“I HEARD what happened, is Chad okay?” tanong sa kanya ng nakakatandang kapatid na si Himig. Naroon sila sa Silver Spoon at nagla-lunch kasama si Hiraya at Yumi. Malungkot na ngumiti si Laya nang tumingin sa kapatid. “He’s fine, sabi n’ya. Pero kilala n’yo naman ‘yon, hindi basta pinapakita sa iba kapag may pinagdaraanan siya. Kung hindi pa ako magtanong.” “Sabi ni Musika, ini-imbestigahan daw nila ang nangyari,” sabi pa ni Yumi. “Sa tingin ko, mas makakabuti kapag nag-transfer muna siya sa ibang lugar pansamantala. Just to be sure of his safety,” suhestiyon ni Hiraya. “Sasabihin ko ‘yan sa kanya mamaya.” “By the way, mga Kuya, may mga suit na ba kayo para sa birthday ni Dad?” paalalang tanong ni Yumi.

