HINDI mawala ang pag-aalala sa dibdib ni Chad hanggang sa mga sandaling iyon. Hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin malay si Laya. Ganoon na lang ang paghangos niya nang matagpuan na walang malay itong nakahandusay sa terrace. Mabuti na lang at kasama niyang umuwi si Marites kaya nakatawag agad ito sa Emergency Hotline. Agad dinala ni Chad sa loob ng kuwarto nito si Laya at doon tinignan ng doctor. Bahagya lang siyang nakahinga ng maluwag ng sinabi na hinimatay lang ito, maliban sa mababa ang blood pressure, normal naman daw ang mga vital signs nito kaya wala siyang dapat ipag-alala. Pero tuluyan lang siyang mapapanatag kapag nagkamalay na ito. Napatingala siya nang marinig na bumukas ang pinto ng kuwarto ni Laya. Mula doon ay lumabas si Marites saka

