na magtatanong 'yon." Mayabang niyang utas.
Napapikit ako at napahilot sa sentido.
Ito na 'yon, Erin! Ito na 'yong matagal mo nang hinihintay! 'Yong mag-aahon sa inyo sa hirap! 'Yong makakapagpatapos sayo sa pagaaral! Magiging ganap na teacher ka na! Pwede ka ring mag-shift ng course kung gugustuhin mo!
I bit my lower lip and opened my eyes. Tinignan ko si Isang na naghihintay sa isasagot ko.
"Isang..." nagaalangan kong tawag sa pinsan ko.
Huminga siya ng malalim, "Ano, cyst? Sasama ka ba?" Tanong niya ulit, "Kung sasama ka, gandahan mo ang ayos mo mamaya ah? Mag-dress ka, kasi, kahit naman waitress ka, kailangan pang-mayaman na rin ang itsura mo. Para kunwari, nakiki-party ka rin!" Aniya bago humagikgik.
Tinignan ko siya ng masama, "Saan muna?" Mariing tanong ko.
Ngumisi siya, "Sagutin mo muna kung sasama ka, bago ko sabihin."
Sinamaan ko siya lalo ng tingin. Itong isdang 'to! "Sabihin mo muna kung saan." Hamon ko.
"Sagot ka muna." Hamon niya rin.
I gritted my teeth in annoyance, "Hindi ako sasama hangga't hindi mo sinasabi kung saan." Ani ko bago humalukipkip. Nagmamatigas.
"Isla de Diez Valero"
Kunot noo kong binasa ang pangalan.
Sa taas noon ay ang kanilang family crest na isang malaking kulay gintong shield na mayroong parang helmet ng isang medieval norse warrior. Sa magkabilang gilid ay isang puting leon at isang itim na kabayo. Sa gitna noong shield ay naka-ukit ang mga salitang hindi ko maintindihan at hindi ko rin mabasa kaya hinayaan ko na.
Sa paligid ng crest at kapansin-pansin ang mga sinag ng araw. Usually, walo lang ang sinag ng araw, pero dito ay sampu. Ipinagkibit-balikat ko na lang dahil wala rin naman akong maaasahang sagot dito kay Isang.
The resort looks so ancient. But, with all the lights and the shining cruise ship, it looked more like the future. May nakita pa akong mansyon sa di kalayuan.
Wait. Mansyon ba 'yon o palasyo!? What the hell!?
Parang isang compound ng mga mansyon 'yon! O palasyo? Jusmiyomiyomi!
Hindi ko alam kung ilan, pero, sobrang lawak ng lupaing sakop ng mga mansyon na 'yon! Dalawa o tatlong golf course yata! Basta! Grabe! Kitang-kita ko rin ang nagtataasang mga dingding at electric wires, pero, nalampasan pa 'yon nung mga naglalakihang mansyon!
Sa ngayon ay tatlo ang nasisiguro kong mansyon na nakatayo sa loob ng compound na 'yon!
Sobrang laki ng singkit kong mga mata habang tinitignan ang mga mansyon. Kahit na halos bubong na lang naman ang nakikita ko.
Narinig ko ang tawa ni Isang kaya nilingon ko siya, "Ganda no? Ganyan rin ako nung first time ko rito! Sobrang sosyal! May van pang susundo sayo kasi hindi mo malalakad sa sobrang layo ng resort!" Aniya sabay hagikgik.
Lalong naningkit ang mga mata kong singkit na nga. Itong bruhang Isadora na 'to, hindi man lang sinabi na pang mga hari at reyna pala ang pagtatrabahuan namin! At may naglalakihang palasyo, mga yate at dalawang napakalaking barko na parang gawa sa mga dyamante at sangkatutak na ginto! Nakakasilaw!
Edi sana nag long gown ako, diba!? Pero, kasi, sa party naman kami.
Pero, kasi, talaga eh! Parang nasa sinaunang panahon kami na parang nasa future! Ganon 'yung feels!
Ah, basta!
Ngayon ko lang naisip na baka tama nga si Isang. Na kahit isang taon kaming hindi magbukas ng karinderya ay mabubuhay kami.
Sampung libo, isang gabi! Saan ka makakakita ng ganoon!?
Puwera pa ang tip! At kung titignan namin ang barkong nasa tabi lamang ng hotel, nalulula na kami sa makukuha namin!
AT kung gusto rin naming mag-waitress sa umaga sa main hotel, pupwede rin at iba pa ang bayad roon!
Pero, ang gagang Isadora Mejia, may hindi sinabi sa akin!
Ang mga waitress daw pala ay pwedeng i-table at iuwi para sa gabi! Pero, depende na raw sa amin kung papayag kami. Aba! Nunkang papayag ako! Isa akong dalagang Pilipina na may dignidad at respeto sa sarili! Hinding-hindi ko hahayaang mawala 'yon nang dahil lang sa pera!
Nag-bus lang kami at nag-taxi na papunta rito. Halos tatlong oras ang layo sa amin kaya talagang napamahal sa pagbabayad si Isang. Hindi niya na kasi ako siningil at siya na raw ang bahala kaya pumayag na lang rin ako. Edi, nakatipid ako. Hehe.
Hindi ko masyadong makita ang paligid, bukod don sa mga mansyon sa b****a ng resort, dahil madilim na. Alas nueve trenta na ng gabi. Ang sabi'y saktong alas diez daw naguumpisa ang party sa barko.
"Erin! Tara na!" Tawag ni Isang sa akin bago ako hinawakan sa braso at hinila papasok sa lobby.
Automatic ang glass doors kaya diri-diretso talaga ang pasok namin. Maraming tao, pero, umaalis na rin papunta sa iisang destinasyon. Kitang-kita ang gintong barko sa left wing ng resort. Nakababa ang hagdan at maraming tao na ang umaakyat at papaakyat pa lang.
"Good evening, ma'am! Welcome to Isla de Diez Valero, where you can taste the paradise that's easy to enjoy, but, hard to forget." Ani ng babaeng nasa pintuan. Ngumiti siya sa amin at tinignan kami mula ulo hanggang paa, "Ang ganda ng kasama mo ngayon, Isang, ah?" Aniya bigla kay Isang na ikinagulat ko.
Nilingon ko si Isang na nakangiti rin sa babae, "Pinsan ko po, ma'am Karell, si Erin, mag-we-waitress rin." Ani Isang.
Lalong lumaki ang ngisi nung ma'am Karell bago ako tinignan muli, "Yayaman ka rito, Erin, maniwala ka sa akin." Aniya bago tumingin sa likod namin.
Hindi ko alam kung bakit ako kinilabutan sa sinabi niya sa akin, pero, hindi ko na lang rin pinagtuonan pa ng pansin. Lalo na dahil may tumawag pa kay Isang na pati ako ay napalingon.
"Isadora! You're back!" Anang isang baklang maton. Malaki ang katawan nito, kalbo, pero, sobrang kapal ng make-up, naka-kulay pulang dress at mayroon pang mabalahibong balabal sa leeg. Kumunot ang noo ko sa itsura niya, pero, hindi na lang ako nagkomento.
"Samson!" Bati rin ni Isang bago bumeso.
Sumimangot naman ang bakla, "Ano ba, Isadora! Nakita mong ang kapal ng make-up ko, tapos, tatawagin mo akong Samson. Impakta ka talaga! Manang-mana ka sa nanay mong si Ursula!" Ani Samson at umismid.
Tumawa naman si Isang, "Sorry na, Samantha." Malambing niyang utas bago lumingkis kay Samson, "Ito nga pala 'yung pinsan kong sinasabi ko! Si Erin." Aniya bago ako inilahad.
Tinignan ako ni Samson mula ulo hanggang paa habang palaki ng palaki ang ngisi niya, "Naku! Mabenta ka sa mga foreigners, hija! Maputi, makinis at maganda! Perfect! Ang ganda pa ng mga mata mo!" Aniya bago lumapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko, "Saan mo binili ang contact lense mo? Parang totoo eh!" Namamangha niyang utas.
Napakurap-kurap ako, "Uh, hindi po ako nagco-contact lense." Sabi ko na siyang ikinabigla niya.
"Ano!?" Aniya, parang naloloka, "Pero--"
"Tara na, Samantha!" Yaya ni Isang bago ako hinila palayo kay Samson.
Gulat pa rin pero nakabawi naman naman na. Bigla namang ngumiti si Samson, "Hmm. Okay! Tara na!" Aniya at pumalakpak pa nga daw! "Mag-aalas diez na, kaya magmadali na tayo! Lima lang kayong waitress ngayong gabi, kaya magsawa kayo!" Ani Samson bago kami inilahad sa elevator na puro salamin.
Pinindot niya ang number 10, ang pinakadulong palapag. Nagkwentuhan lang sila Isang at Samson, samantalang ako ay namamangha sa mga nakikita.
Kitang-kita ko ang kabuoan ng resort mula rito sa glass elevator. Nakakalula, pero, sobrang ganda!
Ngayon ko lang rin napansin na may mga ilaw pala ang ibang puno.
Ang ganda! Kahit gabi na ay magaan pa rin sa pakiramdam ang mga nakikita ko! My goodness! This is paradise at it's finest! It is easy to enjoy and definitely hard to forget.
Literal na lumuwa ang mga mata ko nang makalabas kami sa elevator. May bridge kasi sa harap namin ngayon na papunta sa barko. Halos kuminang ang tulay dahil sa mga ilaw at parang mga gemstones na iba't ibang kulay.
Nakakabaliw dito sa resort na 'to! Hindi kinakaya ng utak ko ang kayamanan ng may-ari nito!
"Ang rinig ko'y old rich daw ang mga may-ari nitong resort. Totoo ba 'yon, Sam?" Kuryosong tanong ni Isang kay Samson.
Tumawa si Samson, "Oo, pero, ang magkakapatid na Diez Valero ay sari-sariling sikap at hindi umasa sa yaman ng mga magulang. Pero, nang mamatay ang kanilang lolo ay sa kanila na pinamana lahat ng ari-arian kaya wala na silang choice kundi tanggapin dahil 'yon ang nasa last will and testament." Kwento ni Samson, "Ang rinig ko'y nasa Spain daw ang pangatlong kapatid dahil siya ang naatasan na tungkuling naiwan ng kanilang lolo. Rinig ko'y Duke daw siya doon!" dagdag pa niya.
Napanguso ako. Kung ganoon nga'y, sobrang yaman talaga nila!
"Pero, sa kanilang magkakapatid, ang panganay ang pinakamayaman! Siya ang may-ari ng dalawang barko na 'yan! Siya ang nagpagawa at nagpatayo, gamit ang minana niya sa lolo niya!"
Napanganga ako. Can you imagine that? Gamit lang ang minana niya from his grandfather, nakapagpatayo siya ng dalawang gintong barko. What the f**k!? Just how rich are they!?
Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong tignan ang paligid dahil pagkapasok namin ay nagsimula na kaagad ang programa. Naghatid na kaagad kami ng mga pagkain sa table at dahil lima nga lang kami ay paspas ang ginawa namin. Mabuti na lang at mukhang sanay na sanay na rin ang mga kasama namin kaya hindi na naging mahirap pa.
"Mukhang wala pa si Sir Bari, late na naman!" Ani Joy, 'yong kasamahan naming waitress.
"Syempre! s*x over anything si Sir Bari! Kasama niya kanina si Miss Rosa! 'Yong brazilian model! Naku! Alam na!" Sabi naman si Kakay.
"Matinik pa naman 'yon si Sir Bari! Lalo na sa mga sexy at magaganda!" Sabi ni Leslie sabay lingon sa akin, "Kaya ikaw, Erin, mag-ingat-ingat ka kay Sir Bari! Naku! Sa ganda at sexy mong 'yan? Delikado ka! Hindi lang kay Sir Bari, pati na rin sa magkakapatid na Diez Valero! Pati sa mga pinsan nila! Naku, ka!" Pananakot niya.
Napalunok ako sa sinabi niya at medyo kinabahan na rin. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Hindi ko na lang pinahalata na naapektuhan ako.
Umismid ako, "Pwede ba, hindi ako basta-bastang babae, kaya, wala kayong dapat na ipag-alala." Umirap pa ako.
Humalakhak si Joy, "Naku, Erin! Sobrang gwapo non si Sir Bari at nung mga kapatid at pinsan niya! Talagang pinagpala sa lahat! Sobrang yaman na nga, mayaman pa sa hitsura!"
Kumunot ang noo ko sa mga pinagsasasabi ni Joy, "I'm not shallow, Joy. Hindi ako basta-bastang nagkakagusto dahil lang sa gwapo o mayaman. Gusto ko sa lalaking may prinsipyo at higit sa lahat, hindi babaero!" Halos iritado ko nang utas.
Ngumisi naman si Kakay, "Naku, Erin, wag kang magsalita ng tapos. Tignan mo muna si Sir Bari at tignan rin natin kung mapanindigan mo ang nga pinagsasasabi mo."
Umiling na lang ako sa mga pinagsasasabi nila at kinuha na ang mga drinks sa counter ng bar para maipamigay na.
Maingay na ang gabi dahil tapos na ang program. Wala nga akong naintindihan masyado. Bukod sa pre-occupied ang utak ko dahil sa ginagawa ko, baba rin ako ng baba sa palda ko dahil sobrang iksi!
Kakainis naman kasi 'tong si Isang! Sabi ko nang hindi kami magka-size eh! Higit na mas malaki ng hinaharap ko sa kanya, pero, ipinilit na ito na lang daw dahil bagay daw sa katawan at kulay ko. Lalo daw nag-glow ang balat ko.
Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa counter para sa mga susunod na drinks, pero, gumagawa pa ang bartender kaya nakiinom na lang muna ako doon sa cocktail na natira sa tray. Pwede naman daw 'yon sabi ni Samson. Libre na raw ng may-ari.
Napapikit ako sa lasa. Ang sarap talaga nito! Nakakatikim lang ako ng ganito kapag nililibre ako ng mga kaklase ko sa bar eh. Hehehe.
Patuloy ang pagbibigay ko ng drinks at patuloy rin ang pag-inom ko kaya medyo nahilo na rin ako. Nakikitawa na rin sa medyo lasing na mga kasamahang waitress at iilang guests.
Mababait naman pala ang mga mayayaman. Dati kasi, naniniwala ako na kapag mayaman, masama ang ugali. Pero, ngayon na nakakasalamuha ko sila, hindi naman pala. Kahit na alam nilang waitress lang ako dito, hindi iba ang turing nila sa akin. May nag-aya pa nga sa akin na sumali sa table nila. Tumanggi lang ako dahil nagtatrabaho pa ako, pero, nangako ang sasama pagkatapos ng trabaho.
Hanggang alas singko pa ng umaga ang trabaho namin dito, pero, may breaktime naman kami. Kaya ito at napagbigyan ang mga nag-aya sa akin kanina. Nakipag-kwentuhan at tawanan ako sa kanila na para bang hindi ako iba sa kanila. Na para bang mayaman rin ako kagaya nila kung ituring nila ako.
Nasa iba't ibang lugar kaming limang waitress. Iba't ibang tao na pinakikisamahan. Pero, lahat sila ay hindi iba ang turing sa amin.
"Seriously, Erin! You should hang out with us sometimes! You're so fun to be with!" Ani Jeric, 'yong isa sa mga nag-aya sa akin.
"Yes! OMG! Ilang taon ka na ba, Erin?" Tanong naman ni Ryza, 'yong unang bumati at nag-aya sa akin na makisali ako sa kanila.
Ngumiti ako, "Titignan ko. Trabaho kasi talaga ang ipinunta ko dito eh." Sagot ko naman, "Twenty two na ako sa August 8."
"Oh! Pwede na! Kaso..." Huminga ng malalim si Queenie, "Sige. Pero, nandito ka naman bukas diba?" Umaasang tanong niya.
Ngumiti ulit ako, "Siguro?" Di ko siguradong tanong, "Pag-uusapan pa namin ng mama ko." Paliwanag ko. Sumang-ayon na lang sila at iniba na ang usapan, hanggang sa nag-aya na silang sumayaw. Pinagbigyan ko rin saglit, pero, kinailangan ko nang bumalik sa pagta-trabaho. Alas tres na naman na, konting tiis na lang at pwede na rin akong makapag-pahinga.
Ganon ulit ang ginagawa ko. Tuwing nay natitira sa tray ay iniinom ko. Naubos ko na ang cocktail na iniinom nang biglang may humawak sa baywang ko. Halos maibuga ko ang cocktail sa sobrang gulat, mabuti na lang ay nalunok ko kaagad.
"What the--"
"Hey, sexy, wanna dance?" Anang isang malalim at nakakahalinang boses.
Napalunok ako nang hinaplos niya ang beywang ko, pababa at pataas. Parang nang-aakit.
"H-huh?" Ang tanging nasagot ko bago sinubukang lumingon na sana ay hindi ko na lang ginawa.
Because, Lord, this man in front of me is obscenely gorgeous.
Napanganga ako nang makita ko ang kabuoan ng mukha niya na kahit sa dilim ay halata ang pagiging gwapo!
Thick eyebrows. Chestnut brown eyes. Proud narrow nose. Thin and red smirking lips. Devilish smirk. Thick stubbles. Sharp jaw. Hair on a man bun. Enticing smell.
Good Lord.
Napakagat ako sa sarili kong labi. I don't know what's happening to me, but, I feel so hot. Hindi pa nakakatulong ang paghaplos niya sa beywang ko.
He smirked at me, "Come with me." Aniya na kaagad kong sinunod. Sumama ako sa kanya ng walang pagalinlangan kahit na hindi ko naman siya kilala.
The next thing I know, he was pinning me against the wall near the upper deck. Walang tao roon, kaming dalawa lang.
"Eres tan hermosa, lo sabes?" Aniya sa isang lenggwaheng hindi ko maintindihan.
Hilong-hilo na ako dahil sa dami ng nainom ko, lalo pa akong nahilo sa mga pinagsasasabi nitong lalaking 'to!
Teka! Bakit nga ba ako sumama sa kanya!? Sino ba 'tong lalaking 'to!?
Bago pa ako makapagtanong, naramdaman ko na ang malambot niyang labi sa labi ko.
MY FIRST KISS!
**
Annyeong, yeoreubeun! ☺️
This is gonna be my first series here in dreame. I hope you support it po kahit mabagal at matagal akong mag-update??✌? maraming salamat po?
Thank you po sa support niyo. Godbless po☺️
Celine Guevarra | celinedipityyyyy