BELLE’S POV OKAY. I-a-analyze ko muna lahat ng nakakawindang na mga pangyayari. Kailangan ko itong gawin dahil medyo nakakaloka na ang mga natutuklasan ko. Twenty years nang nawawala si Angelika at seven years old nang mamatay si Miyaka. Hindi alam ni Mrs. Doris na nagkaroon ng anak si Angelika ngunit ayon kay Miyaka ay nakita na niya ang lola niya ng isang beses. The question is, paano at saan ito nakita ni Miyaka? Mas lalo na yatang gumugulo pero umaasa ako na lahat ng pieces of the puzzle ay mailalagay namin ni Prince sa ayos. Bahagya akong lumayo kay Mrs. Doris. Tinignan ko ang papel kung saan nakasulat ang kwento ni Miyaka. Last year lang siya namatay at isang unknown guy ang naglibing sa kanya somewhere in Wellington High. Baka naman nagkaroon ng karelasyon si Angelika at iyon ang

