BELLE’S POV KRIIINNNGGG!!! Papungas-pungas at napipilitan akong bumangon nang magsimula nang tumunog ang alarm clock ko. Inabot ko iyon at saka pinatay. Ang bigat ng mata ko at talagang antok na antok pa ako ngunit kailangan ko nang bumangon dahil may pasok pa ako sa school. Anong oras na ba ako nakauwi kagabi mula sa Wellington High? Sa pagkakatanda ko ay alas onse na iyon ng gabi. Hindi pa ako nakatulog agad dahil ginawa ko pa iyong assignment ko sa English. Tapos gising na ako ngayong ala-singko ng umaga. Babangon na sana ako nang tila may humilang pwersa sa akin para bumalik sa pagkakahiga. Gusto ko pang matulog kahit five sconds lang. Kung pwede lang. “Aaahhh!!!” Napasigaw ako nang malakas nang makita ko sa katapat ko si Prince na parang butiki na nakadikit sa kisame. Pero nakaha

