Chapter 6

1560 Words
“WHERE do you want to go?” tanong ni Laya kay Chad paglabas nila ng pinto. “Kahit saan,” sagot ng binata. “Ugh, your answer. Very Pinoy.” Natawa ang lalaki. “Sorry, wala kasi akong maisip eh.” “Okay, ganito na lang. I’ll just tour you around the city. Tutal mamayang hapon pa naman ang conference meeting ko. Kasi tingnan mo…” sabi niya saka tinuro ang Village sa ibaba. “That’s pretty much it. Still, it’s worth touring for.” Napalingon siya nang marinig itong marahan natawa. “Anong tinatawa mo diyan?” “Ikaw eh.” “What?” she asked innocently. “I mean, masyado mong ginagalingan ang pagiging host mo sa akin.” Napangiti siya. “Masisisi mo ba ako? You’re my first ever visitor since I lived here. Ayoko naman umuwi ka ng Pilipinas na puro bad memories ang baon mo, dahil hindi kita inasikasong mabuti.” Pinagmasdan ni Malaya si Chad ng tumingala ito at lumanghap ng sariwang hangin saka pumikit. Mayamaya ay hinawakan nito ang kamay niya. Then, she felt really great. Standing here, looking at the beauty of Grindelwald Village together with someone whom she knows she can trust, what more could she asked for? Tumingala siya para lang masilayan ang halos mababang mga ulap nakapalibot sa bundok sa kanilang likuran. “Ano? Tara na?” tanong niya. “Okay,” pagpayag nito. Mula doon sa bahay niya, nag-desisyon silang dalawa na maglakad papunta ng Village. Gusto ni Laya na ipagmalaki sa kaibigan ang magandang lugar na kumupkop at tumanggap sa kanya at itinuturing na ikalawang tahanan. “Amazing, kanina ko pa tinititigan ang buong paligid, pero hindi nakakasawa ang ganda,” manghang wika ni Chad. Sumisilay na ang mga berde at bagong halaman kahit may mga snow pa sa paligid na unti-unti na rin natutunaw. Habang naglalakad ay panaka-naka silang humihinto para mag-picture gamit ang dala nitong professional camera. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagbabago. Chad still loves taking picture. Madalas, siya ang ginagawa nitong model or subject sa mga photoshoots nito. Ayon sa binata, maganda daw kasi ang rehistro niya sa larawan dahil sa Dutch features niya. Nang mapunta sila sa parte kung saan ay marami nang bulaklak ang tumutubo. Bigla siyang hinila ni Chad palapit saka kinuha ang phone nito at tinutok sa kanila ang camera. They took selfies with the beautiful wild flowers as their background. He pressed the button non stop, kaya naman puro tawanan sila dahil ayaw tumigil ng lalaki sa kaka-picture. Hanggang sa natigilan si Malaya sa sunod na ginawa ni Chad. He pulled her closer to him and kissed her in the head. Wala sa loob na napalingon siya at sinalubong ni Chad ang mga tingin niya. Naririnig pa rin niya ang sunod-sunod pag-click ng camera nito pero hindi magawang ilayo ni Laya ang tingin. Bakit ba pakiramdam niya may nagbago sa pakikitungo ni Chad sa kanya? And why does she starting to feel different towards him as well? Kahapon lang dumating ang binata at gustong isipin ni Malaya na dahil na-overwhelm lang siya sa pagdating nito matapos ang ilang taon hindi pagkikita. But still, something is different, she felt it, and it's way more beyond friendship. Hanggang sa ngumiti ito at binalik sa bulsa ang phone nito. Pagkatapos ay hinawakan siya sa kamay. “Let’s go?” She smiled back at him and hold his hands tight as well. “Okay.” Nang makarating na sila sa town proper, bumungad sa kanila ang magaganda at traditional Swiss houses, shops and hotels. Ang isa pa sa labis na nakakahanga sa lugar na iyon ay napapaligiran sila ng matataas na bundok. Matapos nilang mamasyal ay nagyaya itong doon na rin sa Village mag-lunch. It’s the first time after a long time that someone treated her for a meal. Habang kumakain, isang kaibigan niya na taga-roon sa lugar na iyon ang pumasok sa restaurant at agad siyang nakilala. “Elena!” masayang bulalas niya. “Hi Laya,” bati ng may edad na babae. Agad siyang tumayo at nag-beso dito. “Schön, dich zu sehen,” magiliw na wika ng babae, na ang ibig sabihin ay ‘masaya itong makita siya ulit.’ “Ich danke dir auch,” sagot niya na ang ibig sabihin naman ay ‘salamat, ako rin.’ “By the way, I would like you to meet Chad, a friend from the Philippines and he just arrived yesterday,” pagpapakilala niya sa dalawa. Agad nilahad ng binata ang kamay at magiliw naman iyong tinanggap ng kanyang kaibigan babae. “Nice to meet you, Ma’am,” nakangiting sabi ni Chad. “Oh, same here,” sagot nito, sabay baling sa kanya. “When I first saw you outside, I thought he’s your boyfriend.” Natawa si Laya saka sila nagkatinginan ni Chad. “Oh no, we’re just friends.” “That’s too bad, you look good together,” patuloy nito sa panunukso. “Anyway, I’ll leave you two now, I have to go. Enjoy your lunch guys.” “Thank you. Bye.” Nang makaalis si Elena ay saka sila natawang dalawa. “Pasensiyahan mo na ‘yon ah.” “Akala ko wala kang kaibigan dito?” “Meron naman, iilan lang. Isa na si Elena doon. She loves to match me and send me on a date. Sabi niya, kailangan ko na daw mag-asawa para hindi ako nag-iisa.” Napangiti si Chad. “Sabihin mo sa kanya, hindi na niya kailangan i-match ka. Nandito na ako.” Natawa siya at napailing na lang. “Bilisan na natin kumain para makabalik na tayo.”             “HOW’S work?” tanong ni Chad paglapit sa dalaga.           Nakapuwesto ito sa sala kung saan kaharap ang laptop at mga papeles . Pag-uwi ay agad nitong hinarap ang trabaho.           “Ayos lang,” nakangiting sagot nito. “Sorry, alam kong dapat inaasikaso kita dahil kadarating mo lang kahapon.”           Natawa ang binata. “Ano ka ba? Ikaw parang iba ako, okay lang. Take your time. I’ll just walk around and take more photos.”           “Okay.”           Bago lumabas ay muli niya itong hinalikan sa ulo sabay talikod, pero nakaka-isang hakbang pa lang siya nang hawakan siya sa braso ni Laya.           “Bakit?” tanong niya paglingon.           “Stop doing that.”           “Ang alin?” kunot-noong tanong.           “That!”           “Ang alin nga?”           “Kissing me in my head.”           Marahan siyang natawa. “Ayaw mo ba? Naglalambing lang naman dahil namiss kita!”           “Really? Stop. Hindi ka ganyan, Richard. Kilala kita. Hindi nananalaytay sa dugo mo ang pagiging sweet,” tatawa-tawang sabi nito.           “Grabe ka sa akin, Malaya. If I know, kinikilig ka. O baka naman gusto mo sa lips kita halikan?” nang-aasar na sagot niya sabay kindat.           Nanlaki ang mata nito at agad namula ang pisngi.           “Chad!” saway nito.           Humagalpak siya ng tawa.           “Doon ka na nga sa labas! Magsisimula na meeting ko!”           Tumatawa na sinunod niya ang sinabi nito. Umikot si Chad sa gilid at sinilip sa bintana si Laya. Napangiti siya nang makita na namumula pa rin ang pisngi nito pero hindi naaalis ang ngiti sa labi. Kaya in-on niya ang camera at kinuhanan ito ng ilang stolen shots. Then, he sighed. Simula noon, hanggang ngayon, hindi siya makapaniwala na hanggang tingin na lang siya sa dalaga. Hanggang kailan kaya niya mapapangatawan ang salitang kaibigan dito?           Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang mag-ring ang phone niya. Agad sinagot iyon ni Chad nang makita kung sino ang caller niya.           “Hey,” bungad niya pagsagot sa tawag, habang naglalakad siya palayo.           “Kumusta na diyan?”           “Ayos lang. Still adjusting on the weather but I can manage.”           “How is she?”           “She’s smiling a lot since I came.”           “Sa tingin mo kaya niyang tanggapin ang totoo?”           Bumigat ang dibdib ni Chad nang maalala ang totoong dahilan kung bakit siya naroon.           “Sa totoo lang, hindi ko alam. Masyado pang maaga eh, saka hindi ganoon kadaling sabihin sa kanya. I might lose here if she knew. Her trauma is worst than I imagined. Things will be tough.”           Narinig niya ang malalim na buntong-hininga ng kausap sa kabilang linya.           “It’s okay. I understand. Take your time.”           Sa pagkakataon na iyon ay si Chad naman ang napabuntong-hininga. “By the way, how… how is she?”           “Oh, her? Uh, don’t worry. We’re taking care of her. Hindi namin siya nilulubayan.”           “Thanks. Really. I appreciate it.”           “Ako nga dapat ang magpasalamat sa’yo.” “Nah, ginawa ko lang ang tama.” “Still, it wasn’t easy.” “I’ll be fine.” “Thanks, buddy.” Nang matapos ang tawag na iyon ay muli siyang napabuntong-hininga. Trying to ease the heaviness and burden he’s been keeping inside. Wala sa loob na napatingin siya sa bahay ni Laya. “I’m doing this for you. That’s how much you mean to me,” sabi niya sa sarili.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD