BELLE’S POV ANG mundo talaga natin ay maraming bagay na mahirap ipaliwanag kung bakit at paano nangyayari. Katulad na lang kung paano namin nahawakan ni Prince ang isa’t isa. Kung bakit gusto ni Prince na holding hands kami habang tumatakbo palabas ng Wellington High. Kapag hinanapan mo naman ng sagot, sasakit lang ang ulo mo, mababaliw ka lang kasi wala kang makitang kasagutan. Malamig ang kamay ni Prince. Para akong nakahawak sa isang yelo. Habang tumatakbo kami ay bumibilis din ang t***k ng puso ko. Ewan kung dahil sa medyo napapagod na ako o dahil sa kilig na nararamdaman ko ng sandaling iyon. Ayoko na namang lokohin pa ang sarili ko ngunit kinikilig ako kay Prince. Maya maya ay huminto na kami nang nasa tapat na kami ng gate ng school. Humihingal ako habang siya ay parang wala lan

